Chapter 3

41 2 0
                                    

Hesthia

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ng lalaking to ng maramdaman ko ang lamig ng hangin pagkapasok sa mansyon nila. Napanganga ako sa laki neto, mas lalong gumanda to ng makita ko ang chandelier na bubungad sayo pagkapasok mo sa pinto. Nguni't agarang nawala ang pagkamangha ko ng maalala kong hindi iyon ang ipinunta ko rito. Hindi ko paman din nakakaharap ang pamilya niya ay sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

"Oh..kuya?" gulat na bati ng isang babae sa kanya..Nakangiti itong nakadungaw sa may hagdan at dali daling bumaba."Siya naba?" nakangiting turo niya sakin. Tumango lang tong si lalake at agad naman akong niyakap nitong si babae. [gulo no? bala ka diyan!"]

"Long time no see, brother! Hindi ko alam na ngayon pala ang uwi mo. Kamusta sa Sokor?!" so galing siya ng korea? buti pa siya nakapunta nadun! napatingin ako sa lalaking bakas ang saya sa mata ng makita tong babaeng to.

"Ayos naman..sila mommy nandyan ba?" hindi ba't pumasok siya rito kanina? -,-

"Ah..yeah! Nasa dinning area sila..yiee im so happy at nakapag-uwi kana rin ng magagandang anghel dito sa bahay natin." lumapit siya sakin at nilaro laro si baby traizon kahit natutulog.

"Tara.." yaya niya sakin. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

Katulad kanina ay gulat silang napatingin sa lalaking katabi ko..ilang taon kaya nilang hindi nakita to, ganun nalang kasi ang gulat nila..

"He's here..at may bitbit nang babae." napatingin ako sa matandang babae na nagsabi nun. Iniwas ko kagad ang paningin ko sa kanya ng magtama ang paningin namin.

Umakbay sakin itong lalaking nasa tabi ko atsaka hinimas himas ang balikat ko..tumaas ang mga balahibo ko sa ginawa niya.

"I would like to introduce to all of you, My Wife and My Son." pakilala niya samin ni baby traizon. Pinisil niya ang balikat ko at napatingin naman ako sa kanya.

"G-good afternoon po, I'm Hesthia..hes wife po. Nice to meet you po." magalang na bati ko. Lumabas naman ang ngiti nila maliban sa Lolo't Lola niya.

"Sit down ija.." ma-awtoridad na utos ng lolo niya. "Masyado mo ngang sineryoso ang usapan natin" tumingin siya sa lalaking katabi ko. "Talaga nga namang pagdating sa kompanya at sa kuya mo ay hindi ka nagpapatalo?"

kumuyom naman ang kamao nitong lalaki na nasa tabi ko. tila hindi nagustuhan ang sinabi ng matanda sa kanya.

"Dad stop it..not in front of her wife!" pabulong na sigaw ng isang babae. Nagtataka akong napatingin isa isa sa kanila. Tila kinakapa kung anong nangyayari sa palagid. "Ahh, hello there ija, how are you?" bati niya sakin.

"Ok lang naman ho.." awkward na sagot ko.

"By the way i'm his mother..you can call me tita or mom..kung san ka kumportable" napapangiti niyang sabi, tinanguan kolang siya. "Anong name niya?" tukoy niya kay traizon.

"T-traizon Nash po.." nag aalinlangan kong sagot.

"Ohh..isinunod niyo sa pangalan ng anak ko?" tanong niya..naguluhan naman ako.

"P-po?"

"Hahaha..you look nervous iha, ang sabi ko isinunod mo siya sa pangalan ng asawa mo..Yan si Traizon," turo niya sa lalaking katabi ko, nanlaki naman ang mga mata ko. "Bakit ngaba hindi niyo pa isinama ang zack para atleast maging junior yang anak niyo?"

Hindi naman ako nakasagot..talaga bang traizon ang pangalan niya?

"hindi pa siguro muna mom,dahil paniguradong madadagdagan payan at ang gusto kong maging junior ay ang magiging bunso ko" sagot niya tsaka nagpatuloy sa pagkain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Let's PretendWhere stories live. Discover now