*Kringgg* *Kriiiingggg*
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Tiningnan ko ang oras 10:05. Whatttt? Nakatulog ako at hindi nakapag hapunan. Tiningnan ko ang suot ko naka uniform pa din. Pero sino bang tatawag nang ganitong oras. Sinagot ko ang tawag.
[Hello Sabbbbbbbbb! Owemjiiiiiiiii! Tanginaaaaaaa! Wag mo akong kakalimutan ha kahit anong mangyariiiii! Sheeetttttt! Ang swerteeeee mooooo! Pano maging ikawwwww?] sigaw sya ng sigaw. Anyare na dito?
"Tangina. Ano bang meron. Nang gising ka para dyan?"
[Hindi mo pa ba alam? Hindi mo pa nakikita? Seriously? Owemjiiii!]
"Ano ba kasi yon?"
[Mag online ka na lang. At hahahaha panigurado hindi ka na makakatulog pag katapos nito hahahahahaha]
*tooots*
Binabaan niya ako. Ano ba kasing meron? Makapag online na nga.
Whuuuuuuut?
As innnn
Whuuuuuuut?
Andming notification ko? Owemji! Sabog! Anong meron! May napost ba ako at ganito. Hindi ako peymus nasa 50+ lang ang profile ko. At mag online man ako nang isang linggo hindi aabot nang ganito ang notifications ko. Kadalasa ay hanggang 10 lang at puro group ni Kurt. Ang message din ay puro gc kadalasan ni Kurt. Sooooo anong meron? Bakit ganito ito kasabog.
Pinindot ko agad ito at tiningnan ang kaunaunahan.
O
M
G
Ito lang naman ang nakalagay
Kurt Lawrence Bautista reply to your comment on his status.
2 hours agoAgad agad ko itong pinindot.
Sabryna Paler-Bautista:
Hello beybe Kurt ko:*
Kurt Lawrence Bautista:
Hahaha hi Sabryna:>
Yan yan yung reply niya pero omggggggggg. Heavennnnn na tooooo. Mukhang tama nga si Kira hindi na ako makakatulog. Tiningnan ko pa ang ibang nag reply sa comment ko.
Ang iba ay nagulat ang iba ay nagpapansin din kay Kurt. Pero wala nang nireplayan si Kurt. Yun lang talaga. Hahahaha ang sayaaa ko finally nanotice niya akoooo. Sa mga nag comment, nakita ko ang comment ni Kira.
Kira Diana Palo:
Congrats bess. Whooaa kaibigan ko yan. Sabryna basta abay ako hahahahahaha XD.
Baliw talaga. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Nakangiti at nakatitig lang dun sa reply niya. Sa iba siguro hindi ito big deal. But for me? Big deal ito, aba syempre ako ang number one fan ni Kurt Lawrence Bautista na umaasang siya'y mapapansin din nito. At ito na, ito na, napansin niya na din ako kahit papaano. At itatak ko ang date na ito.
January 12,
Thank God, napansin na din ako ng ultimate crush ko. Thank you po, sana tuloy tuloy na ito. Finally, may progress na ang love story namin. Sa wakas umusad na ang relationship namin. Level up na itoooo...
Xoxo,
Sabryna"Besss kaloka ha! Ang swerte mo talaga. Basta ha pag napansin ka na niya ng tuluyan pleasee wag mo akong kakalimutan. Sabihin mo ipakilala niya ako sa mga kasamahan niya. Hahaha okay na sa akin si Mj Tangonan. O kaya si Vishnu Isles, pwede din kay Chester Lapaz. Kahit sino sa mga yon okay lang. Total gwapo naman silang lahat." daldal nang daldal itong katabi ko sa akin. Kesho, ito na daw yun. Hahaha sana nga, sana nga.
"Ano ka ba naman, hindi niya naman siguro ako napansin as me. Siguro namili lang siya ng rereplayan randomly. Ganon, kasi yon. Tsaka isa ako sa mga unang nag comment kaya malaki ang chance na mapansin niya ako. Ganon naman talaga iyon. Syempre kung isa ba naman ako sa mga nag comment nang pahuli na mapapansin niya pa ba ako kung libo libi ang nag cocomment sa kanya? Malamang hindi na. Siguro swerte lang at ako ang isa sa napili niya." paliwanang ko sa kanya. At ang gaga nganga.
"Baliw ka na. Upap ka e ikaw tong kagabi na hindi nag patulog dahil diyan sa mga kilig mong itinatago. Tapos gaganyan ka ngayon. Walang duda, baliw ka na talaga." saad niya habang dinuduro pa ako.
Nag lalakad kami papasok sa room namin. Magka layo ang bahay namin pero napag desisiyonan namin na mag intayan sa gate. Kaya parang magkasabay talaga kami hahaha.
