Oh!Hi!My name is Leanne De Guzman and i'm 25 years old walang boyfriend walang pamilya lahat wala ang saya di ba. Nasa trabaho ako ngayon sa Coffee Shop at ayun maraming costumer kaya haggard na ang lola nyo.
"Mygaaadddd alas-dose na pero marami pang tao,ganun ba sila kaadik sa kape?like duhh"-wika ng aking katrabahong si Anna actually she's my friend sya yung nagpasok sakin dito at tumulong sakin na mabuhay kaya ang laking pasasalamat ko sa kanya.
"Ano ka ba mabuti nga yun eh maraming costumer para malaki yung kita"
"Malaki nga yung kita pagod ka naman"-wika nya
Natatawa na lang ako sa mga pagrereklamo nya.Naudlot lang aking pagtawa ng may costumer na dumating at napakagwapo nya.
"Hmm one Capuccino please."sabi nung poging lalaki...ano kayang pangalan nya?
"Oh Sige po sir!"
"Lorenz"nagulat naman ako sa sinabi nya at naalalang nilalagyan pala ng pangalan yung lagayan ng kape.
"A-ah sige po Sir Lorenz"at inabot ko na sa kanya yung kape.
"Thank you Sir come again"at tuluyan na syang umalis hayyssss ang gwapo nya para syang koreano bagsak ang buhok at medyo singkit at ang tangkad nya at ang mas nakakainlove sa kanya ay ang kanyang natural na mapulang labi na ang sarap halikan....
"Ayy!takte!ano ba tong mga pinagsasabi ko?erase,erase"
"Hoy!baliw anong pinagsasabi mo dyan?"nagulat naman ako ng biglang sumulpot itong si Anna.
"Ano ka ba naman Anna aatakihin ako sa puso sayo eh wag ka ngang nanggugulat!"
"Apaka nerbiyosa mo na rin eh no!tigil-tigilan mo na yang kakakape mo jusmiyo marimar"natawa ako sa sinabi nya eh allergy kaya ako sa kape.
"Sira!di nga ako umiinom ng kape allergy ako dun di ba"sabi ko habang natatawa.
"Oo na ewan ko sayo,wag ka kasing nagsasalita mag-isa para kang baliw dyan"
"Oo na po sige na dun kana nga ang ingay mo ehh"
"Ayy wow ahh osige maam dun na po ako ha at magseserve lang ako grabe to!"natatawa talaga ako sa babaeng to laging may saltik ewan ko ba eh sya naman tong nagpasok sakin dito pero parang ayaw naman nya sa trabahong to hays.
10 pm na at pauwi na kami ngayon ni Anna isasara na lang namin tong Coffee Shop nag-overtime kasi kami kaya kami na mag-sasara.
"Grabe isang nakakapagod na araw nanaman"sabi nya sabay buntong hininga
"Oo nga eh halatang halata sayo na pagod na pagod ka"sabi ko habang natatawa
"Ewan ko sayo baliw ka talaga kanina ka pa tawa ng tawa tara na nga!"at naglakad na kami papuntang sakayan ng jeep.
Medyo malayo bahay namin sa pinagtatrabahuhan namin sasakay kami ng dalawang jeep at magtatricycle pauwi.
Kaya madalas nalelate kami kasi ma-traffic.Makalipas ang mahaba-habang byahe.
Nandito na kami sa apartment na tinutuluyan namin di masyadong malaki di rin naman maliit sakto lang saming dalawa."Sige na bes!tulog na ko pagod na pagod na ko"sabi nya na nahihikab pa
"Osige pahinga kana magpapalit lang ako"
"Sige goodnight"
"Goodnight"buti na lang at day-off ko bukas kaya makakapag-pahinga ako ng mahaba.Ako lang ang matitira dito bukas kaya pupunta ako ng mall para mamamasyal at magrerelax.
Susulitin ko ang araw ko bukas....
YOU ARE READING
With You
RomanceEverything happens for a reason and everything with you really happens.