MIA POV:
Hi! , I'm Mia, 17 years old, isang Senior Highschool student, mahilig sa music at magaling kumanta. Legit promise! singer ako. So ayun na nga, aside sa magaling kumanta, magaling din akong magmahal hahaha, ang corny sabihin pero totoo, pero kahit anong galing, nakakayang iwan pa din Boom!
Anyways, sa totoo lang masarap ako magmahal, mabait, hindi mahigpit, understanding at higit sa lahat hinding hindi kita iiwan pero kahit ganun ako parati pa ding akong iniiwan ng mga taong minamahal ko. Madami na akong taong minahal pero lahat sila iniwan ako at syempre nasaktan ako. Sino ba namang iniwan ang hindi nasaktan diba?
Nagsimula ang storya kong ito noong nagtransfer ako sa bagong school dahil walang Senior Highschool sa old school ko. I was a transferee, no friends at konti lang ang kakilala ko.
____________________________________________________________
MIA
First time ko sa bagong school at mga pinsan ko lang ang kasama ko. Well, kasama ko din naman lumipat yung mga old classmate ko na dalawa. Si Britney at Jace kaso hiwa-hiwalay kami ng section and classroom. Si Britney, HUMSS student din siya but we are in a different section and si Jace, STEM student kaya magkahiwalay talaga. Ang nakakasama ko ay si Britney at yung boyfriend nito na classmate ko na si Ian.
Habang nasa classroom pumasok na sa room ang adviser namin.
"Good morning class" sambit ni Sir Andrei.
"Good morning sir" sambit namin na mga students.
Nasa dulong upuan ang puwesto ko kasi nahihiya pa ako. Katulad ng mga nagaganap tuwing first day of the class, syempre magpapakilala ang bawat isa pero kakaiba sa school na ito, kung sa dating school ko pakilala lang dito sa bago kong school kapag sinabi mo kung anong talent mo kailangan may sample. Kabadong kabado ako sa kinauupuan ko, hindi din ako sanay sa madaming students sa paligid at isa na din ang napakalamig na room namin, wala pa man din akong dalang jacket kaya mas lalo akong kinakabahan. Pagkatapos magpakilala ng ibang students, ako na ang sumunod.
"Hello, I'm Mia Marquez, 16 years old and my talent is singing and playing guitar."
Pagkatapos noon ay nagsigawan ang mga students ng "SAMPLE! SAMPLE!"
Mas lalong akong nahiya pero kahit na ganoon, ipinarinig ko sa kanila ang mala-anghel kong tinig (WOW). Inawit ko ang kantang "Tagpuan" by Moira Dela Torre. napamangha ang lahat sa angking kong galing sa pag-awit at ang lahat ay nagpalakpakan na may kasamang hiyawan. First day pa lang ng klase ito.
Tahimik lang naman ako sa klase namin, halos nga hindi ako nagsasalita kasi walang kakilala masyado at walang makausap kasi bago pa nga lang. Ako lang talaga ang tahimik sa klase at lahat ay maingay at nagdadaldalan kaya naman ang first impression sa akin ay suplada at masungit kahit kabaligtaran iyon.
Dumating na ang breaktime at syempre kasama ko si Britney at ang boyfriend nito na si Ian. Tambayan namin ang hallway sa tapat ng building namin at doon kami nagkukwentuhan at kumakain.
"Hirap magadjust" sambit ko kay Britney.
"Sa una lang yan, hayaan mo ipapasama ko na lang si Ian sayo para di ka nag-iisa" sagot ni Britney.
Nakakahiya kay Britney na ako ang kasama ng boyfriend niya pero naginsist naman siya. Napakabait ng dalawang iyon kahit na kami ni Ian ang pinagkakamalan na magjowa. Sa school kasi may vacant time, so wala akong kasama kaya sinasamahan ako ni Ian kaya kami palagi ang magkasama eh hindi naman pareho ang vacant namin kina Britney. Habang nasa canteen nga kami tinatanong nung mga kaklase namin kung magjowa kami, like WTF? syempre sasabihin naming hindi kasi yun naman yung totoo. Lagi kaming pinagkakamalan na magjowa porket magkasama lang. Wala naman akong choice kasi wala pa akong friends, sila lang talagang dalawa.
*******To be continued*******
A/N:
Nabitin ka ba? Abang abang ka lang diyan....
Hey guys! thanks for reading the first chapter, I hope you like and love it. Hoping na madaming maging interesado sa story na ito.
So what do you think about the story? If may suggestions and questions kayo feel free to ask and comment in the box. Don't forget to VOTE, SHARE & FOLLOW!
Thank you! Lovelovelove ❤️❤️❤️
YOU ARE READING
Pinagtagpo pero hindi tinadhana?
RomanceAng nagmamahal nakakapaghintay kahit gaano pa katagal, kahit madaming pagsubok ang dumadaan kakapit yan at hindi ka bibitawan. Dumaan man ang madaming bagyo at sakuna, hindi ka niyan pababayaan pero sapat nga ba ang pagmamahal na yun kung tadhana na...