"E kasi naman po, mahirap umasa. Umasa sa wala"
"Gago ka talaga. Wag na nga nating isipin yon. Ay omg yung crush ko dai. Itago mo ako daliiiii" at para na siyang bulateng naasnan.
"Bat naman kita itatago, aber? May ginawa ka no? Anong kalokahan na naman yan?"
"Ganito kasi yon. Hindi ko naman yumg sinasadya. Nidare lang nila ako na iwave siya. Nag wave back naman siya kaso nahihiya pa din naman ako"
"Wow. So feeling mo kilala ka na niya para mapansin ka na niya agad dito sa campus?"
"Gaguu panira ka. Oo nga tama nga. Ayssst bahala siya sa buhay niya. Grrrrr Jose Luis." sabi niya at nauna nang mag lakad. Aba bruha talaga siya.
Nakarating kami sa aming room. Buti naman at hindi pa kami late. Wala rin namang magawa kaya nag online na lang ako at tiningnan kong may status si Kurt. Adik na talaga ako kay Kurt. Hayyy walang mag gagawa hahahaha. Wala pa naman siyang update so far. Manunuod na lang ako ng tiktok niya.
Ang gwapoooo talaga. Kahit saang angulo tapos.... Grrrr pag kumikindat siya parang mahihimatay ako hahaha. Pag ngingiti siya feeling ko sa akin yon. At mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko yung reply niya sa comment ko
KYAAAAAAAAHHHHHHHHHH
"Hoy Sabryna nabaliw ka na naman. Anong nginingiti mo diyan?" tumabi siya sa akin.
"Wala ka na dun" irap ko sa kaniya.
"Ehh nanonood ka lang naman niyan. Crush na crush mo talaga yang baklang yan no?" dun na nag pantig ang tenga ko. Lintek asarin niya na lahat wag lang ang ASAWA KO!
"HOY MISTER IVAN ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO PARA SABIHING BAKLA SI KURT! BAKA IKAW TONG BAKLA DITO! LUMAYAS KA NGA DIYAN! BAKA MAPATAY KITA!" sigaw ko kaya halos lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin. Pero agad ding nag iwas nang tingin nang mapag tanto kung ano ang pinag aawayan namin. Siguro ay sadyang sanay na lang sila. Araw araw ba naman kaming mag away at puro tungkol lang din dito.
"Sabryna! Ivan! Nag aaway na naman kayo?" dumating si Kira "Mga kaklase nag aaway na naman po ang mag asawa!" parang reporter niyang sinabi. Tsk tsk. "So, mister Ivan ano naman po ang dahilan nang inyong pag aaway?" nagulat ako nang may hawak na siyang tambo at nakatutuk kay Ivan na parang Mic.
"Wala, wag na kayong makialam away mag asawa lang ito." nag hiyawan ang mga kaklase ko dahil dito. "Ito kasing mahal kong asawa may kabit na nag ngangalang Kurt at napag alaman ko na bakla" tawa niya pa. Grrrr ginigigil niya talaga ako.
Mag sasalita pa ako kaso napuno na nang kantyawan ang buong room namin dahil sa sinabi ni Ivan.
"HEH MAGSI TIGIL NGA KAYO! AT IKAW IVAN ANG KAPAL MO HINDI MO AKO ASAWA AT HINDI YON MANGYAYARI! SI KURT LANG ANG ASAWA KO KAYA WAG MO SIYANG MASABIHAN NG BAKLA! BAKA IKAW ANG BAKLA! HINDI SIYA BAKLA! HINDI! AT IKAW NAMAN KIRA WAG KANG UMASA NA ILILIBRE KITA MAMAYANG RECESS! " sigaw ko at dinampot ko ang bag ko at dali daling lumayas sa room.
May mga narinig pa akong sinabi nila. Lalo na kay Ivan.
"Boom! Basted ka pala pare. Mas mahal niya si Kurt kaysa sayo" sabi ng isa kong kaklase.
"Tumigil ka nga. Maputi lang yon." dinig kong sabi ni Ivan. Pero hindi ko na pinansin.
Nakakainis ilang ulit ko bang sasabihin na hindi bakla si Kurt. Nangigil talaga ako pag may naririnig akong basher ni Kurt. Makakalaban talaga nila ako.
ABA WALA SILANG KARAPATAN NA LAPASTANGANIN ANG ASAWA KO! I MEAN FUTURE ASAW KO!!!
YOU ARE READING
Forbidden Love
Teen FictionSi Sabryna Paler ang number one fan daw ni Kurt Lawrence Bautista na umaasang siya'y mapapansin din nito.