ETHAN's POV
"Doctor Himenez, my daughter is looking for her Lola earlier, it means she still have the memory with her Lola. Why is that? We thought that she lost all her memories in an accident?" takang tanong ni dad sa doctor ni Scar. Pag katapos sa eksena kanina sa loob sa kwarto ni scar ay lumabas na muna kaming lahat para maka pag pahinga na muna sya.
" that's what we are working now Sir Smith, we're sorry if we failed to examine her,but now we are doing our best to see the result clearly. Sorry po." hinging paumanhin ni doctor Himenez kay dad
"okay, just please do your job doctor, I trust you more than anyone here" tumango lamang si doc at umalis din agad
"dad, pahinga na po muna kayo" sabi ko dito, si mommy ay pinauwi na muna namin kasama si kylo, hindi kasi pwedeng ma stress si mom.
"yes son, mag papahinga ako, bukas maaga ang flight ko to London. Ikaw muna ang bahala sa business natin dito at sa mom mo, kylo at sa kapatid mong si Scarlett."
"ba't biglaan ata dad? Anong gagawin nyo sa London?alam na ba ito ni mom?"
"yes, your mom knows it already. I need to be there as soon kasi nag ka problema daw ang kompanya natin doon, kailangan ako para maresolba ito agad." paliwanag ni dad.
"don't worry about us dad, ako na muna ang bahala dito habang wala kayo, just be safe dad" at niyakap ko ito
"I know son, bata ka palang ay ikaw na ang nandyan kapag wala ako kaya proud na proud talaga ako sa iyo" at hinaplos haplos ang aking likod.
DASH POV
Nandito ako sa rooftop nang hospital kung saan naka confine si Scarlett. Simula nong aksidente ay para ko nang bahay ang hospital na ito. Umuuwi lang ako para kumuha nang gamit.
Tapos narin ako sa pag aaral, kami nina Ethan, Blake at Draven ay graduate na sa kursong BS Business Administration sa University na pag mamay-ari nang mga Smith. Ang pinag kakaabalahan nalang namin ngayon ay ang tumulong sa pamamalakad nang mga kompanya nang mga magulang namin, buti na nga lang ay hindi nila kami pine pressure, depende lang samin kung tutulong ba kami o hindi, pero syempre hindi naman kami masama para hindi tumulong sa kanila, besides, they were too old para sa business kaya pinag pahinga namin sila kung minsan.
Nang malaman ko na walang maalala si Scarlett ay parang gumunaw ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal ko si Scarlett, 2 years na akong nanliligaw sa kanya. Mahal nya ako, alam ko yun at alam nang lahat ang pag mamahalan namin. Hindi ko pa sya girlfriend kasi may napag usapan sila ni tito Franco na hindi muna sya mag boboyfriend unless naka pag tapos na sya sa pag aaral. Boto silang lahat sa amin, walang hadlang . Sana..
Napag isipan Kong umuwi na muna sa amin para kumuha nang gami ko. Nong pababa na sana ako ay napansin Kong may taong naka tayo sa gilid na kinatatayuan ko kanina. Lumapit ako nang kunti at pinakatitigan kung sino ito at lacking gulat ko na lamang na si Scarlett ang nakatayo doon. Ang lalim nang kanyang iniisip. Napalingon sya sa akin at hindi nakatakas sa akin ang luhang pumatak sa kanyang mga mata nang makita nya ako.
Bakit sya umiiyak? Tanong ko sa aking sarili.
"oh, D-dash ikaw pala, anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sa akin habang pinupunasan ang luhaang mata nya, gusto ko syang yakapin kaso hindi pwede.
"ahh wala, nag papahangin lang, ikaw? Bat ka nandito? Dapat nag papahinga ka" concern kung sabi at tumawa lamang sya. Na miss ko yung tawa nya noon.
"na bored kasi ako doon, gusto ko lang makalanghap nang sariwang hangin"
"ah ganun ba" tumabi ako sa kanya at tumingin sa malayo. Sa gilid nang mga mata ko at pansin ko ang pag titig ni scar sa akin. At nagulat nalang ako nang bigla nyang haplusin ang akong mukha habang nakapikit. Para bang sinusuri nya bawat parte nang mukha ko sa pamamagitan nang pag haplos nito.
"pasensya na, gusto ko lang malaman kung ano ka sa akin, hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko eh, kapag nakikita kita para bang may bumabalik na alaala sa akin pero hindi ko alam kung ano ito" natigilan ako sa sinabi nya
"balang araw scar, malalaman mo rin" sabi ko nalang sa kanya, bigla nya akong niyakap
"Bakit feeling ko napakahalaga mo sa akin, ayaw ko nang ganito, gusto ko nang maalala ang lahat" umiiyak sya habang sinasabi ang mga ito, niyakap ko sya pabalik. Na miss ko ang mga yakap nya.
"wag mong pilitin scar, hintayin nating kusa ang pag balik nito"
"baka pag bumalik na ang alaala ko eh wala na akong babalikan, natatakot ako sa posibleng mangyari pag nag kataon dash"
"wag mong isipin yan, hiding hindi ka namin iiwan, hiding hindi kita iiwan, nandito lang ako palagi gaya nang dati"
"salamat dash, sana nga" kumalas na sya sa yakap at inaya ko na syang bumalik sa room nya para maka pagpahinga ulit.
Gagawin ko ang lahat para sa kanya, ganun ko sya ka mahal.
Pag balik namin sa room nya ay nandun si Ethan, para bang balisa sya at para bang may bumabagabag sa kanyang isipan.
"where have you been scar! I've been looking for you!bat ka lumabas nang hindi nag sasabi!" sigaw agad ni Ethan nang makita kami
"k-kuya sorry po, na bored po kasi ako dito kaya ako lumabas, sa rooftop lang naman po ako eh at tsaka nandito naman po si dash" paliwanag nito habang naka yuko, bigla syang niyakap ni Ethan nang napakahigpit.
"sorry kung nasigawan kita, nag aalala lang si kuya scar, wag mo nang ulitin ito, okay?" at pinakawalan si scar sa yakap, tumango lamang sya at pumasok na sa loob
"Ethan, what's wrong?" tanong ko, alam kong may hindi sya sinasabi sa akin at gusto ko iyong malaman.
"dash, hindi aksidente ang nagyari sa amin 5 months ago, sinadya iyon!" galit na sabi nito sa akin
"a-anong ibig mong sabihin na hindi aksidente ang lahat? Sino? Sino ang may gawa nito!?" galit at pasigaw Kong tanong naman kay ethan, hindi ito nag salita "at pano mo naman nasabi ito ethan?" dagdag ko pa
"yung driver nong truck, tinawagan nya ako kanina, gusto nya raw mag kita kami kasi may importante syang sasabihin, bago nya binaba ang tawag kanina sinabi nya na hindi aksidente ang nagyari 5 months ago. Mag kikita sana kami kanina kaso pag dating ko doon sa Lugar kung saan kami sana mag kikita ay wala na sya. pinatay sya dash kasi nalaman nila na mag sasalita na ito sa katotohanan!"
Natulala ako sa mga narinig ko kay ethan. Bakit ito nangyayari? Sino ang dapat naming hulihin? Sino ang dapat na pagbayarin? Nang dahil don ay 5 months na na comatose si scar at ngayun ay wala syang maalala.
Sino ang hayop na taong may gawa nang lahat nang ito !?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
~~~
A/N:Sino ang may sala? Nakuuuu! Dear! Sino kaya ang maypakana nito ano? Pero kinilig ba kayo sa pag uusap ni Dash at ni Scarlett? Kasi ako sobra yung kilig ko! Habang nag susulat ako sa chapter nato ay panay yung ngiti ko.
So dear! Abangan ang next chapter nang Faith in love. Don't forget to share this to your friends. Read, vote and comment na rin. SML to you all my dear, 😘💕
#oinkywriterforever
BINABASA MO ANG
Faith In Love
Teen Fiction"mahal kita, mahal na mahal.. Wag mo akong iiwan please.." "sino ba sya? Bakit ba sya nasa panaginip ko palagi? Anong relasyon ang mayruon kami? Mabuti kaya syang tao o dapat ko syang katakutan at layuan?" "hindi mo lang ako maalala sa isip mo, pero...