Tyron's POV
Shit. Ano ba ang problema ng babaeng yon ? People are talking about the kiss that happened last night. They want some answers from me kung kami na ba ni Gretzel.
Wala akong sinabi. If they want to think something about us then let them be. I don't want to explain myself. Gretzel made that move so dapat siya yong mag explain why she did that.
After my wife got home yesterday I left Gretzel there at the Hotel. Di ko siya hinatid pero pinahatid ko siya kay Gin pabalik sa condo niya. I hate here right now. Di ko parin siya kinakausap hanggang ngayon.
' Mr. President the board members are now at the meeting room. Ikaw nalang po '
' Okay '
Tumayo na ako at inayos yong tux ko. Lumakad narin ako palabas ng office ko at pinagbuksan naman ako ni Gin ng pintoan. Tumango lang ako sa kanya bago tuluyang pumasok.
Agad naman nagtayuan ang mga kasali sa meeting na ito ng makita nila ako. Nag bigay ako ng signal upang maupo na sila. Tinignan ko naman yong folders na nasa harap ko. About ito sa gagawin na bagong companya ko.
' Mr. President there's a lot of companies na gustong makakuha ng shares sa gagawing Big Project, pagbibigyan ba natin ?'
'Yes Mr. President that's one. Other company are having a competition about this case '
Napatingin naman ako sa kanila. Competition ? Tahimik ko silang tinitigan and I just realized na pinag-papawisan na pala sila. For me this is normal. Boss nila ako and I know kinakatakutan rin nila.
Gin told me once that 'I'm intimidating ' dahil rin siguro di nila ako nakikitang ngumiti at seryoso palagi. Well, yong asawa ko lang ang pinapakitaan ko ng emosyon.
' Okay. Call every companies and tell them that if they're interested about the project then send one of their BEST representative and let them attend the meeting for this '
' But Sir we have our own Best Interior Designer ? Why find one ? '
I pinch the bridge of my nose to let them know that I hate repeating and explaining myself. Napayuko at napatahimik naman yong umangal sa gusto ko. Good. They should know that I'm always their Boss.
' Just tell them '
Sabi ko at tumayo na. Nakapamulsa akong umalis sa meeting room and let Ria dismiss them. Dumiretso ako sa office ko at napa-upo sa swivel chair.
I'm sure Scarlet will do everything to get that project. That's their dream and I'm not gonna help her to reach it.
Scarlet's POV
Tulala akong nakatingin sa labas ng bintana ng office namin. Hanggang 5th floor lang ito. Dito agad ako dumiretso pagkagaling ko sa hospital.
Medyo lutang pa ako dahil sa mga kaganapan sa buhay ko. Nagulat nalang ako ng kinalabit ako ni Hannah. Napatingin naman ako sa kanyang nag-aalalang mukha.
' What happened to you ? Para kang siningil ng mga nautangan mo '
Sabi niya. Napailing nalang ako sa kanya at bahagyang napangiti. Ngumiti narin siya sa akin.
' Tara Ice cream tayo ?'
Biglang aya niya. Napa-isip naman ako. Wala naman akong gagawin kaya tumango ako na ikinasaya niya.
'Tara'
Masaya kaming bumaba ng building at pumunta sa tapat kung saan may 7/11 doon. Pumasok kami at humanap muna ng table. Tumuro naman siya nang makakita siya at nilapitan namin yong bakanteng table.
' Ako na bibili and my treat '
Sabi niya. A-angal pa sana ako dahil may pera naman ako pero she doesn't let me. She insisted and I just let her go to the counter.
Ilang minuto lang at may dala na siyang one liter na Ice cream at slice bread.
' Hannah sana yong maliliit nalang na ice cream yong binili mo di naman natin yan mauubos '
Angal ko. Gumastos pa talaga. Nginitian niya lang ako at ibinigay sa akin yong kutsara at platito na hiniram niya. Umupo narin siya sa tapat ko.
' Chill Ma'am mukhang stress ka kasi eh so tell me para mabawasan yang nararamdaman mo '
Di ako umimik at nakatingin lang habang naglalagay siya ng ice cream sa slice bread niya. Nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko ba pero naging malapit ko narin naman siya kaya humugot ako ng malalim na hininga saka nginitian siya.
' Actually wala naman akong probl--'
'Ma'am Scarlet, you can trust me '
Sabi niya. Napa buntong hininga nalang ako at kumagat ng slice bread. Stress Eating. Lumunok muna ako bago nagsalita.
' Yong kapatid ko kasi Hannah ang hirap hanapan ng heart donor..at sa mas lalong tumatagal n-nanghihina naman yong katawan niya '
Malungkot na sabi ko . Napatitig naman siya sa akin. I bet she can see sadness in my eyes. First time kong may mapagsabihan about sa kapatid ko, kay boss di ko pa nasasabi at wala naman akong planong sabihin dahil di naman masyadong importante, pero alam kong susuportahan nila ako kapag nakikita nila akong nahihirapan.
' Naku Ma'am mahirap daw po talaga. Pero tiwala lang po sa panginoon alam ko pong di niya po tayo pababayaan '
' I know at nagtitiwala naman ako pero na paghihinaan din kasi ako ng loob dahil parang alam ko na ang mangyayare at yon yong di ko pa matanggap '
Hinawakan niya yong kamay ko na ikinatitig ko sa kanya. Napaka aliwalas ng mukha niya.
' Just pray and trust Him. '
Sabi niya sa akin ng seryoso.
'Thank you Hannah '
Madamdamin kong sabi sa kanya. She wink at me at kumain na ng ice cream.
' By the way don't call me Ma'am. Scarlet nalang '
'Eh ? Nasanay na po ako Ma'am e--'
'Please. I insist '
Ngumiti naman siya at tumango. Nag usap pa kami ng kahit ano kung saan parehas kami interesado. Di ko na sinabi sa kanya yong tungkol sa problema ng asawa ko at sa kapatid nito. Sa akin na yon.
I just want to enjoy this moment with Hannah. Marami din akong nalaman sa kanya. Para ko lang siyang kapatid kong makaakto. Naging comfortable din ako kasama siya. Sana maulit ito.
~•~•~
[ NOT EDITED ]
YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...