Part 1

31 4 3
                                    

The Bullies

"Gago ka ah!Sa susunod titingnan mo ang dinadaanan mo!"maangas na sigaw ni Trenz sa isang lalaking di sinadyang mabangga siya. Pahablot nitong hinawakan ang kwelyo nito saka sinuntok ang mukha nito na halos mawalan na ng malay.

Naghiyawan ang mga estudyanteng nakasaksi pero walang lumapit para umawat. Samantalang ang mga kaibigan ni Trenz ay nakangisi pang pinapanood siya.

"Ang lakas ng loob mong maglakad sa dinadaanan ko!Sino ka ba huh?Baka gusto mong maghirap na hayop ka?!"

Patulak niyang binitawan ang lalaki. Hindi na ito gumagalaw pero humihinga pa.

"Tapusin mo na yan!Gutom na ako."Sulsol ni Audy kaya napangisi si Trenz. Nilahad niya ang kamay at inabot naman ni Joshua ang isang baseball bat.

"Tingnan lang natin kung hindi ka pa magtanda!"

Naglakad siya palapit sa lalaki at umastang ipapalo ang bat nang may pumigil sa kamay niya.

"That's enough Trenz!"maawtoridad na sabi ni Prince dahilan para matigilan siya at mapabuntong-hininga ang mga kasama nila.

"What the hell Prince?!You're so Kj talaga!"maarteng sabi ni Reeh sa kanya.

Prince glared at Reeh maging sa mga kaibigan pa nila,huli kay Trenz.

"Stop it.I'm warning you."

"Tsk!"ibinato ni Trenz ang bat saka naglakad paalis. Sumunod naman ang iba sa kanya at ang iba ay nilapitan si Prince.

"Bakit ang init ata ng ulo mo?"takang tanong ni Patrice at hinaplos ang pisngi ni Prince na agad naman nitong iniiwas.

"Ayoko lang sa mga ginagawa niyo."

"Hays!You're still the same Prince,mabait at may awa."sarkastikong puna ni Katrina sa kanya "I wonder,kung bakit kaibigan ka namin."she flipped her hair saka pairap na umalis at iniwan sila.

"Ay naku!Nakakalurkey naman kasi si Trenz!Gusto pa atang tsugihin ang boylet mamehh!Ang ulam pa naman nitey!"turo niya sa nakahandusay na lalaki.

"Tsk."binalingan ni Prince ang mga estudyante."Ano?Tutu­nganga nalang kayo dyan?Kunin niyo siya at dalhin sa ospital nang magkasilbi kayo!"

Agad naman silang naglapitan sa lalaki at inalalayan.

"Tara na sa canteen naghihintay na sila don."aya ni Sai.

"Kayo nalang.May klase pa ako."

Napapailing nalang na tinanaw nila si Prince.

"Guys!Where's Prince?"Lara

"May klase pa daw."kibit-balikat ni Sai.

"Anong problema nung gagong yon?!"inis na tanong ni Trenz.

Patrice gave him a death glare.

"Hindi mo kasi dapat ginanun yong lalaki!You almost killed him!"

"Ano naman?Huwag mong sabihing may konsensya kana?"sabat ni Joshua.

Natahimik si Patrice kaya hindi na siya kinausap ng mga kaibigan. Nagsimula nalang silang kumain at masayang nagkwentuhan.

(Library)

"H-Hey."napapakamot na bati ni Prince sa babaeng busy sa pagbabasa. At nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay napatitig siya dito.

"Yes?"

Halata ang pagtataka sa mga mata ng babae.

"A-Ahm,"Prince cleared his throath"Pwede bang makitabi?"

Game of FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon