Chapter 7

4.4K 108 5
                                    

KUNOT-NOONG tinanaw ni Francis si Scarlet na nakaupo sa duyan sa ilalim ng puno na nasa labas ng bahay. Mula pa kahapon pagkagaling nila sa centro ay napansin na niya ang pananahimik ng babae. Halos buong araw itong walang kibo kanina habang tumutulong kina Joyce sa mga gawaing-bahay.

Pasado alas-otso na ng gabi noon. Nagpapahinga na ang matandang mag-asawa at ganoon rin si Joyce at ang anak nito. Si Mateo naman ay kasama niya sa salas at nanonood ng tv. Maya-maya ay hindi na siya nakatiis. Tumayo siya at pinuntahan si Scarlet.

“Ang lalim ng iniisip mo, ah,” aniya nang makalapit siya rito. Hindi umimik ang dalaga nang tabihan niya ito sa duyan. “May problema ba?”

“Wala,” anito na iniiwas ang tingin sa kanya.

“Huwag mo nang itanggi, halata naman, eh. Kahapon pa pagkagaling mo sa internet shop tahimik ka na,” aniya na hindi inaalis ang tingin dito. “Ano’ng nangyari? May nabalitaan ka bang hindi maganda?”

Napahinga ito ng malalim. “Wala.”

“Eh, ano’ng problema?”

“Nakausap ko kasi 'yong isa kong kaibigan, si Iona.”

“Ah,” patango-tangong sabi niya. “Nami-miss mo siguro ang mga kaibigan mo at pati na rin ang mga lakad ninyo.”

Hindi ito sumagot sa halip ay napahinga lamang ng malalim. Maya-maya ay tiningnan siya nito. “Noong magtrabaho ka as my driver, ano’ng tingin mo sa akin? I mean, ano’ng pagkakakilala mo sa akin?”

Napakunot-noo siya sa tanong nito, sandali siyang nag-isip ng isasagot. “Kung ano lang 'yong narinig ko noon tungkol sa 'yo iyon lang ang nakita ko,” pagkuway ay sabi niya.

Naiiling na nagbawi ito ng tingin.

“Ang sabi nila—”

“Hindi mo na kailangang isa-isahin sa akin what they say about me,” putol nito sa kanya. “Alam ko na ang tingin nila sa akin ay isang selfish – spoiled brat na walang ibang alam gawin kundi ang gumastos, mag-shopping at mag-travel.”

Hindi siya umimik.

“They say na lahat ng gusto ko nakukuha ko kaya raw napakatigas ng ulo ko. Sabi pa nila wala raw akong pakialam sa mga taong nasa paligid ko,” patuloy nito pagkatapos ay nakagat ang ibabang labi at muling napahinga ng malalim. “Pero bakit sila? Do they really care about me? Alam ba nila kung ano ang totoong nararamdaman ko? Kung bakit ako ganito?”

Hindi siya nakaimik. Ngayon lang niya nakita na ganoon kalungkot ang mukha at mga mata ng dalaga.

Ilang minuto rin ang lumipas bago muling nagsalita si Scarlet. “Bakit hindi mo sinabi kina Tiya Minda kung paano talaga kita i-treat noon? Bakit sinabi mong okay at mabait ako?”

“Ayoko lang silang mag-alala sa akin noong nandoon pa ako sa inyo kaya ganoon ang sinabi ko.”

Iniiwas ni Scarlet ang tingin nito sa kanya at itinuon iyon sa lupa.

“Ano ba’ng nangyari sa pag-uusap ninyo ng kaibigan mo? Bakit nagkakaganyan ka?” tanong niya na hindi maitatanggi sa tinig ang pag-aalala.

Hindi umimik ang dalaga pero muli siya nitong tiningnan.

****

NAPABUGA ng hangin si Francis pagkalipas ng ilang minutong hindi nagsalita si Scarlet. Nakatingin lang siya sa binata at iniisip kung ayos lang ba kung sasabihin niya rito ang dinadala niya sa kanyang dibdib. Mula pa kahapon ay mabigat na ang kalooban niya dahil sa naging pag-uusap nila ni Iona.

“Sige, kung ayaw mong pag-usapan—”

“She offered me help,” putol niya sa binata. Wala naman sigurong masama kung sasabihin niya rito ang saloobin. “Gusto niya akong pahiramin ng pera, then nang sabihin ko na hindi ko iyon kailangan, she told me na huwag ko raw pairalin ang pride ko.”

❤Posh Girls Series Book 3: Scarlet (Completed_published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon