SKYLAR's POV
Hello, ako pala si Skylar Anderson, Dash Anderson is my brother who's deeply inlove with my bestfriend Scarlett. We own the A's Mega Malls around the world. Oh scratch that! Our parents own it.
"Hoy, ayusin mo nga yang mukha mo!" Singhal ko sa kuya ko dahil malungkot na naman yung mukha nya.
"Miss ko na yung kaibigan mo". Yun lang ang sabi nya pero feeling ko pasan nya ang daigdig dahil sa tono nang kanyang pagsasalita.
Limang buwan na ang lumipas pero hindi parin nagkaka malay si Scarlett. Sobrang miss na sya naming lahat, kung na miss namin sya na kaibigan nya, pano nalang kaya sina tita, tito, si kuya Ethan, kylo at syempre ang pinakamamahal nya sa lahat, ang lola nya. Mapag mahal si Scarlett bilang isang kaibigan, anak at apo. Ayaw nyang makitang may nasasaktan na kahit na sino, ika nga nya na mas mabuti nang sya ang masaktan kesa kami.
"kuya, bibisita ka ba sa kanya ngayon?"
"palagi naman sky, walang araw na hindi ko sya binibisita at nag babakasakali na magising na sya" malamig nyang turan. Nasasaktan akong makita na ganito si kuya, mahal na mahal nya si Scarlett nang sobra.
Umalis ako sa bahay kasi may pasok pa ako. Limang buwan na hindi namin nakakasama si Scarlett ay parang ilang taon na ang lumipas.
Mabilis natapos ang aming klase at uwian na..
"sky, sama ka?" tanong sakin ni madison, habang ang kambal naman nyang si madeline ay naka tingin sa malayo. Kambal sila pero madaling ma identify kung sino sa ka ila si madison at si madeline. Si madison ay medyo makulit at playful in a nice way, samantalang si madeline naman ay medyo weird, at tahimik.
"saan tayo pupunta"
"wag kang sumama dyan sky, punta nalang tayo kay Scarlett" biglang sabat naman ni leilani o lani for short. Gaya ni madeline ay nakatingin rin sya sa malayo, andito kasi kami sa isang sikat na coffee shop at katatapos lang nang klase namin at mag kaklase kaming mag kakaibigan.
"Yun nga ang sasabihin ko sana, pupunta tayo kay Scarlett, hindi nyo kasi ako pinapatapos eh, akala nyo puro gala nalang nasa isip ko. Makakapag gala pa ba ako ngayong alam kong ang isa nating kaibigan ay nadoon parin sa hospital at walang malay?!" bigla nyang sigaw sa amin. Natigilan kaming lahat sa biglang pag ka galit nya
" kung ang akala nyo ay w-wala lang sakin si Scarlett, p-pwes mali kayo dyan, isa sya s-sa mga taong napaka importante sa akin" umiyak sya nang umiyak sa aming harapan "miss na miss ko na sya, miss na miss ko na yung dating tayo nung nandito pa si scar.." dagdag nya pa. Nalungkot kaming lahat sa mga ala-a lang bumalik sa amin nung wala pa ang insidente.
"andito pa naman si scar eh, hinding hindi nya tayo iiwanan. Hindi nya yun magagawa sa atin" sabat naman ni sloane, sa aming lahat, sya ang pinaka iyakin.
"p-puntahan na natin sya p-please" dagdag nya pa habang walang tigil ang pag tulo sa kanyang luha. .
"Tara na, ano pang hinihintay natin? Hinihintay na tayo ni scar" sabi ko sabay tayo at labas sa coffee shop. Nakita kung sumunod sila sa akin. Sasakyan ni lani ang ginamit namin papuntang hospital.
Pag dating namin sa hospital ay agad naming tinungo ang private room ni Scarlett.
"Doctor Himenez , please do everything for my daughter.. Please! Sabihin nyo lang kung hindi nyo kaya kasi ako mismo ang gagamot sa sarili kung anak! Gawin nyo ang lahat nang makakaya nyo, we have the best Doctors here at isa ka dun kaya pls, do everything for her" narinig namin ang sigaw ni tito, ang dad ni scar. Isa itong kilalang doctor at sila ang may ari nang hospital nato. Kinabahan naman kami kayat nag madali kaming maka punta doon at nakita namin si kuya Ethan, and beside him is Kuya dash, blake and draven, nandito rin ang mommy ni scar na umiiyak at ang kapatid nyang si kylo.
BINABASA MO ANG
Faith In Love
Teen Fiction"mahal kita, mahal na mahal.. Wag mo akong iiwan please.." "sino ba sya? Bakit ba sya nasa panaginip ko palagi? Anong relasyon ang mayruon kami? Mabuti kaya syang tao o dapat ko syang katakutan at layuan?" "hindi mo lang ako maalala sa isip mo, pero...