"So? Pwede ba namin mahiram si miss pandesal?" Tanong nung isa sakanila.Anong kailangan ng mga to? May atraso ba ako sakanila? Nagkusa naman silang tumulong kanina.. kailangan ko bang bayaran? Shit shit shit.
"Uhm sir Damon ok lang naman po samin pero kay anne po di namin alam, kailangan niya po kasi ito para sa scholarship niya." Saad ni ate belinda. Ang head dito sa canteen.
"Hmmm Anne? Ok lang ba?" Tanong niya. Damon. Interesting.
"Busy pa po ako, sa uwian nalang po hehe." Sabi ko at agad tumalikod. Putek nakakahiya. Ano bang gagawin ko?
"Anne, Don't worry kami ng bahala sa scholarship mo. Sumama ka lang samin." Saad naman nung nasa likod niya.
Lumapit si ate belinda sakin at binulungan ako.
"Anne, sumama ka na. Istorbo sa ibang costumers oh. Nakaharang sila." Sabi niya at kinuha ang sponge sakin.
"Mag-ayos ka na, mababait yang mga estudyanteng yan. Sige na." Taboy pa niya sakin. Ugh gusto ko umiwas pero ano bang magagawa ko? Di rin to matatapos hangga't di ko sila nakakausap. For sure gugulihin ako ng mga to.
Tinanggal ko ang apron at hairnet. Habang palabas ng canteen inaayos ko ang damit ko at nilugay ang buhok.
Pagkaangat ko ng tingin, nakita ko yung limang lalaki kanina na nakatitig saakin.
"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko sakanila, kailangan ko din makabalik agad sa canteen dahil mababawasan yung allowance ko.
"Kailangan ka namin makausap at sa mas pribadong lugar sana." Sabi nung Damon habang lumilinga linga sa paligid.
Gusto ko na agad matapos to kaya sumunod din ako sakanila agad. Patungong abandonadong school building ang pupuntahan namin... di naman ako takot. Di talaga.
Pumasok kami sa loob at mas lalo akong kinalibutan.
"Uhm wala bang mumu dito?" Tanong ko sakanila habang pinagmamasdan ang paligid.
"Wala, wag kang magalala. Ako nga pala si Leon Kingston." Pagpapakilala nung isa at naglahad ng kamay. Agad ko itong tinanggap bilang pagrespeto.
Si Leon, he have this kind of aura na masayahin but when you look deeply into his eyes para kang malulunod. He have this furry eyebrows and a wicked smile. He's gorgeous.
Nagpakilala na din ang iba pa.
"I'm Declan Sullivan, kapatid ako ni Damon. Nice to meet you Anne." Sabi nung isa at kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad. Then he winked.
He's the playboy type I think? He have this almond ang charming eyes. And his smile too.
"Damon Sullivan, nice to finally meet you." Sabi naman ng kapatid ni Declan at tinapik ang braso ko.
Same with Declan they both have this charming eyes but Damon is the serious type.
"Easton Conor here! You're beautiful huh." Sagot nung isa at nakipag-fistbump.
Ang cute! I imitate his fistbump too and he clapped his hands! He's playful huh.
"And I'm Benedict Harland." Says the guy whom I think is their leader? Ano ba sila? Gang?
He didn't offer his hand or anything to greet me like his friends did but yeah It's okay. Nagbabakasakali lang. Gwapo eh.
Well this guy have this chinito eyes but a dangerous one. Sharp jaw that can rip your panties charot yari tayo niyan.
"So? Ano bang meron? Wala naman akong utang pagkatatanda ko." Saad ko sakanila na tila'y naguguluhan.
"Yes wala, pero sa boss namin meron." Sabi ni Damon. Aba may speaker pala ang gang nila.
BINABASA MO ANG
Melt under the sun's touch
RomanceDear My Sunshine. Everyday, I become more sure you're the one. Your love touched my heart and will forever be yours.