Hesthia's Pov
Maaga kong nagising dahil mag gogrocery pako. Tinignan ko muna si amber at mahimbing naman siyang natutulog sa kwarto niya. Bumaba nako ng condo tutal harap lang naman netong condo nato ay isang supermarket.
Matapos mamili ay agad akong pumanik sa unit ko. Hindi ko pwedeng iwan basta basta si amber mag isa dahil kabuwanan na niya. Oo buntis si amber, at kung tatanungin niyo kung nasan ang ama ng ipinagbubuntis niya ayun tinakasan siya.
Hindi alam ng parents ni amber ang lahat ng to. Tatlong taon na kaming magkasama ni amber at nung nalaman niyang nabuntis siya ng boyfriend niya nagpasya siyang dumito nalang sakin at magtago sa mga magulang niya. 20 yrs old lang siya ng mabuntis. Masyadong maaga kaya siguro minabuti niyang hindi ipaalam sa magulang niya. Hindi rin nila alam na nahinto sa pag aaral tong anak nila. Hays siguradong magagalit lalo sila tito kapag nalaman nila lahat to.
Ring..(Axel is calling)
Dali dali kong ibinaba ang mga pinamili ko atsaka ko sinasagot yung tawag ni Axel.
"oh? napatawag ka ata?" tanong ko sa kanya habang inaasikaso yung mga napamili ko.
"kamusta si amber? Hindi paba siya nanganganak?" nag aalalang tanong niya, natawa naman ako.
"Hay nako axel, e sa malamang kung nanganak nayan tatawagan kita para puntahan ako dito..hindi ko kaya kayang buhatin tong babaeng to dahil sigurado ako mabigat na siya ngayon di tulad ng dati." biro ko atsaka naman naghagalpakan ang tawa namin.
"Sabagay hahaha. Pupunta ko diyan mamaya, tsaka nga pala yung mga pinabibili mong gamit para baby ni amber nabili kona."
"ahh..ganun ba? mabuti naman..sige magluluto nako, agahan mo ang pagpunta para pagdating mo dito mainit init patong lulutuin ko"
"oo sige, bye."
"Haaaaayy!" napalingon ako kay amber na kakalabas lang sa kwarto niya. "Nag grocery ka?" tanong niya ng makita yung mga pinamili ko. "Hindi mo manlang ako ginising may balak pa naman akong bilihin" sibangot niya.
"a-hh hindi ko naman kase alam e-eh. T-tsaka mas mabuti ng magpahinga ka nalang muna sa kwarto mo."
"Ikaw talaga hesthia masyado mokong inii-spoil..pareho kayo ni Axel kaya tignan niyo tuloy..mas lalo kong nananaba" tumatawang tugon niya
napangiti nalang ako sa kanya tsaka naghanda ng pagkain para sa kanya. Sa ilang taon naming magkasama hindi namin iniwan ang isa't-isa. Naalala ko panga kapag may gala kaming magkakaibigan hindi ako pinapayagan kapag hindi siya kasama. Kaya malaking bahagi si Amber ng buhay ko kahit na minsan kontrabida yan sa lovelife ko kesyo may makilala lang akong lalaki pinalalayo niya na kagad ako dahil sa huli rin daw iiwan din ako nun gaya ng ginawa ng boyfriend niya sa kanya.
'bitter ng lola mo!'
"hesthia ano bang magandang pangalan? hindi parin kasi ako nakakapagdecide e." napatingin naman ako sa kanya. Nangingiti siya at tila excited para sa baby niya.
"Wala kabang balak na ipangalan sa kanya yung pangalan ng tatay niya?" tanong ko na ikinabago ng itsura niya. "Sabi konga bad idea..uhm, sge!..tutulungan ka namin ni Axel mag isip ng ipapangalan sa baby mo..sa ngayon kumain kana muna para naman mainom muna yung vitamins mo." pilit na ngiti lang ang ibinalik niya sakin.
Naaawa ako para sa kanya -,-
"Parang narinig ko yung gwapo kong pangalan?" bungad ni axel sa may pinto. Napangiti ako ng makitang may dala dala siyang groceries at mga prutas para kay amber. Kung hindi nga lang nag boyfriend si amber, si axel yung irereto ko para sa kanya.

YOU ARE READING
Let's Pretend
FanfictionI know this is not your ideal story, gusto ko lang ipaalam sayo na kung hindi ito yung tipo mo, better to skip reading hindi ko kelangan ng opinyon mo about my story na pinaghirapan ko. Pawang kathang isip lamang..at tao lamang ang gumawa kaya hindi...