FIVE: Rearviews

24 1 0
                                    


"Share kayo sa room ni Raq!"

Bungad sa kanya ni Chit. Ang bruha, hindi man lang nag-sorry sa set-up na ginawa sa kanya.

"Oo na, pinapatawad na kita." At iningusan niya ito. Nakigulo naman sa kanila sina Krizel at Anj.

"Dapat nga magpasalamat ka sa amin. Ikaw ang balik-bayan, kami ang may pasalubong na bongga sa'yo!" Sulsol pa ni Anj.

They helped her carry her luggage and duffel papunta sa cottage. She was kind of relieved that the 'mobbing' was quite fast at hindi lahat ng mga naroon ay nakita ang nangyari sa bangka. Kung hindi, baka inabot sya ng siyam siyam sa pagpapahupa ng pangangantiyaw ng mga kaibigan nila.

Knowing her high school friends, they won't stop teasing until they get something out of them. Mabuti na nga lang kanina at pinaamin lang sila ng mga ito kung na-miss nila ang isa't isa. Syempre, kunwari labas sa ilong niya when she said yes. At muntik na siyang masamid nang sakyan na naman ni Del ang pangangantiyaw at sumagot ng, "Oo naman. Miss na miss. Inantay ko pa nga yan eh."

Hay, nako, paasa.

"O, basta mamaya baks, kwento ka ha! At saka 'oy, asan na ang mga pasalubong mo?" Krizel continued to pry.

"Che! Ganyan kayo. Iniwan niyo na nga ako! Ayan, nagwawala tuloy ang feels ko ngayon" she retorted. She realized the context of what she said. Pero bago pa nya mabawi ang sinabi, nagtitili na ang tatlong kaibigan niya. Mga bruha talaga!

At hanggang sa makarating sila sa cottage na tutuluyan niya ay siya pa rin ang sentro ng asaran. Natigil lang ang mga ito nang may magbukas ng pinto, "Raq!" She squealed upon seeing her.

Agad niyang niyakap si Raq at gumanti naman ito ng yakap. "Grabe, girl, it's been five years. I so missed you!" She truthfully said to her. Gaya niya ay balikbayan din ito. Pero residente ito sa San Francisco, California at ngayon lamang ulit umuwi sa Pilipinas.

"I missed you, Ria!" Magiliw na sagot ng dalaga.

"Grabe! Lalo kang gumanda, te!" She honestly complemented Raq. Hindi nakakapagtaka na nahulog dito si Del, at gayundin ang marami pa sa batch nila. Raq was one of the most beautiful girl in campus before. Truth be told, para sa kanya isa ito sa pinakamagandang babaeng nakita niya. She has the most angelic heart shaped face. And wala rin siyang masamang masasabi rito dahil ubod ito ng bait.

"O, siya maiwan na muna namin kayong dalawa. Ria magbihis ka, o." Iniabot sa kanya ni Krizel ang malaking bag na mula sa Zalora. Hindi pa nabubuksan iyon.

"Are those your clothes, Ria? They seem bigger. Raq noticed the clothes she's wearing. She works as a store manager for a fashion retailer in the US.

Napatingin din naman siya at sina Chit sa suot niya, "O-em-gee!" Sabay sabay ay tatlong bruha niyang kaibigan. "Bakit ngayon lang namin napansin yang suot mo, vaklah!? Kay Del yan, o!" Nanggigilalas na sabi ni Anj.

"Ibang lebel! Anong nangyari sa byahe niyo na hindi namin alam, Sangria!" Segunda ni Chit in an accussing tone.

She pushed the three lightly, "Heh! Bumalik na nga kayo sa mga cottage ninyo. Wala okay? Pinahiram lang ako ni Del ng damit kasi wala nga akong naiuwi. At alam niyo naman yung balat ko – "

But Chit interjected, "Wag na magpalusot Ria. Hala lagot ka kay Raq, inaagawan mo siya kay Del!" panghabol nito bago tuluyang umalis ang tatlo na nagtatawanan pa rin.

Raq just made a face. And stuck out her tongue to her. Natawa naman siya. Raq did not exactly like Del. In fact, binasted ito ni Raq noong high school sila. "Uy, Raq wag mong pansinin yung mga 'yun, napag-tripan lang kami ni Del. And I just really borrowed these clothes kasi---"

In Time With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon