Chapter One: The Preparation

81 3 1
                                    

Juliane's POV

"Arghhhh!!! Ba't pa sya mama?!? Alam nyo naman na ang sungit nyan diba?! Saka ang yabang yabang pa!!" inis at may halong pandidiri kong sinabi ni Mama. Eh kasi nga ipapakasal nya daw ako sa SNOBBERO slash MAYABANG slash MASUNGIT kong SCIENCE TEACHER na nasa harap ko ngayon na naka poker face. Kasi nga pag uusapan namin kung saan magaganap ang kasal, ano ang flavor ng cake, theme color at iba pang achuchuchuchung kailangang asikasuhin eh sa gusto ni Mama na ESPESYAL ANG KASAL kasi nga ako lamang ang anak nila.

"Hoy babae! Wag ka ngang mag inarte diyan na parang akong isang napaka panget na palaka! Pasalamat ka nga sa mama mo na ipapakasal ka nya sa isang napaka mabait na lalake at napaka poging lalake katulad KO!" sabi ni SIR LUHAN with matching pogi sign at may kasamang kindat tsaka wait lang ah? SYA?!? GWAPO?!? Aba't ang yabang yabang talaga ng taong to! Napaka kapal ng mukha. "Actually sir, hindi ka gwapo at lalong hindi ka pogi kase MAGANDA KA! Kase MUKHA KANG BABAE! HAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" tawang tawa kong sinabi pero sinamaan nya ako ng tingin. Pero!! Totoo naman ahh!! Ang ganda nya kaya!! Talbog nya ang beauty ko. Kase nga MUKHA SYANG BABAE HAAHAHAHAHAH!

"Diba sabi ko sayo HINDI AKO MUKHANG BABAE! At lalong hindi naman ako maganda kase MANLY AKO! MANLY!" at nagposing pa talaga siya ala BODY BUILDER pero in reality, wala naman palang MUSCLES yung asungot na yun. "HOY kayong dalawa! Magsitigil na nga kayo diyan! Parang kayong mga bata na nag aaway ng isang lollipop. Kaya nga ang bagay bagay niyo eh! Diba Mare?" sabi naman ni Mama ni Mrs. Lu yung Mama ni Luhan "Oo nga Mare! Hindi talaga ako nagkamali ng pag papakasal nila." with matching ngiting nakakaloko. 

"Pwede na po ba akong umakyat sa taas? At i continue niyo nalang yan. At kwentuhan mo nalang ako bukas ma. Inaantok na po ako eh." sabi ko at umacting na inaantok pero "Naku andami mong palusot Juliana! Dito ka lang! So....." at kinwento na ni Mama yung mga kailangang i handa at ako? Hetoo, tango lang ng tango hangga't sa..."Okay then! It's settled! Thank you so much Mare at Kumpare! Excited na talaga ako!!!" sabi ni Mama with matching tili sound. "Ma. Hindi naba talaga pwedeng tumutol? Hindi ko talaga gusto ehhhh!!!" at sa kasamaang palad ay DINEADMA nya lang ako. Hayyyyyysttt. Wala na talaga akong magawa. :(

HubbycherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon