Habang abala si Yangyang sa pagrereview nya sa nalalapit nyang pagsusulit ay naglilikot naman ang kanyang alagang kuting.
"Whibie saglit na lang okay?"
Tumigil naman ito sa paglikot at nakaupo ito at pinagmamasdan ang pokus nito sa kaniyang reviewer.
Nang tumingin sya sa orasan ay agad syang nagbihis upang pumasok.Hinihimas nya ang kanyang alagang kuting.
"Oh paano alis na ako ha? Wag kang maglilikot" sabi nito at umalis na
Sumakay na sya sa kotse at agad na nakarating sa paaralan.
Nang makarating sya sa classroom ay agad syang umupo at dumukdok.Buong araw syang gising at walang tulog.
Dumating si Akiel at inilapag sya harapan ni Yangyang ang mainit na kape at pagkain.
"Wow! tamang tama nagugutom na ako!" masiglang sabi nya
"Kumain ka na agad halatang puyat ka tingnan mo may eyebags ka na" sabi nito saka ngumiti
"Salamat talaga Aki"
Kinuha agad ito ni Yangyang at kumain.
"Dahan dahan lang baka mabulunan ka.Kita mo may dumi na sa muka mo" sabi nito at kumuha nang tissue upang punasan ang muka nya
"Duìbùqǐ" (I'm sorry)
"Okay lang hinay hinay lang kasi may oras pa naman.Tsaka para may laman 'yang tiyan mo."
"Teka Aki si Prix pala?"
"Ah ang alam ko nasa cr sya pumunta.Hintayin mo pabalik narin sya."
Tumango na lamang sya at inubos ang kanyang kinakain.Pagkatapos nito kumain ay agad na itinapon ni Aki.Sumimsim naman ng kape si Yangyang.
"Ang bango" sabi nito
"Kahit kailan talaga nababanguhan ka sa amoy nang kape" sabi nito at tumawa nang mahinhin.
Napangiti na lamang si Yangyang sa inasta nito.Agad namang sumulpot si Prixie sa usapan.
"Nandito ka na pala Yangyang kanina pa kita hinihanap" sabi nito
"Kakarating ko lang kase nagreview pa ako bago pumasok"
"Halata nga eh ang laki kasi nang eyebags mo hehe" sabi nito at ngumisi
"Weeh? ganon ba talaga kahalata?" taka naman nya
Kumuha nang salamin si Prixie at itinapat sa muka ni Yangyang.Nagulat si Yangyang dahil totoo nga halata ang eyebags nyang nangingitim.Kumuha nang concealer si Prix at agad na ipinahid ito sa eyebags ni Yangyang.
"Ayan para hindi halata" sabi nito
"Thank you" pasalamat naman ni Yangyang
Umupo na sila sa kani-kaniyang upuan upang makinig sa klase.
~~~~~~~~
"Grabe naman exam na bukas huhu" pag maktol ni Prixie
"Di ka kase nakikinig" sabi ko naman
"Puro ka kasi tulog minsan habang may klase haha..." singit naman ni Aki
Umupo kami at umorder muna si Aki nang kakainin namin kabisado naman nya kami eh.
"Ganito kapag naka pasa ka sa exam ililibre kita Prixie" sabi ni Akiel at inilapag sa harap namin ang pagkain.
"Sige ba aasahan ko yan ha"
"Huy Aki wag na mauubusan ka nang pera nyan eh" suway ko
"Hayaan mo na kapag pagkain ang usapan syempre gaganahan yan.Saka I can manage may ipon naman ako eh"
Napanguso na lang ako kahit pagbawalan mo sya he will insist.Kinuha ko na ang burger at kumain.I take a picture of it and post it on my myday sa messenger.
Nilitratuhan ko din si Aki kumain ang cute nya kasi eh haha.Pagkatapos nitong kumain ay umuwi na sila upang magreview.Naka upo sa sala si Yangyang at abala sa pagrereview.Ang alaga naman nitong si Whibie ay naglilikot sa upuan.
"Hay tapos nadin" sabi nito at iniunat ang kanyang mga kamay.
Humiga sya sa upuan at binuhat si Whibie.Hinihimas nito ang ulo unti unting bumibigat ang mata nito at bigla syang nakatulog habang hawak hawak nya ang alaga nya.
Maya maya lamang ay dumating ang papa nya kasama ang fiancèè nito.
"Yangyang nandito na ako kasama ko si Tita Cleya mo" sabi nito
Pumunta sila sa sala at doon nila naabutan si Yangyang na mahimbing ang tulog.
"Tulog pala sya honey" sabi ni Cleya
"Mukang napagod kakareview malapit na kase ang exam nya"
"Gigising mo ba?"
"Magluto ka muna honey saka ko na sya gigisingin kapag nakapag luto ka na"
"Oh sige magluluto na ako"
Dumeretso sa kusina si Tita Cleya upang magluto.Inayos naman nang papa nya ang mga gamit nya dahil gulo gulo ito.Tinitigan naman nya ang kanyang anak na mahimbing ang tulog kasama ang kanyang kuting.Hindi mapigilang ngumiti nang kanyang ama.
"Wèi wǒ de tiānshǐ nǚ'ér gǎndào jiāo'ào" (Proud ako sayo my angel daughter)
Hinihimas nito ang kayang ulo at hinalikan ang kanyang noo.Tinulungan ni Carlos si Cleya mag handa sa kanilang kakainin.
Nang di nag tagal na si Yangyang dahil sa mabangong amoy.Bumangon sya at ginusot ang mga mata.
"Ang bango naman" sabi nito
Sinundan nya ang amoy saka nya nakita ang papa nya at soon to be step mother.Napangiti naman sya sa nakita nya.
"Nandito na po pala kayo" sabi nito
"Gising ka na pala anak hintayin mo maluluto na'to" sabi nang kanyang papa
"Tita siguraduhin mong masarap yan ha" sabi naman nya
"Aba oo naman Yangyang sabi mo ah"
Hinintay na lamang ni Yangyang sila sa hapag kainan.Agad namang hinahain na nila ang kanilang kakainin.
"Wow adobo ang tagal ko ding hindi 'to natikman" sabi ni Yangyang
Tinikman nya ito at biglang nagningning ang kanyang mga mata.Natuwa naman ang dalawa sa inasta ni Yangyang.
"Ang sarap!"
"Sabi mo kase sarapan ko eh."
Agad naman silang kumain.
"Oo nga pala bukas na ang dinner natin." paalala ni Cleya
"Don't worry nakapag pareserve na ako sa isang restaurant for tomorrow" sabi naman ni Carlos
"Hahabol po ako exam po namin kase bukas" sabi naman ni Yangyang
"Don't worry Ija we'll for you" sabi ni Cleya
"Deretso ka na agad anak huwag ka na magpalit maganda ka naman eh" Sabi nang kanyang ama
"Pa, alam ko naman 'yon eh" biro nya
"For sure maglalaway ang mga anak ko kapag nakita ka" sabi ni Cleya na ikinamula nang pisngi ni Yangyang
"Hindi naman tita grabe ka nahihiya na tuloy ako.." biro ni Yangyang
Natawa na lamang silang tatlo at masayang kumakain.
Itutuloy~

BINABASA MO ANG
Living with Step-Brothers Jerk
Teen FictionYangyang is a half chinese and half filipino young girl who always wishes to be happy when her mother died she became sad but her father always there for her.Nang malaman na ang ama ay ikakasal na sa bagong babae ay masaya naman sya ngunit may mga a...