(The continuation)
[A/N: Since this will be HIS P.O.V. So, expected na sobrang taas nitong isang chapter compared dun sa nauna. I hope you guys still read this one. Thank you and enjoy.]
-His P.O.V-
"This is the only way to save our company son."
"Dad please no... " pagmamakaawa ko kay papa.
I can't do what he wants me to do. I know there is still a solution for this. I can't afford hurting nor leaving my girlfriend just because of this bullsh*t! thing. Alam kong malulusutan ko rin ang lahat ng 'to.
"Then find another way... pero kapag wala na talagang paraan. I'm sorry but I will close the deal with our company's partnership." wika ni papa at tuluyan ng lumabas ng opisina ko.
I just want all of this to forget.
"Yow! Clarence. Mukhang problemado ka ha. May problema ba kayo ng girlfriend mo?" tanong sa'kin ng bestfriend kong si Ericke na kakapasok lang ng opisina ko.
"It's not about her. It's about the company." problemado kong wika.
Bigla namang sumeryoso ang mukha niya sa narinig.
"I know there's still a lot of problem going on in this company pero pwede mo naman munang kalimutan ang lahat. Alam kong makakahanap ka ng solusyon para maisalba ang lahat ng pinaghirapan ng papa mo. Alam mo... there's this place na alam ko nang sa gayu'y makalimut at makapag muni-muni ka muna sa lahat ng problema mo. Malay mo naman diba?" ngiti niya ng nakakaloko.
Kahit kailan hindi na talaga nagbago ang isang 'to.
"Oo na, suko na ako. Siguraduhin mo lang na makapagmuni-muni ako sa lugar na sinasabi mo. Kung hindi ikaw ang ipapalit ko sa sitwasyon ko." wika ko at kinuha na ang car keys ko.
"Seryoso ka ba? Ito ba yung lugar na sinasabi mo para makapag muni-muni ako? Pre, alam mo namang ayaw ng gf ko na pumupunta ako dito 'diba?"
"Ano ka ba 'tol. Hindi naman malalaman ni Jenny na nagpunta ka dito kung hindi mo sasabihin sa kanya 'diba?"
May punto naman siya. Kaso ayoko pa ring suwayin si Jenny.
"Uuwi na lang ako Ericke."
"Kahit kailan ang kj mo talaga Clarence. Nagtatampo na nga yung ibang barkada natin kasi minsan ka na lang raw kung magpakita sa grupo tapos ngayong nandito ka na ay aayaw ka pa." pangongonsensya niya.
"Sige, mangonsensya ka pa. Sige na nga. Pero sandali lang ako dun ha." wika ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng bar.
Pagkapasok ko pa lang ay naamoy ko na ang iba't-ibang klase ng alak at medyo madilim pa yung paligid. May tumawag sa'kin sa may lamesa at agad naman kaming lumapit dalawa ni Ericke kung saan naroon ang mga kaibigan namin. Nagkuwentuhan lang kami na may konting nag-inuman hanggang sa hindi ko na namalayan yung oras ng biglang may tumawag. Pagtingin ko sa cellphone ko ay si Jenny pala iyon.
"Hello, babe?" wika ko sa napapaos na boses.
Medyo sumasakit na rin yung ulo ko dahil sa alak.
"Nasaan ka? Bakit ang ingay diyan?" tanong niya sa kabila ng linya.
"Nandito ako sa the bar... nagkayayaan eh."
"What Clarence?! Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa'kin? Alam mo bang kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo." galit niyang sabi.
Tinignan ko yung call logs. 9 missed calls.
"Sorry babe, hindi ko kasi namalayan kanina yung tawag mo." mahinahon kong sabi.
"Ewan ko sa'yo Clarence..."
*Tooot* *Toooot* *Toooot*
"Hello babe? Oh shit!" bulong ko ng bigla niyang pinutol yung linya bigla tuloy akong kinabahan.
Alam ko kasing sa mga oras na 'to ay nag-aalburoto na yun sa galit.
"Bakit? May problema ba?" takang tanong sa'kin ni Ericke.
"Kailangan ko ng umalis. Ikaw nang bahalang magpaalam sa mga kaibigan natin ha?" wika ko at agad na umalis.
"Teka... tol... sandali..." tawag niya sa'kin pero nakalayo na ako.
Pagkalabas ko ay dumiretso agad ako sa sasakyan ko at pinaandar iyon. Kailangan kong puntahan siya ngayon sa opisina nila. Nakakapagmaneho naman ako ng maayos dahil hindi naman masyadong marami ang nainom ko kaya walang problema. Siguro medyo tipsy lang ako.
Hindi rin naman kalayuan ang apartment na tinutuluyan ni Jenny at hindi na rin masyadong traffic since sobrang late na kaya ilang minuto lang ang lumipas ay agad na akong nakarating sa apartment niya. Dali-dali akong sumakay ng elevator at pinindot yung numero.
Nasa tapat na ako ngayo ng pintuan ng apartment niya. Kinatok ko iyon ngunit walang nagrerespond, "Jenny, open the door please..." pagmamakaawa ko rito.
"No, I won't. Ano bang ginagawa mo dito Clarence? Umalis ka na." sigaw niya sa kabilang pinto.
Pero imbes na magpaawat ay hindi ko yun tinigilang katukin. May ibang lumabas galing sa loob at nakikiusyoso sa nangyayari.
"Ano ba! Gusto mo ba talaga akong ipahiya? Pumasok ka na nga lang sa loob." naiinis niyang wika pagkabukas ng pinto.
Medyo nahimasmasan pa ako dahil sa gulat nang tumaas ang boses niya. Pagkapasok ko ay agad ko siyang niyakap. Napangiti ako ng naamoy ko ang pabango niya.
"Oh my God! Ano ba Clarence... amoy alak ka." reklamo niya sa gitna ng aking yakap.
"I miss you Jenny... " bulong ko.
"Hey! Are you crying?" tanong niya ngunit hindi ako sumagot. Bagkus ay hinigpitan ko pa lalo ang pagyakap sa kanya.
God! Tell me... papaano ko nga ba papakawalan ang babaeng 'to?
Hindi ko alam kung bakit napaluha ako ng yakapin ko siya. Siguro ay dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Hindi ka na sana nagpunta pa dito. Paano na lang kapag naaksidente ka dahil lang sa pagdadrive mo ng lasing?" nag-aalala niyang sabi sa'kin.
Corny mang sabihin pero napangiti ako dahil sa kilig. For the past 6 years ng relasyon naming dalawa ni Jenny ay hindi kailanman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Mawala na sa'kin ang lahat ng meron ako, huwag lang ang babaeng pinakamamahal ko.
"Hindi ko kakayanin kung mangyari man yun..." I hushed her with a kiss.
Ngunit hindi ko namalayang mas lumalim pa yun. Hanggang sa pareho na lang naming nakita ang mga sarili naming nalulunod na sa bawat halik. Wala na akong nakikitang mali sa ginagawa naming dalawa. Basta ang alam lang namin ay pareho kaming nagmamahalang dalawa.
Nang mga gabing yun ay may nangyari saming dalawa. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo. I maybe the luckiest man on earth and Jenny, is the one I only love.
BINABASA MO ANG
Secret and Lies (COMPLETED)
Novela JuvenilA story about unfolding the secrets and telling the truth between the lies. Secret and Lies (Short Story) Written by: Maiden_Blaze Copyright © 2019 by Maiden_Blaze. All Rights Reserved.