***

49 1 0
                                    


// Blaster //

"Wait woah. It's been 3 years tho, bakit kayo nagbreak? Bakit biglaan? Sayang naman." (Z)

"Ewan ko pre. I think mali naman talaga ako sa nagagawa ko sa kanya. She's right. I'm wasting too much time sa mga walang kwentang bagay."

"Is she talking about me and Zild? Diba naiintindihan niya naman yung trabaho mo? Trabaho natin as a band." (B)

"Yes alam niya yon Badj. Crystal is such a smart one and besides, it's my fault for being confused. Mas lamang ng yung time ni Iya compared kay Crys. Thankfully hindi ko nabanggit kay Iya kagabi niya siya yung dahilan. Ayokong pati siya maging apektado sa mga routines niya blaming for herself.."

"Paunlakan mo muna yung sarili mo ng mahabang oras para makaag isip. Exercise na din sa utak Ter. Hindi mo kailangang magmadali sa mga simpleng bagay na kaya namang mahanap sa susunod." (U)

I freed up a deep sigh about thinking my situation. I'm still grateful that I have these friends who can really comfort me everytime I feel so uncomfortable sa mga sitwasyon.

Nakakapanibago lang, sobra. Wala na masyadong lumalabas sa notifications ko, nag memessage kasi si Crystal sakin every morning.

I checked out her latest posts. All about positivities. Marami ang nagtatanong sa kanya anong problema. Di naman ata ako makakasigurado na hindi niya kinuwento.

May mga kaibigan din naman siya na napapag sabihan niya ng secrets or problems like Juliana-- nevermind.

Buti nalang talaga hindi siya ganon ka-samang tao para ishare yung mga kalokohan ko kasi nga diba, we're already broke apart. Nandon pa rin yung respeto niya sakin for the sake of my band. Maski naman respeto ko sa kanya never mawawala yon.

Napaka walang buhay ng mga araw na dumadating sakin. Same routine nalang ako lagi wala nang bago. Nakakasawa mabuhay sa ganito.

Kumain
Gig kung saan saan
Inom inom
Walwal gabi gabi
Tulog maghapon
Punta sa guitar shop
Bili ng libro
Practice sa studio
Roleplay/stan accounts

Lahat yon minsan ko nalang nagagawa. Mas pinipili ko nalang maglaro ng video games. Napaka colorless ng buhay ko tangina.

Umiinom pa nga ako ng kape kahit na acidic ako para lang sumakit yung tiyan ko, yun lagi kong rason kaya hindi ako maaya nila Zild lumabas ng bahay.

♠️

Binuksan ko yung pintuan dahil may nag-doorbell. "Iya. Buti dumating ka. Napatagal ka?" ngumiti kaagad siya sakin ng pagkaganda.

Lumilingon lingon pa siya sa paligid. "First time ko lang dito hahaha! Wala ka bang kasama dito?" agad akong umiling.

"Teka kuhaan kita ng pagkain." deretso ko sa kusina. Nakakita ako ng chips ahoy sa ref ko sabay timpla ng gatas.

"Pinagmukha mo akong bata buwisit ka." everytime na iniirapan niya ako, mas lalo akong nagiging attached sa kanya. Ang cute niya puta!

Nanood kami ng mga kung ano anong pelikula hanggang sa nakapanood kami ng Goblin. Magkatabi kami. Oo, kaming dalawa lang.

Umurong siya ng konti sakin dahilan para magkalapit yung mga balat namin. "Yuck! Pawis!" humalakhak siya. Ang cute talaga. Ang ganda ganda ng mukha niya.

"Hmm Blaster. May sasabihin sana ako sayo like wtf. Matagal na to pero ngayon ko lang mababanggit, baka di na nga maulit eh."

"Huh? Anong drama na naman ba yan? Haha sige makikinig ako."

"Blaster. Minamahal na yata kita. Naiinis ako tuwing magkasama kayo ni Crystal before. I may sound too selfish pero naganahan ako ng loob when I knew from you na naghiwalay na kayo. I had a big portion of chance para sayo."

Mukhang sobrang worried si Iya sa mga sinabi niya. She looked so unsure.

"I-Iya sa t-totoo lang.."

Bigla akong pinangunahan ng takot. Kinakabahan akong sumagot pabalik. Dapat ko nga bang sabihin sa kanya yung totoo kong nararamdaman?

"I also love you.. The first time I saw your face from Unique's dare that night, I know I felt it. Yung pakiramdam na inlove ka talaga."

She held my hands. Naka interwine kami. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang ginawa niya yon. Bakit ako natatakot? Bakit ako kinakabahan? Tapos na din naman kami ni Crystal diba?

This isn't cheating at all diba? It will never be called cheating, am I right?

She gave me a damn hot kiss. "I knew it Blaster. Bakit hindi nalang naging tayo from the start? I mean I can even make a way to help you mend your heart." she went her hands into my cheeks.

I just can't help but hug her and cried so hard. Hirap na hirap ako sa sitwasyon ko right now. Why? Why do I have to do these kind of shits?!

I felt my face like it's burning. It hurts from the pain then suddenly woke up. Seryoso?! Panaginip lang ba lahat nang yon?! Bakit parang totoo lahat!

Nagulat pa nga ako kasi paglingon ko puta si Zild tsaka si Badjao. Pagmulat mo ba naman mukha ni Zild na may eyeliner nasa harap mo sino bang hindi matatakot don?!

"Iho, Mr. Lutang bangon na at may gig pa tayo mamayang 9pm." sabi niya. "G-Gago?! Paanong- anong oras na?!" nawala talaga sa isip ko yubg gig namin sa may North Vertis. Bibiyahe na naman kami.

"Eh, 7:30pm na. Actually malelate na nga ata tayo eh. Mabuti nalang at naiwan mong hindi nakalock yung pintuan mo sa baba eh." alo ni Badj. Ngayon nalang ulit kami makakasabak sa gig.

"And! Blasteeer, uminom ka pa? Ano bang nangyayari sayo? Nang dahil lang ba sa babae? Waste your time sa ibang bagay wag sa pag-inom." (Z)

WHAT AN ACTUAL FUCK! TEKA TOTOO? LASING AKO?!

I'm so depressed that I almost forgot the sake of my band. Fuck. I shouldn't have done that. Pinaghihintay ko sila nakakahiya.

Nakita kong nakatayo sa isang gilid si Unique at nakasilip sa bintana ko. Tanaw kasi lahat ng view don dahil mataas yung kwarto ko.

Bigla siya nagsalita, "Aabutin tayo ng siyam siyam pag di ka nagmadali dyan." Agad naman akong naligo at nag ayos. Nakaalis kami at nakarating doon sa saktong oras.

Hanggang ngayon nakakapagtaka yung nangyari. It feels so real, ewan ko ba.


A/N: Longest part I did in this story tho. Sorry to keep you waiting, don't worry nabawi ako thanks to my insomnia hahahaha!

Xoxo, Ceej ♡

Blaster, Spin the Bottle! [ IVOS Series Book 1! ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon