"Riz, bilis bilisan mo naman ang kilos! Baka hindi na tayo papasukin sa backstage dahil sa sobrang dami ng fans na nakapila. Naku! Iiwan talaga kita makita ko lang si Jimin my loves ko!" reklamo iyon ni Yuri na bff ko."Eto na nga! Gusto ko rin naman makita yung asawa kong si Taehyung no? Naku, wait Yuri! naiwan ko yata yung camera ko sa seat natin. Mauna ka na bes susunod ako agad." natatarantang sabi ko
"Kita mo to, napakamalilimutin mo talaga! Bilisan mo bru ha? Magsa save ako ng space mo sa pila." ani Yuri bago tuluyang sumunod sa iba pang fans na papunta sa backstage.
"Okay, okay sige! Thanks bru!" sabi ko saka bumalik na sa seat namin.
Nang makuha ko ang camera ko sa seat ko ay nagmamadali na akong bumalik. Pero hindi pa ako nakakalayo ng mapahinto ako dahil may narinig akong nagtatalo sa isa sa mga personnel room.
At dahil bahagyang nakabukas ang pinto ay hindi ko napigilang mag usyoso at sumilip sa pinto.
And that was my biggest mistake na pagsisisihan ko habang buhay. Kulang na lang lumuwa ang mata ko sa sobrang gulat dahil nakita ko si Taehyung na idol ko hugging a girl na ngayon ko lang nakita. Sa itsura nilang dalawa it looks like they are in a relationship.
"Please, Yena don't do this to me. I can't lose you like this. You promise to come with me in Korea after our tour here in the Philippines." ani V na kulang na lang ay lumuhod na sa harap ni Ate girl para lang hindi siya iwan nito.
"I'm so sorry, Tae. Hindi ikaw ang problema kundi ako. I fell in love with someone else. Don't make it hard for me please. Just forget about me and find someone who is really deserving than me." umiiyak na wika ng babae bago ito tuluyang umalis.
Naiwang lumuluha si V sa kuwartong iyon. It's my first time seeing him like this. I've been a fangirl of their group BTS for 4 years and V is my bias. Everytime na uma- attend ako sa mga fansigning event at concert nila siya yung tipong palaging nakangiti at masayahin sa harap ng mga fans.
And it's my first heartbreak too. Dahil akala ko talaga single siya, at hindi ko akalain na may nag mamay ari na pala ng puso niya.Doon ko napatunayan na wala pala talaga akong chance as a fangirl. But seeing him in pain and full of sadness ay mas lalo lang akong nasasaktan.
Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at iniabot sa kanya ang paborito kong panyo. Nakaburda kasi roon ang pangalan ko at ang pangalan niya.
Saglit lang siyang nag angat ng tingin at inabot din ang panyo ko para ipunas sa mga luha niya. Kung hindi ko lang siguro nalaman ang totoo baka kanina pa ako hinimatay dahil sa dinami rami ng fans niya ginamit ni V ang panyo ko.
Pero sabi nga nila, hindi lahat ng fantasy natatapos sa happy ending. Minsan kahit anong ganda ng panaginip mo kailangan mo pa ring gumising at harapin ang reality.
"감사합니다. (Thank you)" anito sa lengguwahe nito.
"I saw everything, and i know that she left you but it doesn't mean na dito na nagtatapos ang lahat. Marami pang fangirl ang umaasa sayo tulad ko. I promise that i won't tell anyone anuman ang nakita at narinig ko rito. Isa pa last day ko na rin naman as your fan. After i saw that narealize ko na sobrang sakit din palang malaman na may babaeng kang minahal ng totoo bukod sa mga fans mo. Just a piece of advice wag mo nang hayaang may mawala pang isang loyal fan na tulad ko. Mahalin mo ang mga fans mo katulad ng pagsuporta at walang sawang pagmamahal nila sayo." lumuluhang wika ko
Palabas na sana ako ng pigilan niya ako.
"잠시만요!!(Wait a second!) Since it's your last day as my fan, can i at least ask your name?" ani V
"Reese, but just call me Riz." sagot ko saka tuluyan ng umalis
As i walk through that door, i said goodbye to my fangirl life and hoping that one day i can be able to forget him...
Author notes:
Prologue pa lang pero feeling ko parang ang haba ng naisulat ko. Intense po ba? Hindi ko rin sure since naubos ko na lahat ng ideas ko abangan na lang po natin kung anong masusulat ko sa Chapter One 😂😁😊
YOU ARE READING
I'M MARRIED TO MY EX-FAN (On Going)
FanfictionI was really shocked, to know he's in love with someone. As a fangirl he broke my heart so i decided to stop being a fan. Destiny na rin sigurong malaman ko ang totoo kahit di pa sinasadya. After leaving for 2 years with a broken heart. Destiny rin...