Chapter 1
20 years ago...
Kakai Pov
"Bubuka ang bulaklak papasok ang reyna sasayaw na chacha ang saya saya, boomtiyayabomtiyayabom ye ye2x" Masayang kanta ng kaibigan ko naglalaro kasi kami ngayon at ako ang taya todo kembot naman ako sa gitna at sa huling parte kung saan tatakpan ko na ang mata ko at iikot ay may naramdaman akong tumama sa ulo ko medyo masakit pero hindi naman grabe nakita ko bunga yun ng ginimelena(di ko alam spelling) bigla kong pinulot yun at nakita ko si mauwe na nakangisi. Hula ko sa kanya tu galing. Agad ko namang binato sa kanya at pumulot ulit ng pambato. Nakita kung kasama nya si kuya yanyan at kai mga kapatid ko at iba pang tropa nya na mga uhogin at di naliligo. Yuck
Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko pito kaming mga babae at may isang lalaki ay! Wait bakla pala. Nakita ko may mga dala silang pambato. Napangiti naman ako at bumaling sa hayop na mauwe
"LUSOOOOOBBBBB!!!" Sabay sigaw namin ni mauwe.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Aray!? Ma?!, huhuhuh waahh" Sabay naming sigaw na tatlo habang pinapalo ni mama ng patpat.Ang sakit.. Huhuhuh
"Wag kayong umiyak!? Sabi ng wag Umiyak" Sabay palo sa min isa isa ..
Imbis na tumigil mas lalo pa kami naiiyak. Ikaw kaya paluin di ka iiyak..
Gusto ko nga sanang sagutin si mama na itigil mo kaya ang pagpalo para tumigil din kami sa pag iyak... Naguguluhan na kasi ako..Pero waaaahhhhhh Ang sakit talaga!??
PAKk!!3x
"Ma?! Tama na po huhuh di na mauulit huhuh" Pagmamakaawa ko ang sakit na talaga kasi..
"Hindi na talaga!!" Sigaw ni mama sabay tapon ng pamalo
Hayyyysss salamat!
Pero masakit parin talaga ang pwet ko di ko na maramdaman..
Itong dalawa naman namimilipit sa sakit bukod kasi sa pwet nila ginawa nilang panangga ang kamay nila tapos kapag natamaan tatalon sila yan buong katawan nila napalo. Ako kase steady lang. Pwet ko ngalang ang napuruhan..Kasalanan ng ungas nayun e.
Habang nagbabatuhan sya talaga tinarget ko hindi ko na sya hinayaan na maka kuha ng ibabato sa kin pinaulanan ko kase di ko naman kase nakita na bato na pala ang na ebato ko sa kanya yun natamaan sya sa ulo at nagsumbong sa nanay. Walanghiya talaga sya na nga ang naunang nambato tapos sya tung iiyak at magsusumbong yan tuloy napagalitan pa kami ni mama at higit sa lahat napalo.. Bwiset sya.
Ako si kakai 10years old grade 4 section 1.
Yung nakalaban ko kanina si mauwe katulad ko grade 4 narin sya section 2 nga lang.
Magkalapit lang ang bahay namin magkaibigan ang mga magulang namin. Di kami mayaman pero sila medyo may kaya kasi kapag birthday nya laging maraming handa, games at may Cake panu nagiisang anak e. Kaya lagi akong mabait sa kanya tuwing malapit na birthday nya. Para invited nya ako.
Di naman kasi kami magkaaway talaga kapag napagtritripan lang namin mag away kaya ayon di naman ako magpapatalo sa kanya lagi nga syang iyak sa huli e.hahaha maliit man ako..pero wag ako palaban yata tu..
Matapos mahimasmasan sa trahedyang nangyare sa pwet ko pumuta ako sa taas ng bahay namin.. Dalawang palapag kasi ang bahay namin dito mo makikita ang kwarto namin. Sa isang kwarto tatlo kami ni kai at kuya yanyan ang natutulog malaki naman kaya sakto lang samin.
Maganda pa dito kasi ang sariwa ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam...
"Psssssssssst!"
Bigla naman ako nagulat sa tunog kaya hinanap ko kung saan ng galing sumilip ako sa bintana baka kasi maligno o kaya nuno sabi pana man ni papa may maligno sa puno ng mangga na nasa tapat nitong kwarto namin.
"Hoy!? kakai!?" Sabay dungaw sa bintana..
"Wa--" Sigaw ko namadali nya namang pinigilan gamit ang kamay nya ng tuluyan na syang nakapasok. Tinabig ko naman agad. Pesti! Ang pait san pa ba galing yung kamay nya ang pait talaga. Dura naman ako ng dura ayaw makuha ang pait.
"Ay!! Sorry kakatapos ko lang kase balatan ang buto ng mahugani. Sabi kase ni yanyan kapag nA balatan mo yun na di mapuputol yung itim matutupad mo ang wish mo" Tinignan ko lang sya ng masama. Bwesit talaga
"Ano ba ang ginagawa mo dito, mauwe. Galit ako sayo kaya alis ka..shoooo!" Sabay senyas na lumabas sya.
"Eto naman sorry na ikaw kase. Bat bato yung binato mo..nagkabukol tuloy ako" Kita mo sinisi pa ako...
InirApan ko na lang sya.."Nasaan--" Diko na sya pinatapos
"Wala sila dito pinag igib ni mama may klase na kase bukas" Sagot ko.
"Auh ganun ba sige.. Bukas na lang kita tayo sa school" Sabay punta sa bintana.
Napatigil sya habang nakatingin sa baba. Hindi ko alam panu sya nakaakyat siguro dahil sa sanga ng mangga.
Lumingon sya sakin at ngumiti ng pag aalinlangan. Napabunto g hininga na lang ako at hinawakan ang kamay pababa at palabas ng bahay..
"Ah eeh, S-sige bye!!" Sabay takbo
Napanu yun tsk.......
BINABASA MO ANG
You Are The Reason
Adventureang kwento natin na aking isinulat na upang ipaalala sa inyo ang panahon na magkasama tayo at ang muli nating pagtatagpo.. kwentong.... Ikaw ang dahilan