Paine POV
"...dismiss," sabi ni Prof Kiela kaya inayos ko na agad ang mga gamit ko ng mag ring ang cellphone ko.
"Hello," sabi ko tsaka isinukbut ang bag ko sa balikat.
" Where are you," tanong ni mommy.
" I'm still in the room mom," sabi ko at nagtatakang tumingin sa harap.
" I'm in the school cafeteria come and join me anak," sabi niya kaya napangiti ako pero agad ring nawala dahil kataka takang parang magkakilala na noon pa si Prof Kiela at ang mga transferee.
"Paine anak are you still there?," takang tanong ni mommy.
" Ah-ahm yeah.. okay I'm on my way there gonna hang up now bye love you," agad ko itong binaba at naglakad palabas.
Tiara POV
(Paine's mom)Nakita ko agad siya kaya kinawayan ko siya para mapansin niya ako agad. Nang makita niya ako ay agad na sumilay ang ngiti nito na ikinangiti ko rin. Ewan ko ba sa batang to, sa loob ng labing pitong taon na kasama ko siya ay napamahal na ako sa kanya. Naalala ko kung paano ko siya nahanap.
Flashback
"Tiara....," tawag sa akin ni Papa. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit po Papa?" mahinhin kong saad sa kanya.
"Kailan niyo ba ako ni Edward bibigyan ng apo ha?" Inip na sabi nito sa amin. Nagkatinginan kami ni Edward pero umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Kung alam niyo lang Papa.....
Pagkatapos ng usapang iyon ay lumabas ako ng bahay para magpahangin nang marinig ko ang iyak nang isang sanggol. Hinanap ko kung nasaan naggaling ang iyak nang makita ko ito ay naawa ako sa kalagayan nito. Sinong walang kwentang ina ang kayang iwan ang kanyang anak sa basurahan tsk. Kinuha ko ito agad at pinasok sa bahay. Nagtaka si papa at Edward sa batang dinadala ko pero hindi ko muna sila pinansin at mas pinagtuonan ko yung bata.
"Manang pakisabi kay Poloy na bilhan ako ng gatas pambata tsaka mga kagamitan nito" saad ko habang papaakyat ako sa kwarto ko.
"Saan mo napulot yan Tiara?"takang tanong ni papa. I sighed and face him.
"Sa labas po papa dun ho sa may basurahan, naawa ako kaya dinala ko na rito" sabi ko habang nasa bata yung tingin ko. Ngumiti ito sa akin na ikinakabog nang puso ko.
"Tiara mukhang may instant apo na ako nito hahaha" masayang sabi ni papa na ikinataka ko.
"Pa hindi po ba kayo nababahala na hindi sa akin galing to?" taka kong tanong sa kanya. Lumapit itong sa akin at hinawakan ang ulo ng bata.
"Tiara anak... kahit sino pa yan tatanggapin ko basta makita lang kitang masaya ay masaya narin ako tsaka ang gandang bata nito matitiis ko pa ba to?"sabi ni papa na ikinatulo ng luha ko. Tumingin ako sa bata at nagulat nang hawakan nito ang aking mukha at ngumiti sa akin na para bang ako ang kanyang ina.... anak.... naluluha kong tinignan ang batang sanggol.
"Anak..... dahil nasasaktan ako nang makita kita sa ganoong kalagayan ang ipapangalan ko sayo ay Paine... ikaw na ngayon si Paine Ferrer at ako si Tiara Ferrer at Edward Ferrer ang iyong mga bagong magulang" nakangiti kong sabi sa kanya. At kahit makita mo man ang totoo mong mga magulang sa takdang panahon hinding hindi na kita bibitawan pa anak ko.
HI GUYSSSS AT LAST NAKA UPDATE NARIN AKO SORRY PO KUNG NAPAIRESPONSABLE KONG AUTHOR ILANG TAON DIN AKONG HINDI NAKAPAG UPDATE BUT NOW MAYBE TWICE OR THRICE A WEEK AKO MAG UUPDATE KAYA EXPECT NIYO ANG MARAMING CHAPTERS NA DADATING ... MAHAL KO KAYO READERS :*
BINABASA MO ANG
The Long Lost Elemental Princess
FantasySophia Alexandra Paine Heather Frin the long lost Elemental Princess na itinakas ng oracle dahilan upang mailigtas ang kanilang mundo. .