Simula

6 0 0
                                    

"Sabryna Paler" sigaw nang teacher namin sa harap. Kaya naman napatayo ako sa gulat at muntik nang mag patak ang cellphone ko. Buset.
"Ilang ulet ko bang sasabihin sayo na BAWAL MAG CELLPHONE SA IRAS NG KLASE KO?" sigaw na naman niya.

Napayuko naman ako. Buset tinitingnan ko lang naman kung may bagong update kay Kurt Lawrence Bautista. Grrrrrrr.

"Sorry po Ma'am promise po hindi na po mauulit" nakayuko kong sabi. Hayyy pang ilang ulit niya na ba akong nahuling nag c-cellphone? Ewan ko, at wala akong pake. Boring din naman ang klase nang matandang to.

"Sorry? Aba hinde sagutin mo tong nasa blackboard. Pag nasagutan mo yan, oh sige okay ka na sa akin pero kung hindi... Sorry miss Sabryna na pero kailangan kong kunin yang cellphone mo o dadalhin mo dito ang parents mo." sabi niya at tinuro ang blackboard. Geeeeeeezzzzzzz di ko alam yan.

Tumingin ako sa bestfriend kong si Kira na nasa tabi ko lang. Pero ang gaga nag kibit balikat lang. Hayyy takot nga pala yan kay ma'am. Nakayuko lang ako at walang imik. Lintek na buhay to.

"Well, I see. Akin na yang cellphone mo Miss Sabryna na. Alam ko din namang hindi mo ito kayang sagutan." lumapit siya sa akin at nilahad ang kamay.

Lintek na matanda. Hindi ko pwedeng dalhin si mama dito bukas mamumura lang ako non for sure. Hayyy no choice. Don't worry baby babawiin kita. Mamimiss kita Kurt. Makiki search na lang ako kay Kira I guess. Dahan dahan kong inabot kay ma'am ang cellphone ko at agad naman niya itong tininggap at bumalik na sa pag tuturo. Lintek talaga. Inis akong umupo at hindi na nakinig.

"Bess bat ka kasi nag c-cellphone habang nag kaklase yan tuloy. Kundi ka ba naman gaga! Adik na adik kay Kurt? Ayan tuloy. Lagot ka talaga kay Nay Narcy. Hayy sinasabi ko sayo" talak sa akin ng kaibigan kong si Kira. Kung makapag salita parang di siya adik kay Kurt. Kung sabagay may control naman siya at nakikinig talaga sa oras ng klase. Samantalang ako?

Bumuntong hininga ako "Heh! Lintek lang talaga yung matandang hukluban na yon. Lagi na lng ang inet ng ulo nadamay pa ako. Pano ko tuloy kukunin yung cellphone ko?" problemado kong sabi.

Break na namin ngayon, kaya naman libreng libre kong nasasabi ang mga hinanakit ko sa matandang teacher na yon.

Nakatingin lang sa akin si Kira. Malamang ay nag iisip din kong pano din makukuha yun. Malilintekan talaga ako kay mama nakoooo.

"Puntahan na lang natin si Ma'am mamayang uwian" biglang sabi ni Kira nang dumating na ang sunod naming teacher.

"Ma'am pleaseeeee poooooo. Promise po di na mauulit. Ma'ammmmmmm" halos humuhod na ako sa harap ni Ma'am ibalik niya lang ang cellphone ko.

Uwian na at nandito kami sa faculty ng teacher naming kumuha ng cellphone ko. Kaso ang ma'am ayaw pa ibigay. Juskooo naman lagot talaga ako kay mama nito.

"Ilang ulit mo na yan sinabi Sabryna, pero paulit ulit mo pa ring ginagawa, pero sige pag bibigyan kita. Mag walis at mag dilig ka diyan sa harap at pag tapos ka na ay pwede mo na itong makuha" sabi niya at tinaboy na ako sa labas. Lintek talaga.

Bagsak ang balikat kong lumabas. Sinimulan ko na ang mag linis buti na lang ay nandito si Kira para tumulong. Maasahan ko talaga to kahit kelan. Da'best.

"Alam mo Sab, tigil tigilan mo na yang kaka Kurt ha, napapahamak ka na diyan. Buti ako kahit crush ko si Kurt di ko pinapabayaan ang study ko." sabi niya habang nag didilig.

"Ah bahala ka, basta hindi ako titigil. Makikita mo mapapansin din ako niyang si Kurt. Mag intay ka lang Kira. Just wait and see." proud kong sabi.

"Heh tigilan mo na yang pangangarap mo nang gising. Ni hindi ka nga makapunta sa gt niya e." pambara niya. Buset talaga to.

"Eh ang layo layo palagi"

Pagkatapos naming mag linis ay binigay din naman ni ma'am ang cellphone ko. Buti naman hahahaha. Pinahirapan lang kami. Pag kakuha ko ay nag hiwalay na rin kami ni Kira magka hiwalay kasi ang daanan namin.

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay sinearch ko agad ang account ni Kurt urt at nakita ko na nag status si Kurt.

Kurt Lawrence Bautista:
Just now

Hi:)

Ganyan hi lang pero ang dami nang react at comment at syempre papahuli ba ako? Agad ko itong hineart at nag comment.

Sabryna Paler-Bautista:

Hello beybe kurt ko:*

Sabihan niyo na makapal ang mukha okay lang hahahaha tunay naman. Ilang beses ko pang tinitigan ang status ni Kurt hanggang sa makatulog na ako.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now