Chapter Three: AISH! NAKAKAHIYA! >_<

54 1 0
                                    

Still Juliane's POV

"KYAHHHHHHH!!! AMPOGI NI SIR SEHUNNN!!!"

"SIR BAEKHYUN TURUAN MO 'KONG MAG EYELINER!!! KYAAHHHH!! AMPOGI MO PO SIRR!!!"

 "SIR CHANYEOL!! THE REACTION KING!! TUMINGIN KA NAMAN DITO OHHHH!!!!"

 "SIR JONGIN!! AMPUTI MO NA POOO!!! KYAHHHH!!!"

 "SIR KYUNGIEEEE!!!! HANGKYOOOOTTT MO POOOOOOO!!"

 "SIR LUHANNNN!!! ANG MANLY MO POO SA UNIFORM MOOOO!! KYAHHHH! MAS LALO KANG PUMOGIII!!!!!"

Eto nanaman. Back to the daily routine, dadating sila at pagtitilian na sila ng mga estudyante dito sa academy. Sanay na sana ako diyan eh. Pero, TSSSSKK!! Ang ingay ingay talaga nitong mga babaeng to! Nakaka basag na ng eardrums!! AISHH!! Puro kalandian lamang ang alam. Puro TILI! TILI DITO! TILI DIYAN! TILI EVERYWHERE! Hayyysstt! Oo, nasabi kong si Taeyong lang yung sikat sa mga estudyante kasi merong LABINGDALAWANG NAGAGWAPUHANG MGA MAGTUTURO dito sa academy namin. Pero di ko sila maiintindihan, bakit ba nila inaaaksaya ang oras nila sa mga lalakeng yon na para sa akin ay NAGSUSUNGITANG MGA LALAKENG MAGTUTURO.

At OO, narinig nyo nga. Isa sa kanila yung SUNGIT na 'yon. Alam nyo na kung sino. Sasabihin ko na nga lang! Si SIR LUHAN. At saka siya yung may pinaka maraming FANGIRLS dito sa academy namin. Hindi ko alam kung anong nakain ng mga fangirls na 'yon. Kasi ang yabang yabang ng ini-idolo nila. Tsss. At asa namang maging isa ako sa FANGIRL niya. Ang sungit kaya nun. Pero mas gugustohin kong maging fangirl ni SIR SEHUN kasi mas mabait sya. At tsaka alam kong bestfriend niya si Sir Lu pero napaka opposite ng ugali nila kase si Sir Hun ang bait, ang gentleman, ang friendly at napaka caring niya dahil hindi niya gustong may nasasaktan na estudyante samantalang Si Sir Han naman ay wala siyang pake sa lahat ng estudyante, masungit, ang yabang basta lahat ng ayaw ko sa isang lalake. Kaya nga inis na inis ako nang sinabi ni Mama na ikakasal ako sa kanya. Tsaka, wag na kayong mag tanong na gusto ko ba sya kase AYAW NA AYAW KO SA KANYA tsaka CRUSH ko si SIR HUN noh? :)

Well, napabalik ako sa realidad dahilan sa mga nag iingay kong schoolmates na tumitili habang nagsisigawan na ang gagwapo daw nilang mga magtuturo. Habang dumadaan naman yung LABINGDALAWANG NAGAGWAPUHANG MAGTUTURO sa harapan ko, ay biglang huminto sa harapan ko yung sungit na yun at nagsitahimik naman ang fangirls niya at biglang nagsipagbulongan yung mga babae. Napabilog ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila papuntang office nya. "Naku!! Ano na naman yung nagawa ko?! Lord please po huwag niyo po akong pabayaan dito." napa isip ako ng madiin. Saka habang hila hila niya ako, dinig na dinig ko yung mga pinag bubulungan ng mga fangirls niya. "Naku kahit kailan talaga ang lande lande talaga ng babaeng yan." narinig kong inis na binulong ng isa sa kanyang kaibigan. "Tssskkk!!!! Alam ko na nga ba eh. Magiging issue nanaman 'to sa buong campus. Haiiiissssttt!!!"  napa isip nanaman ako ng madiin.

Nang makarating na kami sa loob ng office niya, "HOY!! ANO BA YUNG GINAWA MO KANINA AH??!?! ALAM MO NAMAN ATA NA ANDAMING ESTUDYANTENG NAKA TINGIN SA ATIN!?!?! HINDI KA BA NAHIHIYA DUN?!" napa takip nalang ako sa bunganga ko gamit ang kamay ko at gulat na gulat sa mga sinabi ko. Eh nakakainis ehhh!!!! Bigla niya nalang akong hinila dun! At mas malala pa ay ang daming nakakakita!! Aishh!! "WELL, EXCUSE ME MS. ESDRELON. BAKA NAKALIMUTAN MO NA GURO AKO DITO AT TSAKA NANG DAHIL NANDITO TAYO SA SCHOOL AY KAILANGAN MO AKONG RESPITUHIN! DAHIL NASA RULE #5 SA BOOK OF RULES YUNG PAGRERESPETO NG MGA GURO DITO. Sana na alala mo pa yon Ms. Esdrelon." sabi niya sakin. "Yan tuloy!! Padalosdalos ka kasi sa mga pinagsasabi mo!"  sabi ng conscience ko sakin. Aba't malay ko ba na lalabas pala yung mga salitang yon sa bibig ko. "Ahe, sorry po Sir Lu. Ah..eh ba't mo ba ako hinila hila dito, Sir? May kasalanan po ba akong nagawa sayo na hindi ko alam?" napa luhod ako nang sinabing "Sorry po talaga Sir!! Kung ano man yung naging kasalanan ko, sana mapatawad niyo po ako!! Hinding hindi ko na yun gagawin ulit. Sorry po talaga SIR!! SORRYY! SORRYY! SO--ARRAY!!!!" aba't ang kapal talaga nitong sungit nato at binatukan pa ako "ANO BA HA?! NAGSOSORRY NA NGA AKO SAYO DIBA??!" pasigaw kong sinabi. "Tsk! Baliw ka talagang babae ka. -_-" inirapan niya lang ako. "Eh bakit mo nga ba ako hinila dito?"nalilito kong sinabi. Kase pagpapapuntahin ka niya dito sa office niya ibig sabihin may problema siya sa sayo tapos mag sesermon niyan sayo hanggang sa magsawa siya. OVER? Oo! Ang over over ng lalakeng yan. Kaya nga ako litong lito na idinala niya ako dito. "Yan." sabay bigay niya sakin ng isang katupak na test papers. "Hindi ka papasok ngayon sa classroom mo kase tutulungan mo akong mag check diyan hanggang sa ma ubos niyan at pepwedehan na kitang umalis tsaka kasasabi lang ng Mama mo na sabay tayong uuwi ngayon."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HubbycherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon