Entry#2

95 0 0
                                    

ENTRY#2 - The Nerve

Audrey's POV

Arrrgh! What the hell did just happen? Bakit!? Why!? Arrrghh!

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakapwesto sa harap ng salamin. Nakikipagtitigan sa reflection ko.

***FLASHBACK***

After ko syang makitang papasok ng isang eskinita ay sinundan namin sya ni Chill hanggang sa umabot kami sa isang

Coffee shop?

"May coffee shop pala dito? Naku, bes! Sa susunod dito tayo huh?"

Siniko ko sya dahil sa tinuran nya.

"Siraulo! Puro ka talaga pagkain. Tsk. Nandito tayo para dun sa Aj na yun. Hindi para sa tummy mo."

"Kaya nga sa susunod eh."

>3<

"Ewan ko sayo."

Nakita namin syang pumasok dun kaya ganun din ang ginawa namin.

Nakakailang hakbang palang kami papasok ay may nakabunggo na agad ako.

"Ouch! The hell? Are you blind?"

Iritadong sabi ko without looking kung sino yung nakabunggo ko. Nauntog kasi ako sa malapad na dibdib nya. Alam nyo yun? Magkaharapan kami.
Nairita pa ako dahil hinila ni Chill yung laylayan ng damit ko.

"What!? "

Imbis na sagutin ako ay tinuro na lang nya yung nabunggo ko.

Natulala ako bigla.

Shit. Of all people!

"Sa susunod, make sure na nasa tamang way ka para hindi ka mabubunggo."

Sinabi nya iyon sakin na hindi man lang ako tinignan.

Mayabang!

"Sa exit kayo dumaan kaya paniguradong mabubunggo talaga kayo."

Sa sinabi nyang yun, napatingala ako sa taas.

Exit.

Basa ko dun sa word.

Tsk.

"Ano ngayon?"

Sinasabi ko yun habang pabalik sa kanya ang atensyon ko.

Nakita ko na lang na paalis na sya at di na ako pinansin pa.

Tss. Sungit! Ang yabang pa. Bwisit. Tsk. Kung di lang dahil sa bwisit na teacher na yun. Hindi kita kakausapin eh. Tsk.

Dahil sa isiping iyon, naalala ko yung pakay namin kung bakit kami naririto.
Inilabas ko agad ang bagay na yun at akmang ibibigay ko na sa kanya nang pagtingin ko ay nakalabas na pala sya sa naturang shop.
Sisigaw sana ako kaso nang maalala kong nasa loob pala kami ay dali-dali akong lumabas habang hila-hila si Chill.
Alam kong hindi nya ako maririnig kung tatawagin ko sya mula sa loob dahil diba nga, may pagkabingi lahat ng characters dito? Asa pa akong maririnig nya ako? Diba!?
Medyo malayo na sya kaya ubod ng lakas na ang ginawa kong pagtawag.

"HOY! AJ RODRIGUEZ!"

Labas ngala-ngala kong pagtawag.
Halos magpapadyak ako sa sobrang inis nang hindi man lang sya lumingon sa makapatid litid kong pagtawag.

Naramdaman ko ang mga matang biglang dumapo sa kinatatayuan namin.

Tss. Tsismoso't tsismosa!

Valentines CardWhere stories live. Discover now