Entry#1

187 0 0
                                    


●▽●

This is the second story na ginawa ko. Yung first is yung Phantom's Tutor (My Lovely Fiancee).
Parehas lang na Slow Update ang kalalabasan nito. Sana makatiis kayo. Hehehe. Anyway, hope you enjoy my works. 

#LABYAH :)

▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶

ENTRY#1 - First Move

Audrey's POV

"Subukan mo!"

"Ayoko nga! Ikaw na lang kung gusto mo. Nakakainis ka na, huh!?"

"Teka nga lang! Aba! At ako pa talaga ang nakakainis dito? Teka, teka, teka. Eh, sino bang nag aya sa akin dito? Sino ba yung taong kinulit kulit ako para lang samahan ko? Huh? Sino nga ulit yun, bes?"

Katakot takot na pandidilat ang ginawa nya sa akin.

Oh great! Sumbatan ba ako? Bwisit kasing teacher yun.

"A-ako. Pero kasi--- kanina yun! Ngayon ayoko na. Nahiya na ako. K-kung gusto mo, ikaw na lang. Epal ka kasi ahy."

"Ano!? Naku ka! Ayoko! Ikaw ang gumawa nyan! Ikaw ang nagpasimuno nyan kaya ikaw ang tatapos! Wag mo akong madamay damay sa kakornihan mong babae ka!"

Pagkatapos ng isa na namang katakot takot na pandidilat na natanggap ko ay tuluyan na nya akong itinulak sa pinagkukublian namin.

Nag inhale exhale pa ako bago tuluyang inayos ang sarili ko. Hinila ko yung laylayan ng damit ko, inayos yung cap na suot ko at inamoy ang hininga ko.
Hep! Ginagawa ko talaga yung dulo kong sinabi.  Kailangang Fresh at mabango ang hininga ko para sa taong kakausapin ko. Mahirap na't baka mapurnada pa ang gagawin ko.

Muli akong tumingin sa bestfriend ko. Oo! Best friend ko nga yung babaitang kausap ko kanina. Grabe diba? Bestfriend ko yun pero nakakabwisit kausap!

Napairap na lang ako ng kindatan nya ako saka sumenyas ng 'go'. Meaning, gawin ko na ang dapat ay gagawin ko.

Napatingin ako ng diretso sa harapan ko. Nakita ko agad ang bulto 'Nya'. Hindi naman mahirap hanapin ang pagmumukhang iyon sa kumpol ng mga tao.
Yup, He's not alone. Kasama nya yung mga kaibigan nya. In short, kasama nya yung mga katulad nya ng istado.

Putik, nakakadyahe talaga itong gagawin ko. Pero sige, para lang hindi ako mapahamakgagawin ko. 

Unti-unti akong lumapit sa lugar nila.  Hindi nila agad ako napansin dahil busy sila sa mga ginagawa nila.

Hindi ko alam kung bakit nasa ganito akong sitwasyon ngayon.
Nandito sa sitwasyong alam kong ikapapahamak ng buong angkan naming mga kababaihan.
Yeah, babae ako pero hindi halata.
Sa susunod na ako magkukwento kung bakit hindi halata.

So here I go.

Habang papalapit ako sa kumpulan nila  naalala ko yung dahilan ng kalokohang ito.

Valentines CardWhere stories live. Discover now