Chapter 1

25 0 0
                                    

Tunog ng keyboard at mouse lamang ang maririnig sa buong silid ng dalaga. Malakas din ang tunog ng aircon sa kaniyang kwarto. Ang buong atensyon nito ay sa nilalaro nitong online game na bagong labas lamang.

Libangan niya talaga ito. Nagtratrabaho siya bilang crew sa isang fast food restaurant. Para bilhin niya mga luho sa sarili niya.

Dahilan naman niya may nagtutustos naman sa pangangailangan niya sa pang araw araw. Tutal matagal naman din siyang nakabukod sa kaniyang mga magulang.

Hindi na niya matiis yung gulo sa pagitan ng magulang niya.

Gusto niya ng tahimik na lugar. Kaya rumenta na lang siya ng apartment. Atleast dito, hindi maingay.

Tumingin sa gilid ang dalaga.
'5:01 am' basa nito sa digital clock. Hindi pa pala siya nakakatulog muna ng pagkaout niya sa trabaho. Masyado pala siyang nalibang.

Kaya napagpasiyahan niya na mag log out siya nilalaro niya at tumayo para maligo. Kinuha niya ang tuwalya at dumeretso sa banyo.

Pagkapasok niya napatitig siya sa salamin. Hindi na niya makilala yung sarili niya. Maputla ang kaniyang balat. Maitim ang ilalim ng mata niya dahil sa puyat.

Hindi pa rin pala siya nagpapagupit kaya umabot ng bewang ang buhok niya. Hindi naman siya mataba, hindi payat. Kaya masasabi niyang ayos lang ang katawan niya.

Hinubad na niya ang kaniyang damit. At nagsimula na siyang maligo. Malamig angs tubig pero hindi niya ito naalintana. Sanay na kasi siya.

Napapikit na lang siya ng nagsimula na naman niyang maalala yung masasamang nangyari sa kaniya.

'Focus' she chant in her head. Medyo nanuyo yung lalamunan niya at nag iba ang paghinga niya.

-

Ilang minuto ay natapos na siyang maligo at lumabas na ng banyo na nakatapis lang. Narinig niya kasi yung cellphone niya nagriring.

[Ly's Calling...]

Kumunot noo niya. Manager kasi yung tumatawag sa kaniya. Ipapa on duty na naman siya nito. Kaya wala na siyang magawa kaya sinagot niya 'to.

"Yes Ma'am?" magalang na pagbati niya.

"Janina, pwede ka bang dumuty bukas ng hapon? Wala kasi akong katuwang."

Napakagat siya ng labi. Ayaw pa kasi nitong dumuty. "Okay po" ani niya.

"Sige, aasahan kita ah? Pasensya ka na."

Pagkatapos non ay binaba na niya yung tawag. Tinapon niya yung cellphone niya sa kama niya at pabagsak siyang nahiga sa kama niya.

Hindi niya pinansin yung tuwalyang nahulog. Hindi niya rin pinansin ang lamig na bumabalot sa hubod hubad niyang katawan. Basa din ang kaniyang buhok.

Lumingon uli siya sa digital clock niya '5:36 am. Ang tagal ko din pala sa banyo.'

Papikit na sana siya ng magring muli ang kaniyang cellphone. Tinignan niya muli yung pangalan kung sinong impakto na naman tumatawag sa kaniya

[Roy's Calling...]

"What do you-"

"Door. Now." then he hung up. Kaya nagbihis agad ako ng maluwag na tshirt at shorts. Mas komportable ako, si Roy lang naman.

Mga ilang hakbang lang mula sa kama ko ay binuksan ko na yung pinto ng apartment ko.

Bumungad sakin yung seryosong mukha ni Roy Delos Reyes. Naka suot siya ng formal attire at may bitbit na tatlong kahon ng pizza.

Magsasalita sana ako kaso pumasok agad siya. Kaya napataas kilay ko at sinarado ko ang pinto.

Maliit lang naman yung inuupahan ko. Pagbukas lang ng pinto ng apartment ko ay kama ko na agad. Walang sala. Pero may mini table ako. Kaya sa lapag ako nakaupo.

Nakita ko agad ni Roy na parang ngumiwi sa sobrang lamig.

"Ang lamig naman dito." reklamo nito.
"Sino ba nagsabi na pumasok ka?" sinamaan ko siya ng tingin. Umupo siya sa kama ko at binaba yung pizza sa mini table ko.
"Kagagaling ko lang sa meeting. Kaya dito na ko napadaan." kaya tumango na lang ako. Naupo na ko sa harap ng mini table at nilantakan ang dinala niyang pizza.

Kababata ko si Roy, hindi ko alam kung paano kami naging malapit sa isa't isa. Masasabi kong may itsura naman si Roy kahit papano. Ang ayoko lang sa kaniya yung itim hikaw niya sa kaliwang tenga niya.

"Wala kang duty?"

"Wala"

"Okay."

Tumango ako. Ganiyan kami mag usap. Pero ramdam namin yung komportableng awra. Inaamin kong may lihim na pag hanga ako kay Roy, sino ba naman--

"Jan." Napalingon ako sa kaniya habang nginunguwa ang pizza. Nagtanong ako ng bakit.

"Ikakasal na ko." habang nakatitig sa mga mata ko.

Nabulunan na kong tuluyan.
'Punyeta'

Miraculous AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon