Chapter 2

7 0 0
                                    

"Bess, I'm so sorry. Hihihi jinojoke lang naman kita kanina. Malay ko ba na mainit yang ulo mo. Sige na bess bati na tayo." kinukulit ako nitong si Kira. Break na kasi namin ngayon.

Bumalik rin naman agad ako sa room pagkatapos ng walk out ko. Nagpa lamig lang ako ng ulo. At ito pagkarating ko pa lang sa room ay kinulit na ako nabg kinulit ni Kira kesho sorry daw at ilibre ko na siya. Kuripot talaga nitong kaibigan ko. Hmmm kala naman niya kaya kong magalit sa kanya nang matagal. Lumingon ako sa kanya. Nauuna kasi ako sa paglalakad.

"Oo na sige na. Naiinis lang naman ako kanina. Oh siya tara na. Ililibre na kita" sabi ko.

"Talaga? Da'best ka talaga. Kaya luv kita e" sabi niya at yumapos pa sa akin.

"Heh tara na nga!" nag tawanan kami papunta sa canteen. Pano ba naman ay tinatawanan niya ang reaction ko sa mga basger ni Kurt.

"Syempre mahal ko kaya ipagtatangol ko" saad ko. "Ayaw na ayaw ko na may maririnig against sa kanya. Ewan ko ba, kahit na hindi niya naman ako kilala, isa pa mag kalayo kaya kami. Batangas at Bulacan. Iniisip ko na lang LDR kami. Hahaha MAHAL KO SI KURT" sinigaw ko yung huli kaya naman napatingin sa amin ang mga estudyante na nasa canteen. Sakto kasi na nasa bungad na kami nang usigaw ko iyon. Natawa na lang si Kira sa inasal ko.

"Sa tingin mo, mapansin ka kaya ulit ni Kurt? Hahaha alam mo siguro. Ikaw ba naman lahat na lang puro Kurt. Di ka nag sasawa? Ako kahit idol ko si Kurt di naman ako obsess like you hahahahaha" sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ako obsess sadyang number one fan niya lang ako. At doon ko napapakita ang suporta ko sa kanya."

"What? Sa pamamagitan ng ano? Siya ang lockscreen at wallpaper mo ultimo password mo? Siya laman ng gallery mo? Nang videos mo? Nang facebook mo? Lahat nang post mo about sa kanya pati bio mo. Profile mo ano edit na picture niyo ni Kurt. Ang messenger mo puro gc ni Kurt. Adik ka na talaga. At hindi lang yon nag gawa ka din nang account mo sa tiktok just to follow him. Sa instagram din. And even on twitter. God you're obsess." tiningnan ko lang siya nang masama at hindi na ako nag salita.

Somehow, tama siya. Ginawa ko lahat yon. What? Masisi niyo ba ako? I love Kurt. Well, maybe for others it's creepy. But, the hell I care. Basta I love him and even he didn't notice me I still support him. No matter what.

Uwian na at nandito na ako sa bahay. Nakahiga nanonood nang tiktok ni Kurt. Maybe, maybe tama nga si Kira. Am I obsess? Mali na ba itong ginagawa ko? Lampas na ba ito sa pagiging fan? Am I creepy? Omgg! I don't know. Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko na puno nang picture ni Kurt. Yes maybe she's right. It's far from being a simple fan. Should I change? Should I limit my self? But, I think I couldn't live without him.

Tumayo ako at lumapit sa isang picture ni Kurt. Siguro bawasan ko na lang para hindi mag mukhang creepy. Akmang tatanggalin ko na ito nang tumunog ang cellphone ko may tumatawag.

"Hello" sagot ko dito. Tiningnan ko ang id numver at si Kira ito. Ano naman kaya ang kailangan nito.

[Bess, may bagong update si Kurt nakita mo na ba?]

"Hindi pa. Teka nga sabi mo obsess ako kay Kurt e bakit ikaw pa tong mas updated?"

[Ehhh sorry na. Tsaka nag oonline lang ako nung makita ko ang status niya. Inisip ko lang na itanong sayo kung nakita mo na for sure matutuwa ka.]

"Bakit ano bang meron? Anong status niya?"

[No. Ikaw na ang tumingin. I don't want to spoil your excitement. K byeee]

"Heyy wh----" binabaan niya ako.

Ang hilig niya sa ganto no. Ayaw na lang sabihin gusto pa akong pahirapan. Pero dahil gusto ko din naman makita ang tinutukoy niya. Agad kong tinakbo ang computer sa room ko at nag online. Sinearch ko agad ang account ni Kurt.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now