Panibagong araw kasama ang totoong bunso namin. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Inuwi namin kahapon si Jisoo sa bahay at balak ko syang samahan kay tita janette kumuha ng mga importante nyang mga gamit. May sinabi sa amin si tita, Sa america na sya titira since natapos na nya ang misyon nya na maibalik si jisoo sa totoo nyang pamilya. Sa isang linggo na ang flight nya at sobrang saya at lungkot nya. Masaya daw siya at naibalik nya na si jisoo samin pero sobra nya daw itong mamimiss kaya ang sabi namin bibisitahin na lang namin sya sa america. On the way to school kaming tatlo nila kuya kasi hindi na kami nahatid nila daddy at mommy, maaga kasi silang umalis.
"Okay lang ba sainyo na ako kapatid nyo?" tanong nya sa amin ni kuya
"Ano ka ba jisoo, wala naman kaming magagawa kung ikaw ang kapatid namin pero syempre gumaan pakiramdam namin sayo" sagot pa ni kuya sakanya
"Okay na okay samin, ilang years din nag nakalipas" Nagngitian kami at halos mapaiyak nanaman ako kasi ilang taon na ang lumipas katabi ko lang pala kapatid ko
"Thank you dahil tinanggap nyo ako ha"
"Sige na uuna na ako sainyo, naturingan akong ssg president baka malate pa ako. Ang bagal nyo kasi maglakad" tumakbo si kuya sa hagdan at for sure madadapa nanaman yun
"Kamusta na kayo ni taehyung?" nagbago expression ko at lumayo ng tingin
"Wala" matipid kong sagot sa kanya
"Anong wala?" nagtatakang tanong nya saken
"Feeling ko kase may tinatago siya sakin" napatingin ako sakanya at sya tahimik lang
"May alam ka ba dito Jisoo?" tanong ko sakanya pero kumamot lang sya ng ulo
"Ha? Wala syempre"
"Kung meron man sana hindi ko ika-lungkot o ika-galit" sabi ko sakanya na halos nakudkod ko na sapatos ko sa sahig
"Hindi mo man lang ba ibabalita ito sakanya?" tanong nya sakin at napaisip ako
"Na alam na naming ikaw kapatid ko?" tanong ko sakanya pero ngumiti lang to
"Oo, diba dapat sinasabi mo yun sakanya?" tumango lang ako muna ako bago sumagot
"Gusto ko sana kaso nahihiya ako, may sinabi kasi ako sakanya" naaalala ko kasi yung sinabi ko sa kanya kahapon, nahihiya tuloy ako baka sabihan nya ako ng assumera
"Ano ba yung sinabi mo?"
"Nalilito kasi ako, hindi ko maintindihan. Ano ba talaga kami? Kasi halos araw-araw na syang may kakaibang kinikilos. Pag ba mag kaibigan normal lang nag yayakapan? sweet? lagi pang may goodmorning message mag kikita din naman dito sa school. tapos palagi syang kung umasta boyfriend ko sya. Kaya natanong ko sakanya kung ano ba kami" paliwanag ko sa kanya
"Huwag kang mahiya sakanya dahil pinag isip ka nya kung ano bang meron sainyo. Maiintindihan nya yun" Ngumiti ako sa kapatid ko at niyakap sya
"Sige kakausapin ko sya mamaya pero mukang wala pa sya" sabi ko sakanya at kumalas sa yakap
"Bakit naman?"
"Ang aga pa kaya, wala pang 7 andito na tayo agad"
"Si kuya kasi nagmamadali" I smiled because tinawag nyang kuya si namjoon oppa, sobrang saya sa pakiramdam
"Oh bakit parang unti-unti nagbabago emosyon mo?" tanong ko sakanya
"Y/n kasi naguguilty na ako na hindi sabihin sayo" she said and I gave her a confused face
"Na ano?"
"Hindi dapat ako ang mag sabi neto hayaan mo syang magpaliwanag please"
"Sino? wait? I can't understand" tanong ko sakanya
BINABASA MO ANG
Best friend to Boyfriend|k.th tagalog
FanfictionCOMPLETED✔ "Bestfriend pala tingin nya sakin" Highest Rank 25- Fanfic Highesr Rank 1- tagalogff