Chapter 4:Saranghae

4 0 0
                                    

"Hintayin mo nalang ako sa dorm,ok?" nag smile siya sakin at umalis na.Hindi ko sila kinausap mula nung nakita ko kung ano talaga sila.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking balot na balot ni hindi mo nga malaman kung ano ang kulay ng balat niya.Nakatingin lang siya sakin at nung napansin niyang nakatingin ako ay tumakbo na siya.Sinundan ko siya papunta sa madilim na sulok.

Nagulat ako ng may humila sakin at isinandal ako sa pader.

"A-anong gagawin mo sakin?!" dahil sa takot ay hindi na napigilan ng luha kong tumulo."W-wag mo akong sasaktan..."

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang kamay niya."Ool jee mah.I don't want to see u crying." {ool jee mah-don't cry}

Sa boses palang niya ay kilalang-kilala ko na siya,hindi ko na napigilang yakapin siya."Bakit ka nandito?Pano mo ako nahanap?Are u one of THEM?"

Tumawa siya ng bahagya "I'm here for you.I know your twin studies here...AND I am not one of them."

"I miss you,Niel."

"I miss you too,honeybunch."

Natawa nalang ako sa sinabi niya."Honeybunch?Is that a thing?"

Nagtawanan nalang kaming dalawa "BTW may dorm ka na ba?" nagpout siya at umiling."Hays!Sa dorm ka nalang namin matulog ngayong gabi,bukas papakiusapan natin ang principal na bigyan ka ng dorm."

"Okie!" hinawakan niya ang kamay ko at nagsmile na parang bata "Lead the way,honeybunch." tumawa nalang ako at nagsimula ng maglakad.

Habang naglalakad kami pansin ko ang mga mata ng schoolmates ko.

'Dudukutin ko na talaga ang mga mata nila.'

Napaupo ako dahil sa malakas na pagbangga sakin ng isang babae."Ay...Sorry.Tatanga-tanga kase." tumawa siya ganun din ang iba "I can't believe may kambal na tanga si Liam?"

Inalalayan ako ni Niel makatayo,hinarap ko siya at tinignan ng NAPAKASAMA."I can't believe may mga papansin dito." sambit ko.Halata sa mukha niya ang pagkainis.

"Your so kapal ng mukha!"  dinaan ko nalang sa tawa ang inis ko sakanya."Anong nakakatawa?!"

"OK na yung makapal ang mukha,hindi katulad mo makapal ang MAKEUP!!!" hinawakan ko ang kamay ni Niel "Halika na,Niel.Baka mag beast-mode ako." tumakbo kami papunta sa dorm.

Pasalamat nalang kase nandun si Jacob."Jacob!" pagtingin niya ay parang nakakita siya ng multo."Ok ka lang?" pagaalala ko.

"Oo,I see kasama mo pala si Niel." napatingin ako sa tabi ko.Ang seryoso ng mga tingin ni Niel. "Nandun si Nicolas sa loob.Sumama nalang kayo samin,nauna na kase si Dayn."

Timing na lumabas si Nicolas,nang tumingin siya samin...parang napakaseryoso niya nadin.

"Nicolas!Ang gwapo mo ngayon!" panimula ko "Pero mas gwapo ka kapag nakangiti!Ngiti na!" ngumiti naman siya agad...pagtingin ko kay Niel nag sign ako na magsmile siya.

"Bloom,mauna na tayo may paguusapan pa sila." hinila niya ako papunta sa parking lot...nakakita ako ng isang Kitty.Pagtingin ko sa kanya bigla siyang nagtransform sa isang babae.

"Jacob!Ang tagal mo!" tumingin siya sakin at parang nakakita ng celebrity. "IKAW SI BLOOM?!?!"  may tinignan siya sa braso ko kaya napatingin din ako "May sugat ka!Anong nangyare?!"

'Sasabihin ko ba sakanila?Hmm...baka magalala sila.'

Nagkatinginan silang dalawa "Tell us or else kami ang aalam." ang seryoso ng tono niya,nakakatakot.

"Ah...ano kase may bumangga sakin kanina,napaupo lang naman ako hidi ko namalayan na nagkasugat ako."  nakakahiya talaga sakanila...

"Babae o Lalaki?" tanong ni Scarlet.

"Babae."

"Anong sinabi niya sayo.."

Sasabihin ko ba?Baka mas lalo pa magkagulo..."Hindi siya makapaniwalang kambal ako ni Liam,but I already get rid of her!Promise!"

Magsasalita pa sana siya pero may sumigaw...si Liam."HOOOOYYY!!!Anong pumasok sa kokote niyo na iniwan niyong magkasama ang dalawang ugok na'to?!" hawak-hawak niya ang kamay ni Niel at Nicolas,ang cute nila pag magkasama!!!

"Oh?Ba't nandito ka?Bawal panget dito!" pagtataboy ni Scarlet kay Liam,may galit ba 'to?Well obvious naman*-*

"Ang sweet mo naman,babe!" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya...may gf na siya?!

"Wag mo akong ma babe-babe!Sipain kita jan!" ang sweet nila ah*~*

"Uy!LQ kayo?!" singit ni Niel kaya napatingin sakanya ang lahat..."Joke!Wag mo na akong sapakin baka masira butepulpes ko*-*"  BUTEPULPES?

"Manahimik na nga kayo?!Aalis tayo o tig isa-isa ko kayong suntukin?!" iritang reklamo ko sakanila,bigla akong inakbayan ni Niel.

"Clam down!Chill girl!Wag ka ngang highblood,honeybunch!" patay na+_+

"HONEYBUNCH?!?!" sabay-sabay nilang sigaw samin.Taena pinapahamak talaga ako ng lalaking 'to.

"We should get out of here." bulong sakin ng katabi ko.

"Nah..." lumapit ako kay Liam "Kambal tinatawag niya akong honeybunch oh!Ang korni!Eh hindi ko naman siya boyfriend!!!!"

"Bagay naman kayo." sabay nilang sabi ni Scarlet...tinignan ko si Niel,kinindatan niya ako kaya pinakita ko sakanya ang disgust face ko.

Nagpunta na kami sa shop ng Noona nila para magtry ng mga sosuotin namin bukas.Habang nasa byahe kami tuloy-tuloy ang bangayan ni kambal at ni Scarlet habang kami ni Niel ay nagtatawanan lamang.Si Jacob ang nagd-drive at si Nicolas tahimik amang habang may suot sa headphones sa kanyang tenga.

Pagkarating namin sa shop ay agad kaming sinalubong ni Dayn,ilang sandaling kwentuhan lamang at sinubukan na namin suotin ang mga damit namin para bukas.Feel ko nga hindi ako gusto ng sister nila Jacob at Dayn...tinatarayan ako T-T,so ayun nga ang awkward tuloy!!!

Nang matapos kaming magsuot ay napagpasyahan naming pumunta sa park at duon tumambay.

"Honeybunch!Dun tayo sa swing oh!" iiling sana ako pero hinila na niya ako papunta duon.

"Iisa lang naman 'tong swing..." reklamo ko sakanya.

"Edi ikaw ang uupo,ako ang tutulak!" umupo na ako at ilang sandali nagsalita siya "Sana ganito nalang tayo palagi." napatingin ako sakanya...ano kaya ang ibig niyang sabihin? "It's been 2 years since our friendship had been developed.For that 2 years I have that very secret...the secret that I want you to know." pumunta siya sa harap ko,hinila niya ako at niyakap."Bloom...my honeybunch..."

Nagtitigan kami duon mata sa mata...

"Bloom,my honeybunch...SARANGHAE."

---------------------------------------------------

SORRY FOR THE LAME UPDATE GUYS...


Chapter 4:Saranghae

End                                


Dark Side AcademyWhere stories live. Discover now