A/N: Dedicated po ang story na ito sa kaibigan ko. Kaibigan ko ba talaga ito? Hahaha. De, kaibigan ko 'yan. Ge. Sana ay hindi mo mabasa ang kakornihan ng story ko. Hahaha. Lamyu, Kat :*
Sana'y mag-enjoy kayo sa story na 'to :) Thank you. Bow!
==========
Keyt's POV
"Dismiss"
Tumayo na kami at nagpaalam sa kanya "Bye Mrs. Corazon"
Nagnod lang si Ma'am at umalis na. Kinuha ko na 'yung shoulder bag ko at lumabas na rin sa room. Gad! Wooh. Finally, tapos na rin ang hell week. Naiiyak ako sa sobrang pagod. Huhu T________T
Naglalakad na pala ako ngayon sa hallway. Medyo nakayuko ang ulo ko at tinatago ang mukha at mata sa ilalim ng bangs at makapal kong salamin. Betty La Fea ba kamo? Yes! You're right. Tinatanong niyo ba kung ako lang mag-isa? Well, it's obvious na sasagotin ko kayo ng 'Oo'. Loner kasi ako. Ewan ko pero hindi ko lang talaga feel ang makibagay sa kapwa ko tao. It's just that, they don't even care and they don't even know about my existence. Sa tingin ko nga tanging mama at papa ko lang ang nakakaalam na may isang Dianne Keyt L. Santiago pala na humihinga at naglalakad sa mundong ito.
Nakalabas na pala ako ng school nang biglang mapahinto ako dahil sa nakaramdam ako na parang patak ng tubig sa balikat ko
"Ay. Ulan?" naiwika ko kasabay nang pagtingala ko sa kalangitan. Weather is really unpredictable, huh? Kanikanina lang, e ang saya saya ng kalangitan at ang taas ng tirik ng araw tapos ano na ngayon? Bigla nalang naging iyakin ito at unti unti ng pumapatak sa ulo ko ang kanyang luha.
Mabilis kong binuksan ang zipper ng bag ko at hinanap ang payong ko doon. Girl scout na kung girl scout. I am Ready nga dapat diba sabi ni Mang Tani? Ge. Korni ko. Haha.
Asan na ba kasi 'yu--
"Found ya!"
Agad kong binuksan ang payong ko ngunit pagminamalas ka nga naman nabaliktad ito at nasira dahil sa bigla nalang may dumaan na sobrang lakas na hangin.
Aish. What to do now? Tsk. I've got no other choice but to resume on walking. Nasabi ko na ba sa inyo na walking distance lang pala 'yung bahay namin from school? Na 15 minutes lang ay makakauwi na ako? Kung wala pa, ayan nasabi ko na. Hihihi. May family service naman kami kaso ginagamit ni papa 'yun sa tuwing nasa office siya o kaya nasa site. Kaya nilalakad ko nalang from here to there.
Unti unti ng lumalakas ang pagpatak ng ulan kaya tumakbo na ako. Pero nang dahil sa hindi naman ako sanay sa 'Fun-Run', napahinto ako kaagad at pilit na hinahabol ang aking paghinga.
"Wala bang masisilongan dito?" Nilingon ko ang kanan ko at iginala ang aking mga mata sa paligid ngunit wala talaga akong makitang masisilongan. Nilingon ko ang bandang kaliwa ko at
.
.
.
.napasinghap ako sabay sabing "Pusha!"
Wolonjo! Naningkit 'yung mata ko at tinignan ng masama 'yung sasakyan na naging dahilan nang pagkadumi ng palda ko. Tae lang. Natalsikan kasi ito ng tubig ulan na may kasamang putik. Grabe, ha! Sana pala may kaso ring 'Splash and Run'. Hindi man lang kasi bumaba 'yung driver. Kainis! Magsasampa talaga ako kung meron man. Kaimbyerna, e.
"Poor, Keyt" 'yan nalang ang nasabi ko sa aking sarili kahit na gustong gusto ko ng sugurin 'yung sasakyan na 'yun.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Baka mamaya maging basang sisiw na talaga ako.

BINABASA MO ANG
Where is he? (One Shot)
Novela JuvenilCopyright ©2014 concealedwriterWP Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information storage and retrieva...