Chapter 7

60 2 0
                                    

"Saph....." isang malamyos na tinig na hindi ko alam kong saan nanggaling.

Minulat ko ang mga mata ko at sinalubong nito ang madilim kong silid.

"Saph.... nandito ako"

Agad akong napalingon sa pinto na biglang nagbukas nagtaasan kaagad ang mga balahibo ko sa kilabot na nararamdaman.

"Ganyan nga Saph sumunid ka sa akin..."

"S-sino ka?" pilit ko mang pigilab ang hindi mautal pero nalalamangan talaga nito ang kaba at takot ko. Napatili ako nang maramdaman kong umaangat ako at napalilibutan nang tubig nilukod na nang takot ang pagkatao ko hindi nako makapag isip nang tama sa nangyayari!

"Please tama na!!! Sino ka ba!?" naghihisterta kong sabi. Kahit para na akong tanga dahil wala naman akong kausap kundi ang sarili ko.

"Elementum Princesa...."

Ayan na naman siya huhuhu mommy natatakot na talaga ako. Nasilaw ang mga mata ko sa liwanag na bumungad sa harap ko.
Natulala ako nang makita ko kung sino ang nasa likod nang ilaw na iyon. Isang napakagandang babae na nakasuot ng kulay asul na dress .. infairness maganda ang suot niya. Namamangha man ako sa aking nakita ngunit nagtataka rin ako kung saan siya nanggagaling at bakit tinatakot niya ako nang ganito ka tindi.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ako tinatakot babae ka?!" nagtataka pero pasigaw kong tanong dito. Ang kaninang kaba at takot na nararamdaman ay napalitan nang sobrang pagkalito at pagtataka.

"Elementum Princesa" malamyos na pagkakasabi niya at ngumiti sa akin. Pati ngiti niya maganda harujusko maloloka ako nito

"Ha?" Hakdog.. napatampal nalang ako nang noo sa sariling kabaliwan.

"Et geminae spiritus ocearia est aqua" ano daw?

"Hic prius ad me hodie et dabit tibi quod merentur" baliw to...

Translation:

Ako si Ocearia ang kambal diwa nang tubig na matagal ko nang inaalagaan. Nandito ako sa harap mo ngayon upang ibigay ang kung ano ang nararapat na para sayo.

"Hindi kita maintindihan" nalilito kong sabi sa kaniya. Sinong hindi malilito eh pang alien ang wika nito. Ngunit ngumiti lang siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"Unus... hoc est initium" matapos niyang sabihin yon ay nilukob nang tubig ang katawan ko kahit anong pilit kong umahon hinihila parin ako nito hanggang sa nilamon na ako nang dilim.

Translation:

Uno... simula pa lang ito.

The Long Lost Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon