Hi school!

4 0 0
                                    

Nagising ako sa di mapaliwanag na pakiramdam mabigat nanaman at feeling ko bagsak nanaman lahat ng muscles ko.

Maya maya ramdam ko na ang pag-gaan ng katawan kaya tumayo na ako.

Tinignan ko ang oras at maaga pa, mag-aaral na ako sa wakas, dahil sa tagal ko sa hospital, hindi ako nakapag aral, ang tagal kong nakulong sa nakakabagot na kwarto nang ilang buwan..

Ngayon malaya na ako.

Kaso...

Sa hindi ko inaasahan, pinasok ako sa isang worst school sa buong siyudad ang..

Gladson High.

Malaya nga ako, kaso para akong tuta na takot makihalubilo.

Aw aw

Bumaba ako para mag-almusal na, nag gatas lang ako, dahil alam niyo na hehe kailangan ko mag diet.

Wala pa ang Ate kong ubod ng katarayan dahil mamaya pa pasok niya.

Nakasabay ko si kuyang kumain, pero walang kibo dahil siguro sa napag-usapan namin kahapon.

"Sorry Jo, kahit ayaw ko para sayo ang nangyayari, wala akong choice kasi may dahilan, kaya sana maintindihan mo ako, na hindi ko masasabi sayo ang dahilan para na rin sa kaligtasan mo." pagbasag ni kuya sa katahimikan.

Anong dahilan? Anong kaligtasan? Anong ibig sabihin niya dun?

"Ano ibig mong sabihin?"
taka kong tanong.

"W-wala., bilisan mo na at malelate kana." iwas ni kuya sa tanong ko.

Umakyat nalng ako at naghanda,puno ako ng kaba sa sinabi ni kuya, pero mas lalo pang dinadagdagan ng pagpasok ko school.

Swerte ka kapag nasa higher section ka, malas ka kapag nasa lower section ka.

Sana nasa higher section ako..

Bumaba na ako dala gamit ko, nakasalubong ko si kuya, kaya sabay na kaming pumasok sa kotse niya.

"Okay! Jo? Kahit anong mangyari act normal like them, wag mong sabihin sa kanila na nagka-amnesia ka. Act normal na para bang isa ka talagang student ng Gladson High, I know you know you know their attitudes." sabi niya "And.. Don't answer their questions you don't know.. Just tell them to shut up." kinabahan ako lalo sa sinabi niya.

Tell them to shut up.

Why would I do that?

Hindi ba alam ni kuya kung ano ang pwede nilang gawin sakin kung pinagsalitaan ko sila nang ganun, hindi lang bugbog kundi kamatayan na din.

"Kuya? You know them, they fights back to innocent one like me." sabi ko.

"Just trust me okay? They can't do that to you." sabi niya.

Kumunot ang noo ko, bakit hindi nila magagawa sa akin yun eh, inosente nga ako.

"Act like you're always angry, act like you're sensitive in answering questions, just tell them to shut up in angry way." sabi niya.

Ano pa ba magagawa ko? E andito na kami mismo sa tapat ng school.

"Kuya, what if hindi ko magawa yun?" tanong ko

"I know you can." sagot niya.

Hinatid ako ni kuya sa
isang room na mukhang pricipal's office.

"Good Morning, Sir Fernandez." sabay shake hands kay kuya.

Tumingin siya bigla sa akin.

"Welcome back... Ms. Fernandez" sabi niya sa akin.

George Is DeceivedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon