Part 18

1.3K 31 14
                                    

NOTE:MAS BETTER NA BASAHIN NYO LAHAT DITO






















































PS: MASAKIT YUNG HULI

Half day ngayon kasi exam, mamaya pang 11am pasok namin pero 9am na ko nagising. Nakahilata pa din ako nang biglang sumanggi sa isip na bakit nga pala ako tinawag na kaibigan ni V nung isang araw? Sobra akong nalilito. Bale ang balak ko is bago ko iwasan si V kailangan ko muna alamin kung nakaka alala na ba sya, kung bakit para syang nadudulas palagi sa akin. Oo buo na desisyon ko, iiwasan ko na talaga. Gusto ko na din matapos sa gulo, sawang sawa na akong mapagbintanggan na ako ang may kasalanan. Masakit pero no choice I need to do this, di lang naman to para saken para din to sa mga kaibigan ko, pamilya namin, pamilya ng mahal ko and higit sa lahat para sa mahal ko.
Gumawa ako ng plano ngayon araw, kailangan ko malaman ano ba ang totoo. Naguguluhan na ko, ilang araw na din kasi ito. atleat ok na kami ng family ko, si kuya nasa kaibigan niya ngayon nag aaral para sa quiz bee nila Maya maya pa ay kinatok na ko ni mommy sa kwarto ko at pumasok na sya

"Anak, aalis na tayo mag bihis ka na. Deretso kana din sa school mo pagka tapos" sabi sa akin ni mommy kaya tumayo na agad ako

"Mommy bakit kailangan po ba iDNA?" tanong ko dahil gulong gulo na ko

"Ipapaliwanag namin sayo after non" sana maliwanagan ako

"sige po mommy maliligo na po ako"

"sige ako na lang mag aayos ng susuotin mo ha, alam kong malaki kana pero ikaw pa din baby namin"

Sa baba na ko maliligo dahil natatakot ako sa kwarto at nahihiya ako kase andon si mommy. Napadaan ako sa second floor syempre asa third floor kwarto ko tas sila mommy nasa 2nd at nakita ko si daddy na nakabihis na

"Bunso namin.." lumapit si daddy sa akin

"Bakit daddy?" tanong ko at nagulat ako ng bigla nya akong yinakap

"..Sana positive"bulong nya kaya kumalas na din ako

"Pero kahit anong maging resulta, love ka ni daddy." dagdag pa nya at tumango ako

"Love u too po"

"sorry kung di ako nakalagay na daddy sa certificate mo ha" Oo, hindi sya nakalagay na tatay ko kahit sya nag papa aral saken at bumubuhay. Gusto kasi namin kung ano ang totoo, yun.

"okay lang po, kung ano ang totoo iyon po ang dapat. Sige po maliligo na ako sa baba"

Nakakalito na talaga andami ko namang iniisip, dumagdag pa tong DNA na to. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito? Baka mamaya buhay pa pala yung kapatid kong isa. Nagtataka kayo noh? Sige na nga madaldal naman ako ikwento ko na. 1month lang ako, my mom got pregnant again. 5months palang buntis si mommy nung ipanganak yung kapatid kong bunso talaga. Di malayo agwat namin so ayun pinanganak sya ng january pero diko na tanda date. Habang naka oxygen kapatid kong babae wala syang bantay minsan, 4 months later medyo umayos na sya. Tumangkad,nabuo na daw ang utak, buong buo na sya. Yung araw na kukuhanin namin at susunduin na yung baby sa hospital, nabalitaan namin patay na sabi ng isang nurse pero diko alam kung totoo, kinausap namin yung doctor at tsaka nalaman na kinuha pala ng isang babaeng di namin kilala. Nag sampa kami ng case pero napagod na kami sa kakahanap, so tinigil na lang namin. Tapos isang araw tumawag yung babae samin tsaka sinabing "Tama na po,tigilan nyo na po kami. Wala na ang anak nyo" But who know na baka nag lie lang yung babae right? For sure nasa mabuting kalagayan naman sya.

. . . . . . .

"Pasok na tayo" Naandito na kami sa tapat ng clinic na nakausap nilang doctor, diko alam kung sino ba ang iddna

Best friend to Boyfriend|k.th tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon