prologue

4 0 0
                                    


Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin ang gaan sa pakiramdam. Inilabas ko ang kamay ko sa bintana ng kotseng aking sinasakyan. At nilibot ko ang aking mata sa aming nadadaanan.

Kahit ilang taon ang lumipas di parin nagbabago ang lugar na to. Parang ako lang ata ang tumanda at nagkakaedad. Ang puno na makahilera sa daan pati na ang bundok at palayan ganito parin ang pakiramdam nung una akong napunta didto.

15 years ago.

Auh! Meron palang nagbago wala na ang mga batang naghahabulan sa daan at naglalaro sa bakante o malawak na patag.

"Hija okay lang ba?" Alalang tanong ni tiyo isko ang kapatid ni papa.

Di ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko agad ko namang pinunasan.

"Okay lang po ako tito. Wag kayong mag alala" Sagot ko

Ilang taon narin kasi pero nandito parin ang sakit.

At ngayon na bumalik ako dito naaalala ko lang ang pait ng nakaraan dito. But I have no choice, I should go back here. Kahit mahirap. Kahit masakit.

Because this is my HOME

Welcome to Murcia

Yan ang nakita ko sa daan. Malapit na kami. Bigla naman ako kinakabahan. Kainis naiihi tuloy ako ganito kase ako pagkinakabahan naiihi o di ka ya alam nyo na..

Biglang tumigil ang kotse sa isang bahay na gawa sa kawayan at nipa native house hindi naman bahay kubo kasi may parte ng bahay na simentado at malaki may gate na pula.

Lumabas na ako nang kotse at kinuha naman ni tito isko ang bagahe ko sa compartment at nauna ng maglakad sa loob. Ako naman ay kinakabahan sa magiging reaction ng mga tao sa loob..

"Kakai?!" Nakangiting bati sakin ni tiya ester kapatid din ni papa. Sa kanila kasi ako pansamantala tutuloy habang tinatapos ko ang project ko dito sa Murcia.

Agad ko naman syang niyakap at kinamusta ganito parin pala ang buhay nila dito masagana patuloy sa paglago ang kanya kanya nilang palayan na ipina mana sa kanila ni lolo yun kay papa kasi dito ibinigay nya sa kay tiya elena ang pangatlo nilang kapatid dahil sobrang hirap sila noon ipinabili nya yung parte nya tapos yun nga binigay ni papa yung sa kanya nakaahun naman na sila ngayon at maganda na rin ang buhay. Magkalapit lang ang bahay nilang magkakapatid sa Hacienda. Si papa lang ata ang nalayo ng bahay andun kasi sya sa states kasama ni mama at ang bunso namin na nag aaral pa dun. Nandun din ang mga kapatid ko si kuya Ian may pamilya na dun. Ganun din si kyle at mina . Si ericson ayon nagtratrabaho bilang isang modelo sikat na sya dun at maging dito sa pinas parang dati lang ang patpatin nun. Di ko nga eniexpect lahat ng tu.

Ako?

Ito isa na akong architect.
Sikat? Hindi kilala lang. Haha

Ako si Kailorren Navarro, 30 years old.

Single.

Di naman ako mapaghahalataan na malapit ng Lumampas sa kalendaryo. Kung di mo nga ako kilala aakalain mong teenager ako. Ganun ako ka baby face.. Bukod kasi sa height ko at sa cute kong mukha. Malilinlang talaga kita. Di ko nga alam kong asset ba to o sumpa eh. Di kasi talaga tugma ang mukha ko sa edad ko.

Single, because it is an choice.

By the way, ayoko sana talagang bumalik dito pero wala e, si tadhana ay mapaglaro.

At ngayon nandito ako para na mangpenikula na nagflashback lahat ng mga alaala mula sa simula......

Ang storya natin...............


You Are The ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon