Linggo
Isang pangkaraniwang araw sa pangkaraniwang lugar.Hindi ko akalain na ito ang araw na talagang mamalasin ako nang sobra.Nasa loob ako ng National Bookstore hinahanap ang librong matagal ko ng gustong basahin.Nasaan na ba'yon?
"AAAAHH! Ano 'to?!"may isang nakakabinging sigaw ng isang babae mula sa labas."Sabi mo pupunta ka lang sa hospital para dalawin ang mommy mo kaya hindi ka makakapunta sa date natin! Tapos makikita kita sa mall na may kasamang iba!Sino siya?!"Grabe naman ang boses na yon(.-_-.)
"Ano yon?" tanong ng isang babae sa kaibigan niya na nasa kaliwa niya na nasa kaliwa ko.
"May away yata sa labas.."sagot ng kasama niyang babae
"Tara tingnan natin!"
Sunundan ko sila ng tingin habang nagmamadali silang lumabas ng store.Yung totoo?Talaga bang may balak silang makialam kaguluhan sa labas?Bakit hindi na lang sila makialam sa sarili nilang problema? (--__-- ;)
Lumipat ako ng pwesto at nakita ko na ang librong hinaganap ko.Buti na lang nakita ko na! Dumiretso na ako sa counter para mag-bayad.Ako lang yata ang nagbabayad since lahat sila nasa labas at nanonood ng pag-aaway nung dalawang kung sino man 'yon.Pagkatapos ko rito saan ako pupunta?Salon?Hmm.
Lumabas ako ng book store at nakita ang bestfriend ko na si Michie na umiiyak sa harap ng isang matangkad na lalaki na may katabing isang magandang babae.
HAAA? ! (@_@;) Anong ginagawa niya dito?! Siya yung sumisigaw kanina pa?!
Ang kapal mo!Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo!Taksil ka!"sigaw ng kaibigan kong si Michie sa harap ng lalaking hindi ko kilala
Napa-nganga ako nang makumpirma ko na siya nga iyon.
"Who the f*ck are you talking to?"tanong ng lalaki
Nagmura siya!Kanino kayang anak 'to? Hindi ba nila tinuturuan ng good manners ang anak nila? Fuuuu.Ang ayoko sa talaga sa lahat ng tao yung basta na lang makapag-mura.Naiinis talaga ako sa kanila. !!o(>__<)o!!
"TOP,do you know her?"tiningnan niya si Michie mula ulo hanggang paa.
"Hell no," the guy answered coldly.
"Ano? Ngayon naman nagkakaila ka? Sabi mo ako lang! Ibinigay ko sa'yo ang lahat!Hindi pa ba sapat ang nakuha mo sa'kin?"
Napa-singhap ang lahat ng tao na nakikinig sa kanila.
"Ano raw? Ang sama naman ng taong 'yan," komento ng kaibigan nung babae
Nagkaroon ng ilang pagsang-ayon ang iba pang nanunood tungkol sa kung gaano kasama ang lalaking 'yon para lokohin si Michie at...kung gaano siya katangkad,kagisig at kagwapo.Nagkaroon din ng ilang tanong kung artista daw ba yung lalaki o model ng bench.(-__- ;)
"You're really asking for it woman,stop it!"
"Bakit ka ba ganyan sa'kin?"iyak ni Michie."Dahil ba sa kanya?!"turo niya sa katabing babae nung lalaki."Dahil ba sa kanya iniiwasan mo na ako Honey?"
"F*ck off".
Napakasama ng ugali ng lalaking 'yon! Kumukulo ang dugo!Mabilis akong pumunta sa harap nung lalaki at dinuro siya.
"Hoy!Lalaking akala mo kung sino!Ikaw na nga itong nanloko ikaw pa may ganang sabihin 'yan sa kaibigan ko!sigaw ko
"Sam?Sammy?!"namumutla na tawag sa akin ni Michie.Halatang nagulat siya.
Bukod sa gulat,parang natatakot pa siya na makita ako ngayon.Bakit kaya?Siguro dahil hindi niya gustong makita ko na pinagtataksilan siya ng boyfriend niya.Ni hindi ko nga alam na may boyfriend na pala ang kaibigan ko.Nag-lihim siya sa'akin!
Kung sabagay,dapat ngang ilihim kung ganito ang magiging boyfriend niya.Pinagtaksilan siya ng boyfriend niya.Ang kaawa-awa kong bestfriend na sobrang inosente sa malupit na mundo.
"F*ck,another lunatic," rinig kong bulong ng lalaki
Ano'ng sinabi niya?!Lunatic?!Ako?!
Muli kong hinarap.Nag hahanda na akong bugahan siya ng apoy.Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.Ahh...Sana pala hindi ko nalang ginawa 'yon, ang pakiramdam ko kasi bigla akong lumiit parang langgam!Ang tangkad niya! Ano kayang height niya? 6 feet? 6'2?
Nakasuot siya ng black leather jacket at putting fitted shirt sa loob.Tinernohan niya 'yon ng dark jeans.Mukha siyang mayaman dahil mukhang mamahalin ang suot niya.
Ang pinaka-napansin ko ay ang mahaba niyang legs.Mukha nga siyang model.Bukod sa ang kisig niya sa suot niya,napaka-gwapo rin niya! Hindi siya maputi,halatang hindi siya gaanong naglalagi sa loob ng bahay
BINABASA MO ANG
Talk Back and You're Dead
Teen FictionThis story of Talk Back and Youre Dead its only the First Haft that PSICOM made but its also part of the book.This story that i wrote is by:Alesana Marie.This story is Copyright