[1] THE BEGINNING

30 0 0
                                    

Mommy*sniff*Mommy*sniff*waaaah!!! sigaw ko habang umiiyak. Nakatayo ako ngayon sa harap ng puntod ni mommy. Mommy! Bakit mo ko iniwan?! daing ko pa habang kinukusot ko ang aking mga mata. Bakit?! Huhuhuhuhuhuhuhuhu!

Tsss...ang ingay.

Napalingon ako sa batang lalaking nagsalita na nakahiga sa katabing puntod ng mommy ko. Pinindut-pindot pa niya ang tenga niya gamit ang kanyang hintuturo.

Asus. Pasimple lang naglilinis ng tenga ang lalaking ito. Wala bang cotton buds sa kanila at daliri niya ang ginamit niyang panlinis sa tenga?

Nakitang kong bahagya siyang umupo.

Hoy! Bata, pwede bang tumahimik ka? Nakikita mong natutulog yung tao dagdag niya.

Kung makatawag na bata, akala nito hindi rin siya bata.

Bakit? Sa pagkakaalam ko, sementeryo to libingan ng mga patay. Hindi naman 'to kwarto para dito ka matulog at tsaka.... tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa tao ka ba? Para namang hindi.

Anong sinabi mo?!Sabay tayo niya dahil sa inis at humakbang pa siya palapit sa akin kaya ayun natapakan niya ang lapida ng mommy ko. Huhuhu:'( kawawa naman si mommy.

Ang sabi ko wala kang respeto! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na gumalang sa mga patay?! ” Sabay tulak ko sa kanya at lumuhod ako para linisin ang lapida ni mommy na nadumihan dahil sa kanya. Pagkatapos kong linisin yun tiningnan ko ng masama ang batang lalaki, siguro mas matanda lang siya sa akin ng isang taon. Nakatingin siya sa dalawang puntod na katabi sa puntod ni mommy.

Sino naman ang magtuturo sa akin kung...wala naman akong mga magulangsabi niya sa mahinang boses. Parang ang lungkot niya.

Bigla akong naguilty sa pagsigaw ko sa kanya kanina. Tumayo ako.

“ Sorry ” halos pabulong kong sabi habang pinagpagan ko ang aking tuhod. Bakit ka diyan natutulog?Siguro ayaw niyang iwan ang mga magulang niya at gusto niya na palagi niya itong katabi Pwede mo naman silang bisitahin araw-araw.

Paki mo ba? Kaya pwede ba biik, tumahimik ka. Kung makaiyak ka naman wagas. Nakakaistorbo ka ng ibang tao sa sobrang lakas ng iyak mo.

ANONG TINAWAG NIYA SA AKIN??! BIIK?!

Paki mo din ba, payatot na unggoy ka?!Sigaw ko din sa kanya.

Anong sinabi mo?!

Hindi ka rin pala PAYATOT!!! BINGI din!

Ang TABA-TABA mo na nga! Ang ingay mo din!!!

Ano daw? Mataba ako? Uwaaahh!! ” Pinapadyak-padyak ko ang mga paa ko at kinukusot ang aking mga mata. Wala pang nagsasabi na mataba. "Uwaaah!!" Sabi kaya nina mom at dad na ang cute-cute ko. Huhuhuhuhuhu! Uwaah! ” Ang sakit-sakit niya magsalita. “ Uwaaah!” Okay pa sana ang biik dahil chubby lang kaso sinabi niyang mataba, baboy na yun. Uwaaah!!” Lalo akong nagwala at nilakasan ang aking pag-iyak.

“B-bata......”

Uwaah!

Ssssh...sorry na” nilapitan niya ako at niyaka habang hinihimas-himas niya ang aking likod para ako ay tumahan tahan na. Baka akala nila ni-lechon kita kaya ka umiiyak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Is Not A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon