Red's PoV
Ngayon nasa mall na kami at bibili na ng notebook at balllen yun muna ang uunahin namin tsaka na yung bag
"Guys nirerequire tayo ng 5 notebook, 5 filler at black and red ballpen tigdalawa. Mauna na ako kitakits dito mamaya pagkatapos niyo...." Sabi ni Ry at pumasok na sa loob kaya sumunod na kami
Naghiwalay hiwalay na kami para maghanap ng notebook..... Nakakita ako ng mga notebook na robot ang design at may cover na!! Naastigan ako kaya kumuha na ko ng 5 nun at pumunta sa mga ballpen na faber castel.... Ito kasi paborito naming ballpen, kumuha ako ng 2 black ballpen at 2 red ballpen.
Pumunta na ako sa counter at binayaran iyon. Ng makalabas ako nakita ko dun si Ry na nakasandal sa isang poste na may hawak na bag... Ito siguro mga binili niya.
"Bro!! Patingin notebook mo!" Sabi ko sa kanya... Magaling kasi to pumili e. At tsaka alam niyo ba minsan cold to. Tamad magsalita.
Inabot niya sakin yung paper bag na dala niya.. Sabi sa inyo.. Cold
At BOOM! Ang Cool ng mga notebook niya Mga mamahaling kotse na sketch... at faber castel na ballpen. Magaling.
Sumunod na dumating si Ram na may notebook na mga bola ng sports ang design at ang ballpen niya faber castel din
Ang pinakahuling dumating si Van
"Tagal Bro ahh" sabi ni Ram na inaasar si Van
"Ano bang nagbago??" Sabi ni Ry na nagpatawa samin ni Ram
"Tss.. " yun lang ang sinabi ni Van samin.... at ang design ng notebook niya ay puro mga pattern gaya ng zigzag at wag niyo ng itanong kung ano ang ballpen niya dahil alam kong alam niyo na faber castel din ang binili niya.
Pagkatapos pumunta kami sa paborito naming bag. Jansport.
"Kayo na bahala sa bag niyo. Basta yung pinagusapan sundin niyo" sabi ni Van na seryoso siguro kasi badtrip kanina?
"Sige Sir!" Pahabol naming tatlo bago siya makalayo at pumasok na kami at nagsikalat sa store.
Ang dami kong nakikitang astig pero may nakita akong isa parang mapa kaya yun yung kinuha ko astig kasi tapos isang plain na green. Usapan kasi namin isang plain at isang may design na bag. Mayaman kasi kami.. LOL
Binayaran ko na yon at lumabas na. Nakita ko si Ram na nasa labas na dala ang bag niyang plain na Blue at camouflage na black and white.
"Ang astig niyan pre ah san mo nakita yan?" Sabi sakin ni Ram na tinutukoy yung bag kong parang mapa. Mahilig kasi ako mag trip around the world. Si Van lang talaga mahilig kumuha ng litrato ng mga pinupuntahan namin na ako naghahanap sa net.
"Sa store" sagot ko sa kanya na nakangiti
"Ge" yun na lang nasagot niya alam niya naman kasi na pumasok kami sa store tatanong kung san nabili
Dumating naman si Ry kasama yung bag niyang blue na animal print ng zebra tapos plain na grey... PaCool talaga to si Ry
At ang huli si Van -__- na may sky blue na plain at black and white na parang mga oblong
"Starbucks muna tayo bago umuwi?" Tanong ni Ry samin
"Sige" sagot namin. 4 palang naman
Ang haba ng pila pero tiniis namin. Inabot kami ng 30 minutos kaya napagdesisyunan namin na inumin ito habang naglalakad
Pero habang naglalakad may nabunggo kami... and syempre dahil may hawak kaming frappe ang nangyari ay...
•••••••••••••••
AN:
Hello ito naman po yung sa boys bonding!! and also nasa multimedia po yung mga backpacks nila!! =)
Abangan ang Next Chapter...
Thanks for reading! =>
BINABASA MO ANG
Unlimited Love
Teen FictionSabi ng IBA wala na daw forever, masyadong bitter pero ito ay Isang story na..... magpaparamdam sayo ng iba't ibang emosyon katulad na lang ng.... pagpapakilig.... pagpapasaya at.... pagpapaiyak. Pero ang pinaka importante ang pagpapaalam sayo na ma...