Pandesal ko
I woke up as early as I can, kaya 4:30 palang ng umaga naghahanda na ako para pumunta sa bakery nila Mommy Jhayne, siya din ang ang may ari ng inuupahan kong apartment.
Ng makarating ako sa bakery agad kong kinuha ang mga nakaready ng pandesal at inayos ang pagkalalagay sa basket sa harap ng bike.
"Ate Leoning, ito na po ba lahat ng pandesal?" Tanong ko sa nagbabantay sa bakery. Matagal na siya ditong nagtatrabaho kaya alam na niya ang gagawin ko sa mga pandesal.
"Oo Anne, mag-ingat ha." Saad niya at tumulong na din sa paglagay sa basket.
"Opo, bago ako umalis papuntang eskuwelahan ibibigay ko po ang halaga ng maibebenta ko po." Sabi ko sakanya dahil ayokong hawakan ang pera, baka manakaw o mawala ko pa dagdag gastusin pa.
"O sige sige, si Kean naman nakatoka sa pagbabantay mamaya abot mo nalang sakanya." Saad niya at tinapik ang braso ko. Anak niya si kean. Nanay siya ni kean. Ayun.
"Opo, una na po ako." Sabi ko at nagbike na patungong bayan.
"Pandesal! Pandesal po!" Sigaw ko habang nagbibisekleta at pinipindot ang bell ng aking bike.
"Ate! Ako po!" Sigaw ng batang laging bumibili sakin.
Siya na yata ang may pinakamaraming ambag sa mga nabebenta ko."Ilan sayo?" Tanong ko sakanya habang nakangiti.
"Duh as usual labing dalawang piraso po." Aniya at umirap pa. Madami siyang nabibili sakin kaya lang ayun mataray nga lang.
Nilagay ko na sa paper bag ang pandesal na binili niya. Nilagay ko ang pera sa belt bag na nakasuot sa balakang ko at sinuklian siya.
"Salamat Amelia." Saad ko at nginitian pa siya ng isang beses. Ayun bilang mataray agad niya akong tinalikuran.
Sobrang gaan ng loob ko sakanya, siguro kasi kapangalan niya si nanay.
Nagpatuloy ako sa pagbebenta dito sa bayan hanggang sa maubos ko ang paninda ko. Mabenta ang pandesal lalo na sa mga bata at sa mga may edad na. Ginagawang sawsawan ang kape nila.
Magulo ang lugar namin pero mababait ang mga tao dito. Pero di lahat.
Bumaba ako ng bisekleta at bumili ng tubig. Pagkalingon ko sa harap ng tindahan kung saan nakaparada ang bisekleta ko nakita kong tinangay ito ng isang lalaki.
Nabitawan ko ang inumin ako at agad kong hinabol ang aking bisekleta. Napakahalaga sakin nun dahil nakakabawas ako ng pag gastos sa trasportasyon dahil dun.
"Kuya! Balik mo sakin niyan!" Sigaw ko habang patuloy na hinahabol siya. Kailangan na kailangan ko yun. Bigay ni tatay yun sakin.
"OY MAGNANAKAW!" Sigaw ko.
"PUTEK PINK YAN OH! DI KA BA NAHIHIYA!?" Sigaw ko habang tumatakbo.
Habang hinahabol nagulat ako ng may mga lalaking humabol din sakanya. Sino tong mga to?
"Ibalik mo yan!" Aniya ng isang lalaki habang tumatakbo.
"Gago ka ah! Walang pambili?" Asar naman nung isa pa.
"Amputa sa lahat ng nanakawin pink na bike pa ang nais." Sigaw naman ng isa pa.
Yung dalawang natirang hindi nagsasalita ang nauna ng tumakbo. Lumiko sila sa may eskenita sa bayan at patuloy na hinahabol yung magnanakaw.
Buti nalang at dead end na ang nilikuan ning magnanakaw kung kaya't agad namin siyang nahuli.
Lumapit ako sa magnanakaw at hinampas siya sa ulo gamit ang belt bag ko.
BINABASA MO ANG
Melt under the sun's touch
Любовные романыDear My Sunshine. Everyday, I become more sure you're the one. Your love touched my heart and will forever be yours.