"It's mine."bulong niya.."Ahm.. Ma'am, pakitingin nalang po kung sino nag order neto." sabi nung waiter.
Nakita kong hindi ko order yun.. Shocks mapapahiya ako neto, kaya sinabi ko nalang akin yun kahit hindi. Nakita kong nagulat siya sa sagot ko hehe, sorry.
"Enjoy your meal, Ma'am!" bati nung waiter.
Nakatanggap ako ng masamang tingin galing sa babaeng pangalan ding Jo.
Bumalik nako sa table kung nasan si Glenn.
"Oh? Hindi ito yung inord--" pinutol ko agad yung sasabihin niya.
"Shh.. Wag kang maingay, ipapahiya mo lang ako."
Sabi ko."Ano ba nangyari?" tanong ni Glenn. Sasabihin ko ba o ano?
"Di daw available inorder mo." sagot ko.
"Ahh.." tugon niya.
Narinig ko ulit anh pangalang "Jo" sa waiter at nakita ang order at nakita kong lumapit yung kaninang babae...
ng may bakas ng galit sa mukha.Sorry ate hehe.
Naglalaway ako sa order ko, yun pa naman favorite kong pagkain sa lahat.
Di ko napansin na nakatingin pala siya sakin.
Napaiwas ako ng tingin, at napagtantong lumapit sa akin yung babae.
"It's yours, right?" mataray na tanong niya.
"A-ah e-eh hindi ito talaga inorder ko." sagot ko.
Tinignan niya ako ng may pagsusuri. Napalunok ako kasi baka sumigaw siya at mapahiya ako dahil sa ginawa ko.
"Then.. Eat well."
Sabi niya at halatang pilit lang ang ngiti niya.Umalis siya ng cafe.
"Sabi mo walang available yung inorder ko, e bakit siya meron?" tanong ni Glenn.
Di ko naisip na makikita ni Glenn yung order niya, Ayos din e no?
Wala kang utak Jo!
"Baka ngayon meron na." tawa kong sabi.
"Ano problema nun?" tanong niya habang nakaturo sa lumabas na babae.
"Ano.. Ahm.. Nainggit siguro siya sa inorder natin." pagsisinungaling ko. Talaga naman oh, pano ba matuto magsinungaling?
"Ows? Sinungaling." sabi ni Glenn.
"Tsk.. Basta kumain ka nalang dyan, ok? Shut up ka muna dyan." sabi ko.
"Ngi." sagot niya.
Hinatid niya nako matapos naming kumain, hays last day niya dito sa Pinas ngayong araw, di ko alam kung kailan balik niya, pero ngayon palang mamimiss ko na siya.
"Ingat ka bukas ah? Pasalubong ko wag mo kalimutan, kundi lagot ka sakin!" biro kong sabi.
"Oo na! Ingat ka ha?" sabi niya.
"Ikaw ang mag-ingat baka ilang buwan ka palang dun, tatay kana." natawa ako sa sinabi ko, kaya napatawa din siya.
"Sus! Selos ka noh?" tanong niya.
siya kasi yung tipo na ideal boy ng lahat ng babae, maliban sakin.
Mas type ko siyang maging bestfriend, para ko na rin kasi siyang kuya.
"Sige na! Maghahanda pako, dadaan ako dito bukas para magpaalam na... Aking mahal, kay hirap sabihing, paalam naaaa aking mahaaaaal." ayun at tuluyan ng nabaliw, kumakanta na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
George Is Deceived
Fiksi RemajaWhat if your strength becomes your enemy? What if your weakness becomes your ally? Then.. Know the story of the girl named Jo. Find out who deceived George. George is Deceived.