Chapter 03

9 3 1
                                    

Author's Note: This is just a short update. Thank you all for reading my story <3 xoxo

Yustielle's POV

"Ang tagal mo naman Joaquin, bilis mo diyan malalate na tayo!" Sabi ko habang nakantay kami ni Kuya Vaziel sa sasakyan.

"Pwede naman kasi tayong maglakad, Lei." Nakabusangot na pumasok sa sasakyan si Joaquin, hindi ko nalang pinansin. Kuya busy sa pagtetext sa cellphone niya, sino kaya katext niya?

As usual tinginan nanaman kami pagpapasok sa school, ikaw ba naman makakita ng mga gwapong kasama ko hindi ka titingin? Hinatid kami ni Kuya sa classroom tapos siya naman ay pumunta sa DEAN's office to get his schedule and room number.

"Good Morning Lei at Joaquin!" Magsiglang bati sa amin ni Yeshua.

"Good Morning, Yeshua." Bati ko pabalik kay Yeshua at tinanguan lamang ni Joaquin si Yeshua. Tahamik talaga itong si Joaquin kapag may ibang tao, kung hindi ko lang kilala to ay iisipin kong suplado siya. Napunta kami ni Joaquin sa upuan namin at sumunod naman si Yeshua sa amin, umupo siya sa tabi ko.

"Bakit hindi na ka bumalik noong hapon?" Tanong ni Yeshua.

"Dumating kasi si Kuya, I had to help him processing his transfer." You know what? Yeshua is kind of cute, his chinky eyes are so adorable lalo na pag nakangiti siya parang nawawala.

"So Kuya mo pala iyong dumating? Hindi kasi kayo hawig maliban nalang sa mata." Napakamot ng ulo si Yeshua.

"Oo, he got his looks from Dad actually. Ano bang ginawa niyo nung hapon Yeshua?" I really hope na wala pang mga gawain.

"Oo nga pala, may activity na by pair na iniwan sa Understanding Self." Activity agad? Ugh.

"Choose your own pair ba?" 

"Hindi, si Prof yung pumili. Partner kayo ni Vhi--" Hindi natapos ni Yeshua iyong sasabihin niya dahil sumingit si Vhin at mukhang kakadating niya lang.

"Pair tayo, gagawin natin iyong activity mamayang lunch." Sabi niya tapos may nilagay na papel sa mesa ko. I check to see what was written nakisilip rin si Yeshua at tumawa siya ng malakas, binato siya ni Vhin ng notebook. 

09********* text me

"Ako sayo Lei, I text mo na yan." Natatawang  sabi pa ni Yeshua and I just shrugged it off. Tinext ko siya.

Vhin

Hi.

I looked at Vhin and he opened his phone to check the message, I saw a small smile formed on his lips. Weirdo.

"Aaayyyyiiieee!!!" Sigaw ni Yeshua at pumunta kay Vhin, napailing nalang ako umagang umaga.

"Anong meron?" Sabi ni Fenele na kakadating lang nagtataka kung bakit nagkukulitan sila Yeshua at Vhin.

"Wala." Vhin answered in a monotone, mood swings?

Maya maya pa ay dumating na iyong prof namin, orientation pa rin naman class will start officially next week. Although iyong ibang prof nag-iiwan na ng mga activity, I don't mind madadali lang naman. 

"Class dismissed." 

"Mauna muna ako Lei, meron kaming meeting sa student council. Will you be okay?" Paalam ni Joaquin.

"I'll be fine, see you later!" Sabi ko at nililigpit iyong mga gamit ko sa bag.

Kuya Vaz

Kuya I can't eat lunch with you today, I have an activity to do that I missed yesterday afternoon. 

I texted Kuya, to let him know. Matanda naman siya kaya na niya sarili niya. Lumabas na ako sa room at nakita kong si Vhin nag-aantay sa gilid ng pintuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon