Ashley's POV
3 o'clock pa lang ay gising na agad ako dahil nakalimutan kong mag impake ng mga gamit ko.
Ang sakit sakit pa ng labi ko! Grabe talaga si leader. Buti kaninang alas dose ay natunaw na yung yelo kundi baka lumaki yung labi ko dahil sa sobrang pamamaga.
Ilalagay ko na sana ang spell book ko sa loob ng Cosmo bag ko nang may narinig akong kaluskos sa labas ng hideout namin.
Sino naman kaya ang mangangahas na tumapak dito ng ganitong oras?
Nagteleport ako sa may puno na malapit dito sa hideout namin at itinago ang aking presensya.
May nakita akong mga nilalang na nakablack cloak at mukang marami sila. Sa tingin ko ay nasa labing Lima ang mga ito.
Yes! Mukhang maaga akong makakapag exercise nito HAHAHA!
Nagtapon ako ng invisible blue fire sa blind spot nila at lima agad ang namatay. Tsk,mga weak! Sunod kong pinatamaan ng thunder shurikens ang tatlong lalaking nasa itaas ng puno. Mukhang mga sniper tong mga to.
Naging alerto naman ang iba pa nilang mga kasamahan at agad na nagpatama ng kanilang mga kapangyarihan kung saan saan.
Ngunit ang lalaking sa unahan ay tila ba walang pakielam sa nagkakagulo niyang mga kasamahan at kalmado pa ding nakatayo doon sa pwesto niya.
Alam kong nakita na niya ako at magteteleport siya sa likod ko.
Tama nga ako dahil makalipas lamang ang ilang Segundo ay nasa likod ko na siya at sasaksakin na dapat ako ng Blazing Sword niya nang bigla ko iyong sanggahin gamit ang Reaper's Sword ko. Isa ito sa apat na legendary sword.
Tanging tunog lamang ng mga kalansing ng aming sandata ang maririnig pati na rin ang pagdaing ng kanyang mga kasamahan dahil sa Purifying magic ko. Yup! Mga demons sila na nagkatawang tao kaya dapat silang ipurify!Yey!
"Sino ang nagpapunta sa inyo dito?" tanong ko dito ng may seryosong tono habang sinasangga ang sandata nito.
"Wala ka na don bata. Ang mabuti pa ay tapusin na kita!" nakangising saad nito and I just scoff.
Di naman pogi ngumingisi pa. Sarap ibalibag.
"As if you can"
Masyadong weak itong isang 'to. Tatapusin ko na. Umabante ako at agad na nagsummon ng White Dragon na siyang tumapos sa buhay ng lalaking ito.
Pumasok ako sa loob ng bahay ng parang walang nangyari at agad na pumunta ng kusina. Nauhaw ako don ah! Lalabas na sana ako ng kusina ng may biglang nagsalita sa gilid ko.
"Nice job,Ash" napapitlag ako dahil sa babaeng nagsabi non. Ang lamig ng Boses niya HUHU.
"Mumu ikaw ba yan?" Natatakot kong sigaw. Waahh paano kung multo yon? Anong gagawin ko?
"Tsk" napaharap naman ako dahil pamilyar yung boses na yun. Pag harap ko ay...
"AAAAHHHH MUMU! MAMA MAY MUMU HUHUHU" naghihiterikal na sigaw ko. Letse! May multo! Ang puti puti niya tapos ang haba ng pilikmata tapos--teka...
"L-leader?" kinakabahang saad ko dito.
"Yeah" sabi nito at tuluyan ng lumabas.
Hehe. Si leader lang pala. Mukha kasi siyang multo eh.
"Shut up!" sabi nito sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Hudson Academy of Warlocks
FantasyThis is a story of a girl who lived thousand of years ago, died, and reincarnated as an emotionless warlock... Join her and her friends as they go through the journey of friendship and betrayal and help them fight the wicked Primus Council of Mageia.