TWO: Drivethru

56 2 0
                                    

"I was.... what?"

Muntik nang mapasubsob si Sangria sa biglaang pagpreno ni Del. "Shet ka, Andre Deldoc." she cussed habang hinihilot ang noo niya.

"Sorry, sorry. Let me see that." Del asked and then ducked to check her forehead, he was so close that she can feel his gentle breaths on the side of her cheek. Marahan ding dumapo ang kamay nito sa noo niya, and she felt warm. Pamilyar ang pakiramdam na iyon, dahil iyon ang halos eksaktong nararamdaman niya kapag malapit ito noon pa man, kahit mapadaan lang ito sa harap niya.

And that warmth was exclusive to Del.

Ilang beses na ba niyang sinubukan noon na magkagusto sa ibang lalaki? But everytime na makikita niya ito, bumabalik at bumabalik ang pamilyar na pakiramdam.

Haaay, ano na?!

It took almost five seconds bago nya marahang tinabig ang kamay nito ay bahagyang lumayo rito.

"I-i'im f-fine. Just keep driving." Oh damn, she's even stuttering. Umayos ka Sangria Anne Rojas!

Sinunod naman sya ni Del, "Sorry ulit, I was just distracted by what you said." At nagpatuloy na ito sa pagmamaneho.

Mas pinili niyang bumalik sa pagiging mapang-asar at kwela upang hindi sila gaanong magkailangan sa kabila ng eratikong tibok ng dibdib, "Luh? What happened to 'Alam ko, ramdam ko'?" she even made a quote-unquote gesture to animate the conversation.

Sino nga bang mag-aakala? That she will admit his feelings for him in this unlikely setting, fifteen years later. At ngayong magkasama na naman sila, hindi lang niya maamin pero mayroon na namang parang sumisibol na kung ano mang damdamin sa kanya. Ang kaso nga lang, heto na naman ang kaalaman na balewala lang naman siya kay Del. Hay, hassle.

Tumingin muna si Del sa side mirror sa kanan niya bago umimik, "I thought it's just a crush. We all knew that you had — "

"Piper? Iba naman yun." segunda nya agad.

"Hindi ba parang, M.U?" si Del.

She lightly chuckled, "Anong M.U? Aysus, palibhasa kasi usong-uso yung M.U 'nun no? Tipong parang kayo pero hindi. Ang babata kasi natin n'un—very eager to feel our hearts aflutter. Ako at si Piper, good kami. M.U? Ewan ko kung ano yun o kung ganun bang matatawag kung ano yung meron kami. Basta ang alam ko, I have a good friend in him at lagi siyang andun para sa'kin. Higit sa paghatid sa sakayan pauwi, laging kasabay sa canteen. We talk about mundanes, I get to share with him a lot of things na hindi ko nash-share n'on sa girl clique ko. Tapos andun sya nung....." she trailed off.

"Noong ano?" Del probed.

"Wala, basta."

Huminga siya nang malalim. Ano ba 'to? Talaga bang ngayon pa sila nagkaroon ng confrontation? Pero gaya nga ng sinabi nila kanina, adults na sila. Fifteen years was so behind them and wala namang mawawala kung pag-uusapan nila ang puppy love nila noon.

"Ayun, tapos ikaw naman. Hmmmmmm.... Ay, hala! Parang ayoko na lalo kang magyayabang nyan eh." kambiyo nya.

Del shrugged then laughed again. Tumango-tango ito. "Naman 'to, maka-pambitin. Pero sige, hindi ko na pipiliting alamin Ria. May tanong lang ako." Tila seryoso ang tono nito.

"G lang, shoot me."

"Talaga bang moved on ka na sa feelings mo sa'kin? Kahit 'onti wala nang natira?" Seryoso na naman ang tono nito kaya naman nasamid siya kahit wala naman siyang iniinom. Pero imbes na sumeryoso din at umamin, she glared at him at kunwaring hahampasin ito sa balikat. "Isa pa, Deldoc ha? Wala na nga. Hangin mo talaga e, 'no?"

In Time With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon