Chapter 6:

3 0 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa condo nya at isa lang ang masasabi ko WOW grabe ang laki parang bahay na namin to kaso mas malaki to tapos sya lang mag-isa dito.


"Upo ka muna dyan magpapadeliver na lang ako ng kakainin natin di kasi ako nakapag grocery kaya wala akong lulutuin"

"M-marunong kang magluto?"

"Oo naman bumukod na ko eh kaya dapat marunong na ko magluto panget naman kung lalabas pa ko para kumain tsaka nakakasawa kung puro order lang right?"wow grabe talaga hindi sya tulad ng ibang mayaman na di sanay magluto.

"Oo nga hehehe"napaiwas na lang ako ng tingin.

Mga 30 minutes kami naghintay dumating na din yung inorder nya Pizza lang tapos kumuha sya ng W-wine?first time akong makakainom ng wine taong bundok ako eh charot.

Binuksan nya na yung Wine tsaka Pizza tapos binigyan nya ko how sweet.

"So ano kwento ka naman about you oh.."sabi nya habang nakangiti sakin

Mygoodness ano namang ikukwento ko dito wala namang kwenta buhay ko ehh.

"Hmm ano ba gusto mong malaman tungkol sakin?"


"Lahat...I want to know all about you Ms. De Guzman"sheettttt kinakabahan pa naman ako pag tinatawag yung apelyido ko.

"Ahmmm ano kasi ehh...wala namang kwenta yung buhay ko no di ako mayaman di naman ako maganda wala na kong pamilya ako na lang mag-isa pero buti na lang nandyan si Anna yung kaibigan ko sya yung tumulong sakin kaya laking pasasalamat ko sa babaeng yun mahal na mahal ko yun eh hahahaha"medyo maluha luha pa ko nyan kasi naman eh ayoko talagang nababanggit yung about sa pamilya.

"At sino naman nagsabing hindi ka maganda?"natigilan ako sinabi nya

"You're beautiful for what you are and who you are you are beautiful in my eyes I love you Leanne"t-teka shemmmsssss kinikilig nanaman ako a-ano ulit daw yun?

"H-ha?"para akong tanga dito

"I love you Leanne De Guzman I do really love you"y-yung boses nya yung pagsabi nya ng mga salitang yun napaka sincere.

"L-lorenz.."binitawan ko yung kinakain ko at niyakap ko sya medyo naiiyak na ko at ayokong makita nya kong umiiyak.

"Sshhh...I know you're crying.."hinarap nya ko sa kanya at pinunasan ang mga luha na pumatak sa aking mga mata...di ko alam kung bakit ako naiiyak. Niyakap ko ulit sya.

"Lorenz.."

"Hmm?why?"Sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko

"Sorry ha kung umiiyak ako di ko alam kung bakit parang tanga lang no"

"No..its ok you can cry kahit na kelan mo gusto handa akong maging sandalan mo sa t'wing nalulungkot ka ok?"niyakap ko sya ng napakahigpit.

"I miss my family Lorenz gusto ko silang makita"sabi ko habang umiiyak

"Gusto mo samahan kita sa puntod nila?"sabi nya at hinarap nya ko sa kanya.Tumango na lang ako.

"Pero wag na muna ngayon let's just enjoy this night."sabi ko at pilit na ngumiti ayokong masira tong gabi na to dahil sa kadramahan ng buhay ko.

"Ok ikaw bahala.."sabi nya sabay ngiti sakin.

Kinuha ko yung wine ko
"Cheers!"
.
.
.
.
.
.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan medyo nahihilo na ko medyo marami na rin kasi akong nainom na wine.

"Hmm Lorenz..uwi na ko" pagsabi ko nun everything's black out.




Lorenz's P.O.V.


"Hmm Lorenz..uwi na ko"sabi nya at ayun nakatulog na. Napangiti naman ako konti lang alcohol content ng wine pero nalasing sya. Binuhat ko sya papunta sa bedroom ko at dun ko na sya nilapag. Nung ilalapag ko na sya bigla nya kong hinila at hinalikan pero saglit lang yun.

"Lorenzzz....."sabi nya pero natutulog na sya ang cute nya grabe.

"Dito ka lang sa tabi ko please wag mo ko iwan"sabi nya at may tumulong luha sa mata nya tulog na sya pero nasabi nya pa yun.

"Oum dito lang ako di kita iiwan"sabi ko at hinawakan ang kamay nya.
Natutulog na sya ng mahimbing ngayon..yung mukha nyang napakainosente na ang sarap titigan. Yung mga labi nyang malambot at matamis na ang sarap halikan.

Hinalikan ko ang noo nya at tumabi na ko sa kanya,this is my first time na makatabi sya at napakasaya ko ngayong gabi na to. Sakto naman at humarap sya sakin at niyakap ako...napangiti na lang ako at niyakap sya pabalik.

"I love you Leanne.."


































Hmmm 8:25 na pero tulog pa rin sya nakapagluto na nga ako ng almusal namin eh ayoko naman syang istorbohin sa pagtulog nya baka ngayon lang nakatulog ng matagal yun kasi may trabaho sya.

Nakahanda na lahat sya na lang..natigilan na lang ako sa ginagawa ko ng lumabas sya sa pinto ng kwarto ko. Napawow na lang ako sa gandang taglay nya She woke up like that di ko maiwasang di mapatitig sa babaeng mahal ko.

"Kain kana naghanda na ko ng almusal natin oh"pinaghila ko sya ng upuan at naupo na sya.

"A-ano palang n-nangyari kagabi bago ako matulog?"tanong nya habang nauutal napangiti na lang ako.


"Wala naman natulog ka lang ayun lang..sige na kain kana dyan"sabi ko lang sa kanya

"S-sigurado ka?"

"Oum wag ka mag-alala kain kana dyan"






















Natapos na kaming kumain nagpresinta naman sya na sya na ang maghuhugas pero syempre hindi ko hahayaan na gawin yun ng prinsesa ko.

"Hindi na ako na,bisita kita kaya wag na kaya ko naman hugasan yan eh"

"Nahihiya na ko sayo eh sige na ako na maghuhugas sige na Lorenz"ang kulit nya hays.

"Teka muna bakit ba Lorenz tawag mo sakin masyadong mahaba LJ na lang"

"Osige LJ na lang itatawag ko sayo basta ako na maghuhugas"grabe ang kulit nya.

"Wag na pala tawagin mo ko sa kung ano gusto mo itawag sakin..ako na maghuhugas wag kana makulit dyan ok."natawa naman ako ng bigla syang sumimangot.

"Bat ka tumatawa dyan ha?"sabi nya sabay irap.

"Wala ang cute mo kasi eh"mukha naman syang nagulat sa sinabi ko at namula sya. Lalo akong naiinlove sa kanya ang cute nya.

"Ewan ko sayo dyan kana nga!"di sya nakaalis kasi hinila ko sya papalapit sakin

"I love you"at lalo syang namula..napangiti na lang ako

"Di ko na kayang pigilan everytime na makita kita gusto kong halikan ka"sabi ko na lalong ikinagulat nya.

Her lips is attracting me di ko na napigilan ang sarili ako at hinalikan ko sya. I kiss her and kiss her and kiss her hanggang sa di na kami makahinga humiwalay ako saglit at hinalikan ulit sya. Nakakatuwa lang kasi she's kissing me too sabi nya di sya sanay humalik pero kung humalik sya napaka professional.

"I love you Leanne"nagulat ako sa sinabi nya matagal kong hinintay na marinig yun mula sa kanya.


"I love you too Lorenz"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

With YouWhere stories live. Discover now