Pinalitan ko to. Yung unang update para sa chapter na to ay binura ko lahat. Sorry -____- Ang panget daw kasi sabi ni Lanie eh. :/ Thank you Lanie! :*
Chapter 2
Monday ngayon at one week na lang start na ng college life namin! So bago pa man kami magpakadapubhasa sa mga fields na pinili namin sa college ay magpapakasasa muna kami sa Maynila. Nakapag-enroll na kaming lahat last week pa. Lahat kami nakapasa sa Ramon Bautsita University.
Mamayang alas kwatro susunduin kami ni Jiro dito sa bahay. Sya lang naman kasi ang may kotse sa'min sa mga mag-aaral sa Maynila so makikisabay na lang kami sa kanya para tipid! Oo nga pala, ilan lang kaming mag-aaral sa Maynila, mga sampu lang ata. Karamihan sa Olongapo lang mag-aaral para daw malapit. Sa sampung yun, lima kaming nakapasa sa RMU. Ako, si Jiro, si Mayeng, si Camille at si Jace.. Choosy ang bestfriend ko kaya kaming mga taga-RMU lang ang isasabay niya paMaynila. Charot. De, kami lang kasi talaga ang kasya sa kotse niya.
Alas tres na at si Mayeng nakatulog na sa paghihintay, kagabi pa kasi ayos ang gamit niya. Ako? Eto kaninang ala-una lang nagsimulang mag-ayos pagkatapos ko maligo. Tinamad kasi ako nung nakaraan eh. Pasensya naman di ba? Naggala kasi ako kagabi sa bayan. Naiirita kasi ako dito sa bahay kahapon, buong araw daw ba mag-emote sina Camille at Mayeng dito sa bahay dahil nga mga sawi sa pag-ibig. Alam niyo na, uso kasi talaga ang break up pagkagraduate ng highschool. Mga ayaw sumabak sa long distance relationship. Hay. Eh kung gayahin na lang kaya nila ako? Walang boyfriend, walang lovelife, walang drama, hindi nag-eemote.
*Beep beep beep beep
Kinabahan naman ako bigla sa businang yun! Shet na malagket! Di pa ako tapos ligpitin ying gamit ko. Nakakahiya naman kay bestfriend. Pati ba naman sa ganito paghihintayin ko sya? -__-
Minadali ko na yung paglalagay nung ibang mga gamit kp sa maleta, wala ng tupi tupi. Shem. Ang dami kong gustong dalhin na damit, kulang ata yung bag ko. Hanap hanap ng bag..
Nagka-cram na ako dito.
*Toktok toktok
Patay na. Biglang bumuluga sa pinto si Jiro. "Ready?" tanong niya na nakasandal sa pinto habang pinaglalaruan ang susi ng kotse sa daliri niya.
Napatingin ako sa direksyon niya. "Tingin mo?"
Napailing na lang si Jiro sa mga gamit kong nakalambusay sa kwarto. "Ngayon ka lang nag-ayos?"
Tumango ako. "Hindi kasi ako nakapag-ayos kagabi, andito si Camille eh."
"Tama na explain." Sabi niya habang sinasara yung zipper nung isang bag ko. "Lagay ko na yung ibang gamit mo sa kotse ah."
"Yes boss!" Binilisan ko na yung pag-aayos ng gamit ko. Lagay lagay na lang, wala ng tupi tupi.
Pagkatapos ko ginising ko na si Mayeng at sabay na kaming bumaba. Nagpaalam na kami sa Mama at Papa niya then larga na kami sa labas ng bahay.
O_____O
Bigla naman kaming napahinto ni Mayeng sa pinto ng bahay ng may nakita kaming mga nilalang na hindi ko alam kung pano idescribe.
"What is the meaning of this?" tanong ni Mayeng na ibinaba pa talaga yung bag niya at nagpameywang.
"Hoy. Malisyosa ka. Sakay na sa kotse!" sabi ni Camille. "Kung iniisip mo na nagkabalikan kami. Nagkakamali ka."
Nakita lang kasi namin si Camille na lumabas ng bahay nila kasama si Jace, yung ex-boyfriend niya na hawak hawak yung napakarami niyang bags. Kahapon lang iniiyakan niya to ah?
"Mailing mali." dugtong pa ni Jace na pinasok ang bag ni Camille sa kotse at saka pumasok. Sumunod na rin kaming mga girls.
"Eh anong drama yun?" tanong ulit ni Mayeng pagkaupong-pagkaupo namin sa kotse.