Scarlet's POV
Kanina pa ako nakikisalamoha sa kanila at tudo ngiti lang ang binabalik ko. Nakikita ko pa yong mga naging kaibigan ko noon.
Di ko inakala na sa dating pinasukan ko pala kami pupunta ni Ria. Nagulat nalang ako ng may makita akong kakilala at sinabi yong ganap ngayong araw. Ang laki ng pinagbago ng paaralan at nang mga tao noon.
Yong mga kaklase ko may mga pamilya at sariling mga negosyo na. Nahihiya naman akong sumabay sa usapang 'success' na yan. Dahil sa totoo lang di pa ako tapos pag-aralan yong kursong kinuha ko, natigil kasi nong nagkasakit ang kapatid ko at sekretong nagkaroon ng asawa. Kaya hindi ako na p-promote eh. Hays.
' Yes. I have my own pavilion in US and here in our country'
'Wow cool. '
'Thanks '
Rinig kong usapan nila. Mabuti pa sila may ipagmamayabang ako ito shut up nalang. Tahimik lang akong umiinom ng wine dito sa table na sinamahan ko. Sila lang kasi yong kakilala ko.
' My husband is one of the shareholders at Emperor's Branches '
'Ang yaman niyo na yan!'
'Sana all '
At nag tawanan sila sa sinagot ng isa. Kanina pa ako naiilang sa kanilang lahat.
' How 'bout you Scarlet ? Anong meron ka sa buhay mo ngayon ?'
Muntik na akong mabilaukan sa tanong ng naging kaibigan ko noon. They handed me a water and a tissue .
Pero sinabi kong okay ako. Now, ako na naman yong naging centro ng usapan nila.I don't know what to say. Wala naman akong maipag-mamayabang sa kanila. I only have my own car na binili ni Ty para sa akin.
' So how's life ? May asawa't anak ka narin ba ? '
'Oo nga. Kayo pa ba ni Terrence ?'
' Kayo yong kinikiligan noon eh, sobrang bagay kasi kayo tapos parehas pang palaban sa school at matatalino '
Napa ngiti naman ako ng mapakla. Nga naman, di naman nila alam yong hiwalayang naganap or talaga bang naghiwalay kami ? Sa sobrang tagal ng panahon di ko na alam yong eksaktong nangyare sa amin ni Terence.
' Ahm, I don't have a family yet at matagal na kaming wala ni Terence. Nag f-focus ako sa trabaho ko ngayon.'
Nakayukong sabi ko. Napa 'oh' naman sila.
' Sayang . Napaka successful pa naman ni Terence ngayon'
'But girls I like his elder brother Tyron. Mas successful yon kesa sa kanya '
Pag banggit palang sa pangalan ni Tyron nag-tilian na yong mga kasama namin kahit may mga asawa't anak na ang mga ito.
' Ahh ! Oo nga ! '
'Isa rin yan sa rason kung bakit single at sucessful lang ako sa work ngayon '
Okay. They're talking about Tyron my husband. Tumango-tango lang ako kapag nangangailangan sila ng sagot sa akin. Maya-maya rin ay nagpaalam na ako at gusto kong mapag-isa.
Napadpad ako sa garden kong saan tinatambayan namin ni Terence noon. Mas lumawak lang ito at mas gumanda dahil may mga roses na ito pero nandoon parin yong malaking kahoy na may lamisa at upuan para sa mga tuma-tambay.
Lumakad ako don at naupo. I really like the ambiance here, it's so relaxing. Nang nagsawa ang mata ko sa kakatingin ay bigla akong dinalaw ng antok kaya nakatulog ako.
Nagising lang ako ng may maramdaman akong humahawi sa buhok ko na nasa mukha kong nakakalat. Medyo nagulat ako ng pagmulat ko ay napakalapit na ng mukha ni Terence sa akin. Its just inches away at parang maglalapat na yong mga labi namin.
'Ahm'
'Hey Scarlet '
Inilayo ko yong mukha ko sa kanya dahil baka may makakita. Sikat pa naman ito ngayon.
' Ah Hello '
Naiilang na sabi ko. Hinawakan niya naman yong kamay ko na agad ko rin namang binawi.
' Ah ano kasi..aalis na ako--'
'Wait Scarlet, iniiwasan mo ba ako ?'
Nagtatakang tanong niya sa akin. As long as I want to leave him here ayw ko parin maging bastos.
' No. I'm kinda busy at babalik na ako sa trabaho ko'
' Let's talk about us Scarlet. I'm back , let's talk about our relationship and to the upcoming weddi--'
' Wait what ?!'
Gulat kong tanong sa kanya. Anong kasal ang pinagsasabi nito ? Hindi pa niya pala alam ?
' Yes. I told you when I come back I'm gonna marry you'
' Terence there is something that you need to know '
Agad naman siyang sumeryoso. Nawala yong ngiti niya at yong puso ko nagwawala sa bilis ng tibok.
Ayw ko ng patagalin pa ito baka mas lalo lang siyang umasa. Gusto ko diretsahan. Pero bago pa ako magsalita inunahan na niya ako.
' May iba na diba ? May pumalit na sa pwesto ko jan sa puso mo? But whoever he is I'm willing to stand a war..just to win you back '
And with that tinalikuran niya ako. Nakatingin lang ako sa likod niya. Sa pagbikas niya sa mga salita niya napaka seryoso ng mukhang pinapakita niya sa akin. Nakitaan ko rin ng sakit yong mga mata niyang nakatitig sa akin kanina.
' Come on.'
Tawag niya sa akin. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya. Ilang steps lang yong distansya namin habang naglalakad. Nakapa mulsa lang siya habang ako nakatingin sa kanya sa likuran.
Parang nag slow-motion ang paligid ko ng makita ko si Tyron na nakatingin sa amin ni Terence. May kasama siyang mga investors niya at sila Ria tsaka Gin kasama rin niya.
Nagulat pa nga sila Ria at Gin ng makita nila ako. Si Tyron seryoso lang na nakatingin sa aming dalawa. Dumating sa punto na dadaan sila sa side ni Terence.
Parang umihip yong hangin ng bigla silang nagtapat dalawa. Bahagyang huminto si Terence at binagalan naman ni Tyron yong lakad niya.
Ako yong kinakabahan sa sitwasyon naming tatlo ngayon. But I clearly hear what Tyron says to his brother.
' Long time no see and communication, brother '
Saka siya lumakad ng diretso at di na hinintay yong reply ni Terence. I think Ria and Gin felt the tension between them. I saw how terence hands form into a fist. Di ko alam kung bakit siya nagkakaganyan.
~•~•~
YOU ARE READING
The Billionaire's Secret Wife
Teen FictionScarlet Yu is a simple girl. She's willing to do everything just for her sister's sake ! And one day she made a contract with the very famous business tycoon Tyron Zaires. She agreed to be the Billionaire's secret wife with reason. What if they f...