In the closet ...

75 1 3
                                    

Ang buhay, minsan parang quotes na pinagpapasapasahan lang sa cellphone .

Hindi lahat nakakarelate. Hindi lahat naiintindihan. At hindi lahat, nakakatuwa ..

Kung minsan , napaka mapagbiro ng tadhana , kung kelan sigurado ka na sa isang bagay, saka naman nito maiisipang maglahong parang bula ..

Kung kelan ayaw mong makita, saka naman sumusulpot. At sa panahong kelangan mo, hindi mo naman malaan kung saan mo hahanapin ..

Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko.

Marami pa akong mga bagay na hindi pa alam .

Pero sa lahat ng mga bagay dito sa mundo, isa sya sa mga bagay na masaya ako dahil natagpuan ko ..

***

CHAPTER 1 : Blessing in Disguise

"Uy Dale. Kanina ka pa tulala . May problema ba ? " ang boses na 'to ang isa sa mga tunog na kumukumpleto sa araw ko ..

"Ha ? Nako .. Ilang minuto na ba kong nakatunganga ? Pasensya na .."

"Saglit ha, bilangin ko lang .. 1,2,3 .. Three minutes ."

"You're kidding .. Ganon na ba katagal ?"

"Oo, ganon na .. Kaya nga kala ko naloloko ka na ih .. Is there something bothering you ? "

"Wala naman . Inaantok lang siguro .. "

She smiled. And that thing made me wanna scream my heart out ..

"So. Mauna na muna ko ha ? Aattend lag ako ng meeting sa Math Club .. Pakisabi kay mama, baka gabihin ako ng uwi .."

"Sigurado ka ayaw mo magpahintay ? "

"Ok lang ako .. Nandun din naman si Trish, sabay nalang kame .. Thanks anyway . Yung bilin ko ha ? "

"Sure . Sige, I'll go ahead .. Mag ingat pag uwi ha .."

"I will . Ikaw din " then  she ran through the open ground papunta sa Art and Science Department .

Sya si Dianne, the girl that I am dreaming for long time .

She is one of those few people I am very happy to have.

Sumakay na ko sa scooter ko para umuwi, hindi ata ako sanay ng wala sya sa tabi ko ..

Dati kc hinihintay ko sya kapag ganung may mga meeting .

"Tita, sabi po ni Dianne may meeting sya kaya gagabihin sya ng uwi .. " I told her mom as I passed their house .

"Bakit hindi pa kayo nagsabay Dale ? "

"Sabi po wag ko na daw hintayin eh . Kasabay daw si Trish .."

"Ah ok . Yun talagang batang 'yon .. Salamat iho ."

Nginitian ko nalang sya ..

Ayoko din naman na iwan sya mag isa do'n. Pero yun ang sabi nya, di ko naman pwede ipagpilitan at siguradong di rin yun papayag.

"Ma. Nandito na po ako .."

"Dale, may inorder ka ba na libro ? May dumating kanina dyan .."

"Ah opo ma, yung series ng Percy Jackson .."

"May allowance ka pa ba ? Palagi ka nalang bumibili ng libro .."

"Opo. May pinadala diba si Papa sa 'kin this month for those books .. "

"Kayo tlagang mag ama. Hindi ko mapigilan sa hilig nyo .."

"You know about that Ma. Haha .. Akyat na po ako .. "

In the closet ...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon