Her P.O.V (Part I)

9 0 0
                                    

Her P.O.V

After 5 years

"Moommmy..." bulol na sabi sa'kin ni Angelo.

Agad niya akong sinalubong pagkapasok ng bahay at yinakap siya ng mahigpit. Kinarga ko siya at apahagikhik siya sa tawa dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing nakikita at nayayakap ko ang anak ko. Nakakawala ng pagod.

Baby Angelo is already turning to five years old next week kaya naman ay todo kayod ako sa trabaho bilang isang nurse. Gusto ko lang kasing bigyan ng kahit simpleng birthday ang anak ko. Napahikab ako sa antok. Pasado alas siyete na kasi nang umaga at wala pa akong tulog.

"Manang Flor?" tawag ko sa babysitter ni Angelo.

"Jenny? Anak?" tawag niya sa'kin mula sa kusina.

Hindi ko alam pero gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing tinatawag niya akong anak. Siguro ay dahil isa na akong ulila. Nasanay na rin akong tinatawag niyang anak. Para ko na rin kasi siyang nanay.

"Matutulog na ako sa itaas manang. Ikaw na po ang bahala kay Angelo ha." habilin ko sa kanya dito at pinasa sa pagkara kanya si Angelo.

"Sige Iha. Magpahinga ka na muna at ako na ang bahala kay baby Angelo." Napangiti ako sa tugon niya.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng may maalala, "Gisingin niyo ako mamayang alas tres ng hapon manang ha. Pupunta kasi kami ni Angelo mamaya sa mall para bilhin yung mga kailangan para sa birthday niya."

"Okay Jenny... anak." magalang niyang sagot.

Agad na akong umakyat at pumasok sa loob ng kwarto ko. Hinubad ko na yung puting uniporme ko at agad na sumalampak sa'king kama pagkatapos kong makapagbihis ng pambahay. Antok na antok na talaga ako dahil graveyard shift ko kagabi.

Hanggang sa hindi ko na lang namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang akong may kumakatok sa kwarto ko.

"Jenny... Iha? Gising ka na ba?" tanong ni manang sa labas ng kwarto ko.

Napakurap ako ng mga mata at agad bumangon sa kama ko, "Bihis lang po ako manang." sagot ko.

Pumasok na ako sa CR at agad nanghilamos. Hindi na ako nag-abala pang maligo dahil kakagising ko lang. Nagsuot lang ako ng isang simpleng damit na tenernohan ng shorts. Gagala lang naman kami sa mall kaya hindi ko na kailangan pang mag-ayos. Tinali ko yung buhok kong hanggang balikat at sinukbit ang shoulder bag ko.

Pagkababa ko sa sala ay nakita kong nakaayos na rin si baby Angelo. Napangiti ako at napatingin kay manang Flor. Malaki ang pasasalamat ko at siya ang nakuha kong babysitter para kay Angelo dahil bukod sa mabait ay napakasipag pa niya bilang katulong. Siya na kasi ang naging katulong ko simula nung nag two years old si Angelo.

Nung una ay wala pa akong tiwala na iwan siya kasama nang kung sino habang ako ay nagtatrabaho. #TalkaboutTrustIssues

Kaso ay wala naman akong choice kundi ay ang kumayod para sa kinabukasan ng baby ko. Pero nang tumagal ay nasanay na rin ako dahil ipinakita ni manang Flor sa'kin na wala naman akong dapat na ipag-alala para sa anak ko dahil talaga namang mapagkakatiwalaan siya hindi lang bilang isang katulong. Manang Flor is already 42 years old. May anak raw siya na nasa malayo at matagal ng patay ang asawa niya kumbaga isa siyang biyuda. Naawa rin ako sa kanya kaya siya ang kinuha kong katulong. I hought she badly needs this job.

"Naks! Nakaayos na ang baby ko ha." wika ko kay Angelo at binuhat na siya.

"Thank you manang Flor. Alis na po kami ha." baling ko naman kay manang habang busy sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin para kay baby.

Secret and Lies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon