Chapter 1

48 0 0
                                    

  Chapter 1

"Ayoko na. Dun ka na sa bestfriend mo!"

"Bestfriend your @ss! Mukhang mas mahal mo pa yang bestfriend mo kesa sa akin eh!"

"Magsama kayo ng bestfriend mong nerd! Leche!"

"Bestfriend? Lagi na lang bestfriend! Sawang sawa na ako!"

"Pumili  ka.. Yang bestfriend mo o ako?"

"Girlfriend mo ako! Kaya kong ibigay lahat sa'yo! Lahat ng kayang ibigay sa'yo ng bestfriend mong yan kaya kong ibigay! Ano sya pa rin ha?"

"Ano bang meron yang bestfriend mo bakit hindi mo kayang layuan ha?"

"Ano? Inuna mo na naman yang bestfriend mo? Punyeta! Ayoko na!"

"Bestfriend na naman? Eh kung mag-apply na rin lang kaya akong bestfriend mo? Nakakasawa ng maging girlfriend mo eh!"

"Its not you.. Its not me.. Yang nerd mong bestfriend mo ang sisihin mo! Sya naman talaga tong p[anggulo sa atin eh!"

"Bestfriend.. Bestfriend.. Bestfriend.. Kalimutan mo ng may girlfriend ka!"

Ako nga pala si Samantha Nicole Farrales, dakilang bestfriend ni Kevin Jiro Abrenica. Ang so-called Prince Charming nila.

Arrrggh! Nangyari na to ilang beses na. At naiinis ako.. Nagrereplay na naman kasi sa malaking utak ko yung mga spiel ng mga exgirlfriends niya. Nakakainis. Ako na lang lagi ang dahilan. Sa labing pitong naging girlfriend ng lalaking to, labing pito sa kanila ako ang dahilan ng break up! Kaines -___- 

Gustong gusto ko na ngang iwasan yang Jiro Abrenica na yan. Kaso walanjo mo! Napakakulit! Ayaw niya daw mawalan ng bestfriend. And ako lang daw ang gusto niyang maging bestfriend. Nung una compliment pa yun eh. Ngayon hindi na.. Kung yung mga naging girlfriends niya sawa ng maging girlfriend niya dahil sa bestfriend niya, ako naman sawa ng maging bestfriend niya dahil sa mga girlfriend niya. Ako nalang kasi ang laging sinisisi everytime na mag-aaway sila. Nakakabuang na!

Everytime na sinusubukan kong iwasan sya, lagi niya akong sinusuyo. Haaaaay.

Lagi ko syang tinatanong ng..

"Bakit kaya hindi na lang yung girlfriend mo ang suyuin mo?" 

Ang lagi niyang sagot?

"Hindi naman kasi ako seryoso sa kaniya/ kanila." Tapos tatawanan niya lang ako. Mongoloid talaga.

Nakakainis di ba? Hindi pala sya seryoso tapos dinadamay niya ako sa kalokohan niya. Di na nakuntento, magaganda naman yung mga nakakarelasyon niya, malaprinsesa.

"Hey princess!"

"Ay, mongoloid!" Parang timang talaga to kahit kelan. Bigla bigla na lang nanggulat. Tapos ayan ngayon tatawa tawa sya.

Magkasama nga pala kami ngayon nitong mongoloid kong bestfriend. Sinugod ko kasi. Inaway na naman kasi ako sa text nung girlfriend niya kagabi, I mean ex-girlfriend. Nagbreak na raw kasi sila at ako na naman ang sinisisi. I am super tired of this.

"Don't call me a princess nga. Kainis lang!" Dugtong ko pa. Ayaw kasi tumigil sa katatawa. Ang epic daw ng reaction ko kanina. And besides, I really hate  to be called Princess.

"Why? I'm your Prince Charming and you are my princess." Cool niya pang sabi habang inabutan ako ng red horse. Andito kasi kami ngayon sa Bacazza, isang white sand resort dito sa Iba, Zambales na pamilya niya ang nagmamay-ari.

"I'm not a princess Jiro."

"I can make you a princess, Sam, my princess." Eto na naman po kami.

FriendzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon