Talk Back and You're Dead

2.1K 27 1
                                    

Naniniwala ba kayo sa tadhana?Sa makabagong panahon ngayon,siguro iilan na lang ang naniniwala sa salitang yan.Isa ako sa mga hindi naniniwala (dati),ang baduy kasing pakinggan hindi ba?

Para lang yon sa mga hopeless romantic.Sa mga mahilig mapantasya,mangarap na isang araw sa gitna ng kaguluhan ay may kaguluhan ay may isang knigt in shining armor ang darating para sagipin ka.Maiin-love sa isa't isa at doon papasok ang happily ever after ninyong dalawa

At sa pagtanda nyo at sa harap ng mga anak at apo ninyo ay muli ninyong iku-kwento sa kanila kung paano kayo punag tagpo ng tadhana.

Kung sana ngayon lng kadali ang lahat.Kung sana ganon kasimple ang fairytale.Kung sana ang unang tao na nagsabing mahal ka niya ang siyang makakauluyan mo.Kung sana wala nang nakakahilong twist. At kung sana lang lahat ng kwento ng bawat tao ay ginagawa ng Walt Disney na sa kabila ng lahat,happy ending pa rin.Siguro,maniniwala ako sa salitang tadhana. Dahil ang kapalaran ng bawat tao ay nakasulat na sa libro pagkasilang palang nila

Kung ganon siguro kadali,ang saya na siguro

Ang kwento ko kung paano ko nakilala ang taong una kong minahal ay hindi maaring ipalabas at gawing cartoons para sa mga bata. -_-

Unang una,hindi siya prinsipe.Hindi siya yung tipo ng lalaki na makikialam kapag may nakita siyang nasasaktan.Hindi siya rescuer ng damsel in distress.Wala siyang pakialam sa ibang tao maliban na lang sa gang niya.Isa siyang basagulero at mainitin ang ulong tao.Isa siyang gangster.

(.-_-.)

Ikalawa,siya ang nag-turo sa akin kung paano mag cuss.What a cuss machine.Walang araw ang lumipas na hindi ko siya naririnig mag-cuss,ang ikinaganda lang,english.TOTAL NOSEBLEED.Ikatlo,kailangan ko pa bang sabihin ito?Siya ang unang tao nagsabi na 'flat chested ako'.Oo tama,nakakahiya mang aminin pero sa ganitong klase ng tao ko naranasan na magmahal.

At ang nakakagulat,siya ang nagmulat sa mga mata ko kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng 'pag-ibig'.Ang Weird hindi ba?

Ang pangalan ko ay Miracle Samantha Perez.Two years ago may nakilala akong abnormal na lalaki sa tapat ng National Bookstore.Hindi ko kayang sabihin ang pangalan niya dahil para siyang delubyo.Lahat ng nakakarinig sa pangalan niya nangangatog ang tuhod sa sobtang takot at baka tumakbo kayo bago ko pa maumpisahan ang kwento ko.

Nakilala ko siya sa isang nakakatawang insidente.Isa 'yong insidente na nagpapabago sa takbo ng tahimik at planado kong buhay.

Pero nung mga panahon ma 'yon,hindi ko masasabing nakakatawa nga siya..kundi nakakatakot. (__^__) >"

Uumpisahan ko na ang kwento naming dalawa at sana ay matapos ko ito bago lumapag ang eroplanong sinasakyan ko

Talk Back and You're DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon