CHAPTER 8

6 0 0
                                    

Y/N's Pov

3 days na nung simulang umalis ako sa subdivision na iyon...

"Noona...may nag hahanap sayo!" Sigaw ni I.N mula sa labas

Pinunasan ko naman agad ang kamay ko,dahil nag hihiwa ako ng hilaw na mangga

"Sino daw?" Tanong ko pero nag kibit balikat lang siya

lumabas naman ako sa pinto para makita kung sino iyon

"Sino po sila...?" Magalang tanong ko

"Ahhh.. ako si Miren (Apelyido mo)" napakunot ang noo ko ng marinig ko ang last name niya,mag kapa reho kami eh

"Teka? Kaano ano ko po kayo?"

"Tita...Tita mo ako!" Nakangiting sagot niya

"Pero wala namang nagbanggit si mama na may kapatid siyang nag ngangalang Miren..." takang tanong napatawa naman siya ng mahina,may kinuha siya sa bulsa niya

"Oh para maniwala kang kapatid ko siya.." sabay pakita ng litrato,si mama nga iyon

"Ahmm..Ano pong ginagawa niyo rito?"

"Nandito ako para sunduin ka.." Napakunot uli yung noo ko

"S-susunduin? Ba-bakit po?" Takang tanong ko

"Sasama ka sa akin sa U.S para dun mag aral..." Nanlaki naman ang mata ko

"U-U.S? Pe-pero dito ako nag aaral..."

"Pwede naman nating ilipat ka ng school di pa naman huli ang lahat all we need is your grades.." Sabi niya

"Seryoso po ba kayo..?" Tumango naman siya

Napa kagat naman ako ng labi at tumingin sa likod,nakita ko si I.N na nag lilinis ng sofa

"Is he your boyfriend?" Tanong niya

"Siya? Kapatid lang po turing ko sa kanya.." nakangiting sabi ko

"Oh pano? Bukas ang flight.." nanlaki naman agad ang mata ko

"Bu-bukas? Teka ang dali naman?"

"Kung next week ka pa ay di ka na makaka pasok pa sa school sa US!" Napahinga naman ako ng malalim

"Bigyan niyo ako ng minuto para mag isip.." Tumango naman siya

Tinignan ko ng maigi si I.N,ayoko ng maging pabigat at dumagdag pa sa gastosin nila

"Si-sige po,bukas..." Sagot ko

Ngumiti naman siya at napa tango,tsaka na siya umalis

Pagka pasok ko palang agad na akong tinong ni I.N

"Sino yun noona?" Parang batang tanong niya

"Ha? Ahmmm... Ti-ta ko.." napatigil naman siya sandali,alam na niya siguro ang mangyayari

"Hey babalik naman ako eh..." sabay hawak sa kamay niya

"Dito kana lang please..." Pagmamakaawa niya

"Masyado na kasing marami yung naitulong niyo sa akin,ang kapal na ng mukha ko pag mag tatagal pa ako dito..." sabi ko

"Hoy! Ano kaba.... Wag kang ganyan!" Napansin ko kasing bigla siyang tumahimik

Tumayo siya ng walang sabi at umakyat

"Sana hindi mo pag sisihan ang desisyon mo..." sabi ko sa sarili ko

----------------

Pagkatapos namin mag dinner ay agad na akong umakyat,kinuwento ko narin sa mama ni I.N ang pag alis ko

Nag iimpake na ako ngayon,tinignan ko muna ang kwartong toh

"Kahit 3 days lang tayo nag sama mamimiss kita..." sabay hawak sa pader,muntanga lang ang peg

Nag patuloy lang ako sa pag iimpake,humiga ako dahil sa pagod...

Nahagip ng mata ko ang isang bracelet na binigay ni sir hwang sa akin,kineep ko to kasi isa to sa mga special na regalong natanggap ko

Regalo nga ba? Oh sadyang trip niya lang ibigay sa akin toh -_-

Bumibigat na ang pakiramdam ng mata ko,kaya naman pinikit ko na iyon at hinayaan ang sariling matulog

--------Endofchapter------

-i'm sorry kung maikli lang,naubusan kasi si author ng ideas ♡

SA NGALAN NG PAG IBIG (HYUNJIN'S IMAGINE)Where stories live. Discover now