CHAPTER 2

4 0 0
                                    


BRITNEY

Pinasama ko muna yung boyfriend ko kay Mia kasi syempre we've been friends for years. I trust her, wala naman dapat ipagselos because I also trust my boyfriend. I know naman wala pang nakakasama si Mia sa school kasi baguhan pa lang kami and I know hirap pa siyang magadjust until now kaya it is okay for us na kasama namin siya. Si Mia sa old school namin she's not tahimik naman eh, sobrang daldal at ingay niyan na halos mabingi ka na. Kapag magkakausap kami akala mo nasa kabilang bundok yung isa. Kaming dalawa lang naman talaga yung magkakampi sa lahat kasi we have plastic friends there. Tinitiis na lang namin lahat ng judgement nila kasi we know na someday  hindi naman na namin sila kaklase. Hindi naman sila ganun dati pero something happened kasi, ayaw ko ng idetalye pa basta yun na yun. Kami ni Mia na lang yung natirang magkaibigan hanggang sa lumipat na kami ng school. Matalino si Mia, siya ang class valedictorian namin. Hakot award yan nung moving up namin ng grade 10, actually mula grade 7 eh laging Rank 1. Mahinhin yan (minsan), mabait, hindi masungit, friendly, mapagpatawad, mapagpasensiya, masayang kasama at relihiyosong tao. Member yan ng music ministry sa church nila kaya legit na singer at magaling siyang kumanta since birth. Madami na ding naging manliligaw yan si Mia kaso palaging iniiwan at sinasaktan. Lagi nga ding umiiyak yan ng dahil sa lalaki, ewan ko ba at hindi pa natuto sa mga past niya. Well, Mia pinupuri kita kanina, libre ko? HAHAHA char! 

Habang kumakain kami sa paboritong tambayan namin, "Napagkamalan nanaman kaming magjowa ng boyfriend mo jusko!" sambit ni Mia. 

Tumawa lang ako sabay sabing "Hayaan mo na yun, syempre kailangan mo din naman ng kasama eh hindi naman tayo sabay ng vacant edi sana kasama mo din ako, tsaka ano ka ba, walang malisya yun." sagot ko. 

"Kakaloka sila te, di ko keri." sabi ni Mia sabay tawa. 

Bigla namang dumating si Ian at ayun kami ang nagkwentuhan. Sa eksenang ito, na out of place na si Mia pero kinakausap pa din naman namin siya para ngang sanay na siyang tahimik lang kahit hindi naman siya ganoon dati. Siguro nga madami na ding nagbago sa kaniya.


------------------------------------------------------------------------------------------

IAN

Mapasa classroom at tuwing vacant halos lagi kasama ko si Mia. Hindi pa kami masyadong magkakilala, hindi kami close sa isa't isa kasi nagkakilala lang kami nung dito na sila sa school nag-aral. Matagal na nga silang magkaibigan ni Britney, matagal na ding alam ni Mia na magkarelasyon kami Britney. Si Mia, legit na tahimik talaga sa klase pero sabi naman ng girlfriend ko, hindi naman daw siya ganun dati siguro nga dahil wala pa siyang kaibigan dun. Kami lang lagi ni Britney yung kasama niya mula pagpasok hanggang uwian. Napakahinhin niyang si Mia na parang dalagang pilipina ba kamo pero yun nga magaling kumanta. Sa inaraw araw na sinasamahan ko siya mas lalo ko siyang nakikila hanggang sa makwento ko na din ang love story namin ng girlfriend ko sa kaniya pero laking gulat ko alam niya pala yung ibang details pero nakaraan naman na yun, maloko kasi ako dati pero nagbago lahat nung naging matino ako dahil sa minahal ko ng sobra ang girlfriend ko. Aaminin ko hindi okay sakin na may kasama akong ibang babae kasi baka anong isipin ng iba at iniisip ko din ang girlfriend ko pero syempre kaibigan niya naman yun kaya okay na din, wala namang malisya at wala kaming ginagawang masama. Alam ko din naman na ayaw ni Mia na sasamahan ko siya kasi nga boyfriend ako ng kaibigan niya but then both of us have no choice. Alangan hayaan ko siya ng mag-isa diba? edi naboring siya, wala pa nga siyang kaibigan eh. 

"Mia, wala ka ba talagang ibang kaibigan?" tanong ko sa kaniya. 

"Wala pa eh, hirap kasi magadjust" sagot niya. 

"I see, sabagay pero makakaadjust ka din tignan mo si Britney nakaadjust naman na" Sabi ko. 

"Siguro nga, in time". sagot niya.


Alam niyo ba yang si Mia, madaming nagkakagusto diyan sa classroom namin kasi maganda, matalino, mabait at magaling pang kumanta, san ka pa diba? Lagi nga yang kinukulit nung kaklase namin na si Tyron at Ellie. Si Tyron laging pinupuntahan si Mia sa upuan niya tapos kakausapin niya tapos hinahawakan pa nga niya yung buhok ni Mia eh kasi ang bango bango daw. Si Ellie naman lagi niyang iniinis at pinagtitripan si Mia. Isang araw nagulat kami, nainis siya bigla kasi syempre antahitahimik niya tapos ginugulo siya nung dalawa.

"Ano ba! May boyfriend ako okay?" Sambit ni Mia.

Nagulat kaming lahat kasi first time niyang magsalita ng sobrang lakas, minsan lang namin siya marinig pero yung pagalit pa pero wala naman nababanggit si Mia samin ni Britney about sa may boyfriend siya. Ang nakakatawa sa point na yun kahit sinabi ni Mia yun si Tyron hindi nagpatalo, sumagot pa ang loko hahaha!

"Ano naman ngayon? Mas gwapo ako dun." pagmamayabang ni Tyron.

"Kapal ng mukha" sagot ni Mia sabay kusilap.

Sa puntong yun kaya siguro impression nila na masungit si Mia dahil sa nangyari and dahil sa sobrang tahimik niya na laging nakapoker face pa na malimit ngumiti at tumawa pero nagtataka pa din ako, may boyfriend ba talaga siya? sino naman kaya?


*******To be continued*******

A/N:

May boyfriend nga ba talaga si Mia? If meron, sino kaya ito?

Abangan sa susunod na chapter!

So ano sa tingin niyo guys? Nagenjoy ba kayo sa ating story? Abang abang lang sa mga nabitin diyan. If may suggestions & questions just comment in the box. 

Don't forget to VOTE, SHARE & FOLLOW!

Please continue reading this madaming magaganap sa mga susunod ng chapters :)

Thank you guys! Lovelovelove❤️❤️❤️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinagtagpo pero hindi tinadhana?Where stories live. Discover now