Prolouge

15 0 0
                                    

*turns on the radio*

What is the meaning of life?

Are we here for a reason?

Is there a point to any of this?

Hi! A cliché introduction coming up! Lol
I'm Anne Cate Renaldi, I'm 16 years old, and a 4th year highschool student and that's it. Nothing special.

Nandito ako sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko dito sa may Makati. It's actually a lot more easier magtrabaho pag dito kesa sa mga fastfood chains. Less hassle, and very comfortable. I can also get to relax, the aroma itself palang.

Nangungupahan ako ng apartment sa Quezon City, luckily mabait ang landlord and she does understand my situation.

"Here is your mocha frappe and penne pesto ma'am." I said as I put down her orders on the table.

"Thank you." The lady replied.

As I go back to the counter di ko mapigilan ang pagngiti. Simple gestures, simple thank you's of the people you served means a lot. Nakawawala ng pagod.

Since wala pa namang nakaantabay na order sa counter, I decided to clean the tables.

While cleaning the tables I saw this figure of a man walking right behind me, syempre mahiyain ate mo yumuko ako at umiwas after kong linisan ang table.

He's very familliar but not. A nostalgic feeling came up to me and leaves right away. Baka guni guni ko lang, dala lang siguro ng pagod.

"Anne! Tapos ka na? Ok na yan, oras na ng uwi mo.
Ito sweldo mo, pag may kailangan ka sabihan mo lang ako ha?" Sabi ni ma'am melissa who's just sitting right across the table I was cleaning.

"Ma'am maraming salamat po." Saad ko at tinanggap ang envelope na naglalaman ng sweldo ko para sa buwan na ito.

Bumalik na ako sa staffs room at tinanggal and apron ko. Nilugay ko na din yung buhok ko para mas kumportable.

"Beatrice! Pano una na ako ha?" Pagpapaalam ko sa kaibigan kong tumulong sakin para makapasok dito.

"Sige Anne ingat!" Saad niya at kumaway.

Habang naglalakad pauwi nakita ko uli yung lalaki kanina sa coffee shop. He really remembers me of something but I can't put it out. Nilagpasan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Give me time, and I'll let you experience the things you missed out." Rinig kong sinabi ng lalaki.

Tinignan ko uli siya pero nakatalikod na siya at may hawak na phone malapit sa kanyang tenga. Baka may kausap siya.

Pumara na ako ng bus at sumakay, 10 pm na kaya di masyadong occupied ang seats. Umupo ako malapit sa bintana at tinignan ang mga sasakyang dumaraan.

"Anak gising na! Papasada na ang tatay mo baka mahuli ka." Sigaw ni nanay habang tinatapik yung braso ko.

Syempre bumangon na agad ako dahil ayaw ko naman pahirapan pa si nanay sa pag-gising sakin. Tsaka jusko sinong di magigising sa sigaw ng isang nanay?

"Nay, pakiss." Saad ko at hinila si mama pababa at niyakap siya, at ayun inulan ang nanay ko ng laway ko.

"Yak anak! Magsipilyo ka muna ha. Kay bahong bata nire mana sa tatay." Aniya habang pinupunasan ang mukha niya gamit ang maliit na tuwalya na nasa balikat niya.

"Ah ganon? Pag tungkol sa kakulitan at kabahuan nagmana na agad sakin?" Bungad ni tatay habang nakasandal sa pintuan.

"Aba'y oo! Fresh ako no!" Sabi ni nanay at nagmodel pa sa harap ni tatay.

Melt under the sun's touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon